(NI DAHLIA S. ANIN) NAGKAKAGULO sa online world dahil sa reklamo ng mga users ng Facebook at Instagram sa buong mundo dahil sa hindi nila magamit o mabuksan ang mga app na ito. Nagsimula ito noong Miyerkoles ng gabi hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa pahayag ng Facebook sa kanilang twitter account, alam nila na may ilang tao ang nagkakaproblema ma-access ang kanilang mga account sa FB at Instagram, pero ginagawa na nila ang lahat para masolusyunan ito. Dagdag pa ng FB sa kanilang post, hindi daw ito bahagi ng mga…
Read MoreMonth: March 2019
EO VS WATER CRISIS SINIMULAN NA
(NI BETH JULIAN) SINIMULAN na ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbalangkas ng executive order para tugunan ang krisis sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na bayan. Ang aksiyon na ito ng pamahalaan ay para maayos na matugunan ang problema sa suplay ng tubig. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, may ginagawa na namang hakbang ang economic cluster at Cabinet assistance system bago pa man maranasan ang krisis sa suplay ng tubig kaugnay sa distribusyon. Bukod sa suplay sa tubig, inaayos na rin ng…
Read MoreJOMA: KONDISYON NI DU30 SA PEACE TALKS KALOKOHAN!
(NI JUN V. TRINIDAD) “KALOKOHAN” na parang “payaso” ang hinihinging kondisyones ni Pangulong Duterte para muli niyang buksan ang usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng gubyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ito ang sagot ni Jose Maria “Joma” Sison, Communist Party of the Philippines (CPP) founder, sa pahayag ni Duterte na pahihintulutan niya ang muling paghaharap ng mga kinatawan ng pamahalaan at mga rebelde kung magbababa ng armas ang mga komunistang gerilya at ititigil ang pangongolekta ng tinatawag na “revolutionary tax”. Muling ipinahayag ng Pangulo ang kanyang mga…
Read MoreEU NILINLANG, PONDO NG ‘NGOs’ ITINIGIL
(NI BETH JULIAN) HINDI na muna makatatanggap ng pondo mula sa European Union ang ilang organisasyon na sumusuporta sa makakaliwang grupo sa Pilipinas. Ito ay makaraang pansamantalang suspendihin ng EU ang kanilang pagbibigay ng pondo sa mga organisasyon matapos malaman na napupunta pala sa mga komunistang grupo at ginagamit ang pondo sa pag aalsa laban sa gobyerno. Kaugnay nito, sinabi ni Armed Forces of the Philipines (AFP) Deputy Chief for Civil Military Operations BGen. Antonio Parlade, pinagsusumite sila ng EU ng mga karagdagang mga ebidensya na magbibigay-diin sa nasabing reklamo.…
Read MoreDU30 MANINIBAK PA NG TAUHAN DAHIL SA KATIWALIAN
(NI BETH JULIAN) ASAHAN nang malalagasan muli ng miyembro ng Gabinete si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw. Ito ay matapos i-anunsyo ng Pangulo sa talumpati nito sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas Bayan (PDP-Laban) sa Cauayan, Isabela nitong Miyerkoles ng gabi, na may isa pang set ng mga opisyal na kanyang sisibakin. “I will be firing another set of officials. I’m sorry. Mahirap,” pahayag ng Pangulo. Bagaman wala pang ibang sinabi ang Pangulo upang matukoy ang personalidad na kanyang sisibakin anumang oras o araw, sinabi nitong may…
Read MoreARAB-LOOKING FOREIGN TERRORIST KASAMANG NAPATAY SA AERIAL ASSAULT
(NI JESSE KABEL) NAKUMPIRMA na kabilang sa napaulat na 24 miyembro ng Daesh inspired terror group ang mga foreign terrorist na nagtatago sa bulu-bunduking bahagi ng Maguindanao matapos na ma-recover ang dalawang bangkay –t isa rito ay Arab-looking foreigner – na napuruhan sa aerial assault na ginawa ng militar. Sa ulat at ilang larawang ibinahagi ni Army 6th Infantry Division Commander Cirilito Sobejana, matapos ang ilunsad ang aerial assault at ground operations sa Maguindanao laban sa DAESH-inspired terrorists, ay natagpuan ang dalawang bangkay ang na-recover ng military sa clearing operation. Ayon kay…
Read MoreIBON, KMU, KARAPATAN NAKAKUHA NG PONDO SA EU PARA SA CPP-NPA?
(NI BETH JULIAN) PINANGALANAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang organisasyon sa Pilipinas na ginagamit umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) para makakalap ng pondo mula sa ibang bansa. Sa press briefing sa Malacanang nitong Miyerkoles, sinabi ni AFP Deputy Chief for Civil Military Operstions BGen. Antonio Parlade na ilan lamang sa mga organisasyong ito ang IBON Foundation, Kilusang Mayo Uno at Karapatan. Ayon kay Parlade, lumabas sa isinagawa nilang pagpupulong kamakailan sa Europa na may pitong organisasyon ang nabigyan ng €3 milyon…
Read MorePRANGKISA NG MANILA WATER BAWIIN
Dati-rati ay naiinis ako dahil sa mga ginagawang paghuhukay ng Maynilad sa aming lugar. Sa katunayan, isang kanto mula sa amin ay mga ginagawang “systems upgrade” ng Maynilad na nagiging sanhi ngayon ng traffic sa aming lugar. Ngunit nitong mga nagdaang araw ay napagtanto natin na tama ang ginagawa ng Maynilad. Hindi na nito hinintay na magkaroon ng krisis sa tubig ang aming lugar bago pa ito kumilos upang isaayos ang mga linya ng tubig at maglagay ng mga imbakan. Ito ang naging problema ng Manila Water. Inuna nitong inintindi…
Read MoreMULA LOBO, BATANGAS PATUNGO SA MALACAÑANG PARA TUMULONG SA ISANG OFW
Mula sa bayan ng Lobo, Batangas lulan ng kanyang tricyle ay personal na dumulog sa aking tahanan sa Sta. Rosa, Laguna ang ating AKOOFW National President na si Junn Felix Landicho upang idulog ang sinapit ng isa niyang kapitbahay na isang OFW sa Riyadh. Personal na nakiusap si Konsehal Junn Felix Landicho na aking mailapit sa Presidential Action Center sa Malacañang ang kaso ni H. C. Ramirez na kasalukuyang nakapiit sa Hair Jail sa Riyadh. Ayon sa kanyang salaysay sa akin ay nag-abroad si Ramirez sa tulong ng Dominion Overseas…
Read More