(NI BETH JULIAN) WALANG hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang Pilipinas. Ito ang pahayag ng Malacanang at sinabing nilalabag ng lCC ang sarili nitong mga panuntunan sa ginagawang imbestigasyon ng crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, kailanman ay hindi naging miyembro ang bansa sa Rome statute na nagtatatag sa nasabing grupo. Una nang pinalutang ng ICC na ang anti-drug campaign ng Duterte administration ay nauwi na sa extra judicial killings. “We said from the very beginning,…
Read MoreMonth: March 2019
DUTERTE ‘DI PIPIRMA SA ILLEGAL NA BUDGET
HINDI umano lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang budget na hindi isinunod sa itinatadhana ng Konstitusyon. Ito ay kasunod na hindi matapus-tapos na bangayan at palitan ng sisi ng dalawang Kapulungan sa pagpasa ng delayed na 2019 national budget. Ang reenacted budget ang pinatatakbo ngayon ng gobyerno matapos mabigong maipasa sa oras ng Kongreso ang P3.7 trilyong General Appropriations Bill (GAB). Patuloy na nag-aaway ang dalawang Kapulungan sa umano’y insertions na ginawa sa Kamara matapos aprubahan ng bicameral conference committee ang kanilang bersiyon. Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III…
Read More‘PINAS ‘DI MADEDEHADO SA BILYONG UTANG SA CHINA
(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Palasyo na hindi madedehado ang Pilipinas sa pag utang ng bilyun bilyong pisong halaga para pondohan ang mga infrastructure projects ng pamahalaan. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo bilang reaksyon sa pahayag ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa pag-utang ng Pilipinas. Ayon kay Panelo, bago pa man ay masusing pinag aralan ng pamahalaan partikular ng mga economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag utang sa China kaya nakatitiyak na hindi magkakaroon ng problema rito ang Pilipinas. Una nang pinayuhan ni Mahathir ang…
Read MoreMALINAW NA INSULTO
Tila walang naasahang suporta ang mamamayang Filipino mula kay Philippine Special Envoy to China Ramon Tulfo nang sabihin nitong tamad at mabagal ang ating construction workers. Ipinagtanggol kasi ni Tulfo na kaya mas maraming kumukuha sa mga Chinese workers ay dahil maayos silang magtrabaho kung ikukumpara sa mga Pinoy. Sana inisip ng mama na bago siya nagsalita ng ganoon ay napakarami ring industriya na mula sa ibang bansa ang tiwala sa gawang Pinoy. Hindi ba’t iyan ang review nila sa performance ng mga Pinoy kaya kahit nasa ilalim lang sila…
Read MoreBAGO KA MAG-RESIGN, MR. DOOC…
Hindi dapat magmadali na mag-resign ang presidente ng Social Security System (SSS) na si Emmanuel Dooc dahil marami pa itong kailangang sagutin, lalo na sa napakababang koleksyon ng ahensya. Matagal nang ipinupunto ng Bayan Muna na dapat ayusin ng SSS ang koleksyon nito, imbes na magtaas ito ng kontribusyon ng mga miyembro. Bilyun-bilyon ang mga kontribusyon at penalty ang hindi nakokolekta ng SSS sa mga employer, kahit pa kinakaltasan nila ang kanilang mga empleyado. Kailangang sagutin muna ni Mr. Dooc ang mga usaping ito, bago siya umalis sa kanyang katungkulan!…
Read MoreANGELICA PANGANIBAN SINAGOT ANG ‘LASPAG’ COMMENTS
ISANG screenshot ng group chat ang pinost ng FashionPulis blog nitong Sabado. Pinag-usapan sa chat na iyon ang mga lalaking “dumaan” kay Angelica tulad nina John Lloyd Cruz, Derek Ramsay at Carlo Aquino. Tinawag din siyang “laspag” sa chat. Sinagot ito ni Angelica sa Instagram Stories post niya, at in-address niya ito sa isa sa mga chatters: “Dear Margaux, alam mo kung sino ka. Alam mo rin ang mga sinabi mo. May mga nagawa ako noong bata ako, na hindi ko mapagmamalaki. Naging matabil ako. Nagsasalita ng hindi nag-iisip. Kaya,…
Read MoreANG PAGSASABI NG TAPAT
Naging isyu ngayon ang “honesty” sa mga tumatakbo sa pagka-senador dahil sa pahayag ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte na hindi dapat gawing isyu ito sa kampanya dahil lahat naman daw ng tao ay nagsisinungaling. Ang naturang pahayag ni Mayor Sara ay bilang pagdepensa kay senatorial candidate at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na umani ng batikos matapos magsinungaling ito na nagtapos sa Princeton University at University of the Philippines-College of Law na kapwa itinanggi ng dalawang pamosong pamantasan. Sa pananaw naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isang uri ng fraud…
Read MoreSOTTO SA KAMARA: WALA KAMING GINALAW SA 2019 BUDGET
(NI NOEL ABUEL) NANINDIGAN ang liderato ng Senado na walang sinumang senador ang nakialam sa ipinasang 2019 national budget matapos na ratipikahan ito ng bicameral conference committee. Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na walang katotohanan na may senador ang gumalaw sa ipinasang pambansang budget ng Kongreso kamakailan tulad ng bintang ni Rep. Rolando Andaya Jr. “As far as we’re concerned, we did not touch anything. The Senate did not touch anything contrary to what the House appropriations chairman Rolando Andaya Jr. is saying na Senado rin daw meron,…
Read MoreJESSY PUMATOL SA BASHER SA ‘MANG-AAGAW BF’ ISSUE
(NI JONATHAN ANG) PATOLA si Jessy Mendiola sa akusasyong nanulot siya ng boyfriend ng may boyfriend. Nagsimula ang halinhinang Instagram comments sa pagitan ni Mendiola at ng isang netizen na tumukoy sa “boyfriend stealer” issue. Kuda ng netizen: “Baka expected ng basher you will admit to them na inagaw mo si Luis (Manzano) kay Angel before para matahimik na sila sa pamba-bash sa inyo. Ang tao minsan, hindi satisfied sa mga ganyang sagot sa mga patutsada nila, isang malaking sagot bigay mo sa kanila at nasa tao na if maniniwala…
Read More