(UNANG BAHAGI) Mula noong kalagitnaan ng ika-20 siglo, namayagpag ang Pilipinas sa pag-i-import ng lakas-paggawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Unti-unti mula noon, nakita ang tuluy-tuloy na pag-angat ng kita ng pamahalaan mula sa sahod na ipinapadala ng mga manggagawa at propesyonal na nasa ibang bansa, habang bumaba ang kontribusyon sa Gross Domestic Product ng iba’t ibang industriyang lokal. At ngayon nga, isa nang malakas na pwersa ang sektor ng mga tinatawag nating bagong bayani, ang mga overseas Filipino workers (OFW). Isang napansing trend sa migrasyon ng lakas-paggawa ay…
Read MoreMonth: March 2019
DUTERTE GOV’T ‘DI LUSOT SA ICC ANG EXTRAJUDICIAL KILLINGS
(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG epekto sa International Criminal Court (ICC) ang pagbabalewala ng Palasyo ng Malacanang sa gagawing imbestigasyon sa Extrajudicial Killings (EJK) sa Pilipinas sa gitna ng giyera kontra ilegal na droga. Kasabay nito, umapela din si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa mga nasa kilod ng EJK na itigil na ang kanilang ginagawa dahil hindi lamang si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanganganib na maparusahan ng ICC kundi ang mga ito. Ayon kay Alejano, kahit nagwithdraw na ang Pilipinas sa ICC ay wala pa ring epekto ito sa ICC…
Read MoreSUPPLY NG TUBIG SA MM KAYA NG ANGAT DAM HANGGANG MAYO
(NI ABBY MENDOZA) PINAWI kahapon ng Philippine Atmosphero Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) ang pangamba na tuluyan ding bababa ang water level sa Angat Dam gaya ng sitwasyon ngayon sa La Mesa Dam. Ayon sa PAGASA hanggang Mayo ay may maasahang tubig na manggagaling sa Angat Dam na syang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad para sa mga residente ng Metro Manila. Sinabi ni PAGASA hydrologist Sonia Serrano na sa monitoring kahapon ay nasa 199.94 ang water level sa Angat Dam,malayo pa ito sa 180…
Read MoreDEATH THREATS NG MGA PARI PINAAAKSIYUNAN SA GOBYERNO
(NI HARVEY PEREZ) IGINIIT ng isang Katolikong pari sa gobyerno na patunayan na wala silang kinalaman sa mga pagbabanta sa buhay ng mga pari at mga obispo. Sinabi ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dapat lamang paimbestigahan ng gobyerno kung sino ang may kagagawan ng mga naturang death threat dahil sa posibilidad na may kinalaman ito sa mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga paring Katoliko. Ayon kay Secillano , ang mga pari ay…
Read MoreP3-B PONDO NAGLAHO; 320-K TESDA SCHOLAR NATENGGA
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI bababa sa 320,000 scholars ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang hindi makapag-aaral dahil sa P3 bilyon pondo ng ahensya na kinuha umano ng Senado at hindi alam kung saan ito dinala ng mga senador. Sa press conference, Miyerkoles ng hapon, sinabi ni House deputy majority leader Rodante Maroleta na halos P75 bilyon ang nare-align ng mga senador sa P3.757 Trilyon national budget kabilang na ang P3 bilyon ng TESDA. “P3 bilyon yung TESDA scholarship.P3B itong nawala na kinuha nila (Senado),” pagkumpirma ni Marcoleta na…
Read MoreGIRIAN NG 2 KAPULUNGAN ‘DI PA RIN TAPOS
(NI BETH JULIAN) WALA ring kinahinatnan ang pulong na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas kamakalawa ng gabi sa Malacanang matapos na hindi pa rin naayos ang girian kaugnay sa isyu ng 2019 national budget. Gayunman, sa nasabing pulong, pumayag ang Kamara na umayon na lamang sa P3.757 trillion budget version na aprubado ng bicameral conference committee at naratipikahan na ng dalawang kapulungan ng kongreso dahil sa pagpanig ng Pangulo sa mga senador. Sa pabayag ni Senate President Vicente Sotto III, nais ng Pangulo na resolbahin ang anumang…
Read MoreHEART, SUNUD-SUNOD ANG INTERNATIONAL MOVIES
(NI KC GUERRERO) ACTRESS, visual artist at ngayon ay creative director ng Kamiseta. Heart Evangelista announced on her Instagram post last Women’s Day: “I’m so overjoyed to be part of this family.” Hindi ito ang unang work ni Heart sa Kamiseta. Ito na nga, BenThought, saksi ako nang ini-announce ni Love Marie Ongpauco-Escudero ang kanyang second collection na collaboration sa Kamiseta, na nagtatampok ng kanyang artwork in different pieces of clothing. Sumikat si Heart as Kapamilya bilang love interest of Jericho Rosales bago pa nagkaroon ng Kristine Hermosa. Naging most sought-after-young-star siya…
Read More240-K TRABAHO MAWAWALA KAPAG HINDI NAIPASA ANG NAT’L BUDGET
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI bababa sa 240,000 trabaho ang mawawala kapag tuluyang hindi magkasundo ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na P3.757 bilyon 2019 General Appropriations Act (GAA) at gagamit ang gobyerno ng reenacted budget hanggang sa katapusan ng taon. Ito ang nabatid kay House Deputy Majority Leader Rodante Marcoleta sa press conference kasama si Majority leader Fred Castro matapos silang pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte Martes ng gabi. Hindi sinabi ni Marcoleta kung ilang libong trabaho na ang nawala mula Enero hanggang Marso habang reenacted budget ang ginagamit ng gobyerno…
Read MoreDEATH PENALTY MULING ISUSULONG
(NI DAHLIA S. ANIN) DAHIL sa karumal-dumal na pagpaslang sa isang 16-anyos na babaeng estudyante sa Cebu ay binubuhay na naman ng ilan ang death penalty. Ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), kailangan nang ibalik ang parusang kamatayan laban sa mga kriminal na gumagawa ng karumal dumal na krimen. Kinontra naman ito ni senatorial candidate Samira Gutoc dahil ayon sa kanya, mas dapat na bigyang-pansin kung saan nga o ano nga bang pinagmulan ng kriminalidad, imbes na isabatas ang death penalty. Nais niyang malaman kung bakit hindi naproteksyunan…
Read More