ANO NA ANG NANGYARI SA APECO?

FOR THE FLAG

Matapos mapondohan ng higit sa P1 bilyon ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), mukhang mauuwi lamang ang lahat sa wala dahil tiwangwang pa rin ang 12,923 ektaryang property na ito sa lalawigan ng Aurora. Mukhang napagkakitaan lamang nang husto ng iilan. Ito ay pinlanong gawing freeport ng nasirang Sen. Ed Angara, siya pa nga ang umakda ng Republic Act 10083, ang batas na siyang lumikha rito. May mga nagmensahe sa ating mga ka-bandila na hindi malayong 40% ng nasabing public funds na ipinasok sa APECO ay swak…

Read More

NATIONAL ID SYSTEM

SIDEBAR

Sa darating na Setyembre magsisimula ang aktwal na implementasyon ng Republic Act No. 11055 na mas kilala sa tawag na Philippine Identification System Act o ang National ID System na mahigpit na tinututulan noon ng mga makakaliwang grupo. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), may inisyal na 6 milyong Filipino ang target ng PSA na makapagrehistro at mabigyan ng national ID sa mga unang buwan ng implementasyon ng R.A. 11055. Target naman ng PSA na bago matapos ang 2022 ay maiisyuhan na ng national ID ang may 100 milyong Filipino…

Read More

DoT TINIYAK NA WALANG LUMOT SA BORACAY

(NI ABBY MENDOZA) TINIYAK ng  Department of Tourism (DoT) na wala nang lumot na makikita sa Boracay taliwas sa kumalat na video sa social media na nagpapakita na may mga lumot sa dalampasigan. Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa kanilang monitoring sa isla ay walang lumot sa dalampasigan partikular sa Station 1 kung saan sinasabing kinunan ang kumalat na video footage. Ani Puyat, mula nang buksan ang Boracay noong nakaraang taon matapos ang anim na buwang rehabilitasyon ay wala pa silang lumot na nakita kaya maaaring matagal nang footage…

Read More

WALANG TUBIG!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Nakakainit talaga ng ulo ang pagkawala ng tubig sa NCR at ilang bahagi ng Rizal at Cavite. Ang init na nga ng panahon, nawawalan pa ng tubig! Ang libu-libong kabahayan na nawalan ng tubig nitong nakaraang linggo ay ang mga sineserbisyuhan ng malalaking water concessionaires na Manila Water at Maynilad. Dalawang araw o higit pa na walang tubig, ang malala pa, sa ibang lugar ay walang abiso. Hindi tuloy nakapaghanda ni panligo o pang-inom ang ilan nating kababayan. Ngunit bakit nga ba nawalan ng tubig? Taun-taon naman ang tag-init sa…

Read More

NORTH COTABATO ISINAILALIM NA SA STATE OF CALAMITY

EL NINO12

(NI BONG PAULO/PHOTO BY EDD CASTRO) ISINAILALIM na sa state of calamity ang buong lalawigan ng North Cotabato. Ito ang sinabi ni Vice Governor Shirlyn ‘Neneng’ Macasarte, batay naman sa rekomendasyon ng tanggapan ni Cotabato Governor Emmylou ‘Lala’ Taliño-Mendoza. Ang deklarasyon ay isinagawa sa regular na session ng Sangguniang Panlalawigan nitong Miyerkoles. Napag-alaman na umakyat na sa P670, 840, 281 ang pinsalang naidulot ng matinding tag-tuyot sa probinsiya. Para sa rice damage report, mayroong P362, 999, 674 para sa mais umabot sa P269,071, 035 at sa high value crop ay…

Read More

ROSARYO GABI-GABI; DINGDONG TUTOK SA PANGANGANAK NI MARIAN

teamdantes12

(NI MELL T. NAVARRO) HALOS kabuwanan na ng panganganak ng asawa ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera, dahil in less than a month ay maaaring isinilang na ng magandang aktres ang kanilang ikalawang anak.  Gabi-gabi rin ang pagno-novena ng mag-asawa, praying the Holy Rosary para sa safe delivery ng new baby boy nila. Tutok na nga si Dong kay Marian at wala munang masyadong tinatanggap na trabaho. Halos hindi nito maiwan ang asawa, mula sa regular na check-up ng OB-gyne doctor nito, pag-prepare ng mga gamit sa new baby,…

Read More

NAGBAGO NG ISIP: MGA SENADOR PABOR NA SA DEATH PENALTY

death penalty1

(NI NOEL ABUEL) MARAMI nang senador ang nagbago ng isip at ngayo’y sinusuportahan na ang panukalang muling buhayin ang parusang kamatayan laban sa mga gumagawa ng heinous crime. Ito ang sinabi ni Senate President Tito Sotto III, kung saan malaki ang tiyansang makalusot na ang panukalang batas na nakahain ngayon sa Senado para ipatupad ang death penalty sa bansa. Tugon ito ng senador sa nangyaring karumal-dumal na pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa lalawigan ng Cebu. “The way things are happening, marami nang pumapayag sa mga kasama namin. But then…

Read More

SENADO PASOK NA RIN SA MANILA WATER PROBE

titosotto

(NI NOEL ABUEL) MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Senado sa nangyayaring kaguluhan hinggil sa nararanasang krisis sa tubig sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan. Sa inihaing Senate Resolution 1028, ni Senate President Vicente C. Sotto III, hiniling nito sa Senate Committee on Public Services at sa iba pang kinaukulang komite na alamin ang ugat at solusyon sa nasabing iregularidad sa supply ng tubig. Sa susunod ng linggo nakatakdang dinggin ni Senadora Grace Poe, chairman ng nasabing komite ang nasabing imbestigasyon. Sinabi ni Sotto na hindi katanggap-tanggap na libu-libong pamilya, maging…

Read More

CLOUD SEEDING UMPISA NA SA SABADO

cloud seeding1

(NI JG TUMBADO) NAKATAKDA nang isagawa sa Sabado ang cloud-seeding operations sa ilang probinsiya sa Region 11 at 13 na apektado ng matinding tagtuyot dulot ng El Nino phenomenon. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang pagsasagawa ng cloud-seeding operations ay inirekomenda sa nabanggit na rehiyon. Sa datos ng NDRRMC, nakapagpalabas na ng P18.3 million na pondo sa mga regional office ng Department of Agriculture (DA) para maisagawa ang operasyon katuwang ang Philippine Air Force. Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, ginagawa ng gobyerno…

Read More