(NI JG TUMBADO) NASA halos isang bilyong piso na ang pinsala sa agrikultura bunsod ng panahon ng tagtuyot o ang El Nino phenomemon sa bansa. Sa datos na nakalap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa inisyal na pagtataya na P464 Million, ngayon ay pumalo na sa mahigit P864 Million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng matinding tagtuyot. Apektado ng naturang kalamidad ang MIMAROPA region at region 12. Sa MIMAROPA, mahigit P158 Million ang pinsala sa mga pananim na karamihan ay mga palay at mais,…
Read MoreMonth: March 2019
KAMARA ‘DI YUYUKO SA SENADO SA SPECIAL SESSION NG 2019 BUDGET
(NI BERNARD TAGUINOD) GAME ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng special session tulad ng plano ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III upang maayos na 2019 national budget. Gayunpaman, huwag umasa ang mga senador na bibigay ang mga kongresista sa kanilang kagustuhan na ibalik sa lump-sum budgeting mode ang 2019 national budget dahil hindi ito mangyayari. Ayon kay House appropriations committee chairman Rolando Andaya Jr., bukas sila sa lahat ng ideya tulad ng pagkakaroon ng special session para muling matalakay ang hindi pagkakaunawaan sa national budget. “We welcome…
Read MoreSINADYANG PAGSASARA NG LA MESA BYBASS ITINANGGI
(NI KIKO CUETO) ITINANGGI ng isang engineer mula sa Maynilad Water Supply Operations na isinara nila ang La Mesa bypass na siyang nag-reregulate ng water flow na pinaghahatian ng Maynilad at Manila Water kaya’t nagkaroon ng shortage sa tubig. “Nakabukas po iyan,” sinabi ni Engr. Ronaldo Padua sa panayam. Isang nagpakilalang dating nagtatrabaho sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay nagsabi sa Facebook na ang pagbubukas ng bypass ang magreresolba sa shortage sa Manila Water customers. Si Angel Salazar, na nagtrabaho sa MWSS mula 1982 hanggang 2012, ay sumagot…
Read MoreMALAKING PLAKA SA MOTORSIKLO APRUB NA
(NI DAHLIA S. ANIN) PIRMADO na ni Pangulong Duterte ang batas na nagtatakda ng mas malaki, madaling mabasa at color coded na plate number para sa mga motorsiklo. Isa nang ganap na batas ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act. Ang batas na ito ay ginawa upang mabawasan ang mga krimen na ginagawang get-away vehicle ang mga motorsiklo sa pamamagitan ng paglalagay ng mas malalaking plaka para mas madaling makita at mabasa ang plate number nito at meron na ding color coding para madaling malaman kung saan…
Read More‘POLITICAL ASSASSINATION’ ARANGKADA NA SA NARCO LIST
(NI BERNARD TAGUINOD) NGAYONG inilabas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga politiko na sangkot umano sa ilegal na droga, magsisimula na ang “political assassination sa bansa. Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, bagama’t suportado umano ng mga ito ang kampanya kontra ilegal na droga, hindi ito pabor na maglabas ng pangalan ng mga sangkot sa ilegal na droga na walang matibay na basehan. Nangangamba ang mambabatas na lalong dadanak ang dugo ngayong panahon ng eleksyon sa ginawa umano ng Pangulo lalo na’t karamihan sa mga pinangalanang politiko…
Read MoreTRAINING NG ELECTION INSPECTORS MAPUPURNADA
(NI DAVE MEDINA) MANGANGANIB na maapektuhan ang pagsasanay ng mga Board of Election Inspectors (BEI) para sa gagampanang tungkulin sa May midterm elections. Ito ang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa panayam kaugnay ng isyu hinggil sa hindi pa inaaprubahang 2019 proposed national budget dahil sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso. Maliban sa pondo para sa training, nasa bingit din ng alanganin ang honorarium ng mga magsisilbing BEI. Gayunman, hinahanapan na umano ng paraan ng Comelec kung saan “makakahiram” ng pondo para sa training ng mga guro…
Read MoreSUPPLY NG TUBIG RAMDAM NA NGAYONG BIYERNES – MANILA WATER
(PHOTO BY KIER CRUZ) SIMULA ngayong Biyernes, mararamdaman na umano ng mga customer ng Manila Water ang pagbabalik ng supply ng tubig matapos ang mahigit isang linggong kawalan ng supply. Ang paniniyak ay galing kay Manila Water communications manager Dittie Galang matapos sabihing gumanda ang rate sa water refill ng mga reservoir kaya bumalik sa normal ang kanilang imbak ng tubig. Ang bugso ng tubig ay may halong kulay dahil umano sa mga mineral na galing sa lupa. Maaari umano itong magamit panglinis o pandilig ngunit hindi maaaring inumin kahit…
Read MoreNDRRMC: MISMANAGEMENT SA MANILA WATER DAHILAN NG WATER SHORTAGE
NANINIWALA ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na ‘mismanagement’ sa pamunuan ng Manila Water at hindi ang kakulangan ng supply ng tubig ang dahilan ng nararanasan ngayong water shortage sa malaking bahagi ng Metro Manila. Sinabi ni NDRRMC executive director USec. Ricardo Jalad, na may maling pamamalakad dahilan sa nararanasang kakulangan ng supply ng tubig. Magkakaroon ng pulong sa pagitan ng Manila Waterworks and Sewerage System, Manila Water at Maynilad upang malutas ang nararanasang kakulangan ng supply ng tubig sa east zone. Sinabi ni Jalad na tumaas ang…
Read MorePICHAY PINASUSUSPINDE NG 90-DAYS DAHIL SA GRAFT
INIUTOS ng Sandiganbayan ang suspensiyon ni House Deputy Speaker Prospero Pichay dahil sa umano’y chess event na inisponsor nito gamit ang pondo ng gobyerno. Nahaharap si Pichay sa graft at ethics charges dahil sa umano’y illegal na pag-apruba sa pagpapalabas ng P1.5 milyong Local Water Utilities Administration (LWUA) funds noong 2010 para sa chess event. Huwebes ng hapon nang ilabas ang 5-pahinang desisyon na nag-uutos ang Sandiganbayan 4th Division sa Kamara ng 90-araw na suspensiyon kay Pichay. Unang ibinasura ng Sandiganbayan ang argumento ni Pichay na hindi siya maaaring suspendihin…
Read More