(NI ROSE G. PULGAR/PHOTO BY RAFAEL TABOY) MAGPAPATUPAD ng pagtaas sa presyo ng ilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa na epektibo, Martes. Lunes ng hapon ay pinangunahan ng kompanyang PTT Philippines , Pilipinas Shell, Petro Gazz, Jetti, CPI (Caltex), at Total ang ikalimang sunod na linggong pagtaas sa presyo ng gasolina na P0.90 kada litro habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene na epektibo Martes ng alas-6:00 ng umaga. Inaasahan namang susunod na magpatupad ng dagdag-presyo sa gasolina ang ilan pang kompanya ng…
Read MoreMonth: March 2019
‘CLOUD SEEDING’ SOLUSYON SA KAKAPUSAN NG TUBIG
(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Malacanang na may mga gagawing hakbang ang gobyerno para maiwasan na tuluyang mauwi sa krisis ang nararanasang kakapusan sa supply ng tubig sa Metro Manila. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, hinihintay na lamang ang direktiba ni Pnagulong Rodrigo Duterte kaugnay sa problema. Ayon kay Panelo, isa sa nakikitang solusyon ay ang cloud seeding para magkaroon ng artipisyal na pag ulan partikular sa bahagi ng mga dam na pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila. Isa rin ay ang pagkakaroon ng mas malawak na information…
Read MoreABUSADONG REMITTANCE CENTERS BILANG NA ANG ARAW
(NI NOEL ABUEL) BILANG na ang araw ng ilang remittance agencies na mapapatunayang sobra-sobrang magpataw ng finance charges sa mga ipinapadalang pera ng mga overseas Filipino workers (OFWs). Sa inihaing Senate Bill No. 2162 o”Remittance Act” ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, nais nitong mabuksan ang mga ipinapataw na fees at iba pang bayarin sa ipinapadalang pera ng mga OFWs upang maprotektahan ang mga ito. Nakapaloob sa nasabing panukala ang pag-oobliga sa mga remittance agencies na ipakita ang mga terms and conditions sa money transfer. “Over the years, there have been…
Read MoreJAMES UMAMIN; LIVE-IN NA SILA NI NADINE
(NI RK VILLACORTA) MALAMANG ay proud na proud ang Ulan actress na si Nadine Lustre dahil sa pag-amin ng kanyang boyfriend na si James Reid na siya ang “pinakamatagal” niyang ka-relasyon. Say ni James nang “ma-interrogate” ni Vice Ganda sa “Gandang Gabi Vice,” hindi niya naramdaman na tatlong taon na pala sila ng girlfriend. May inamin din si James: “Yes, we live together.” Napasigaw ang studio audience, senyales na natuwa sila sa prangkang pag-amin ng binata. Isa ang loveteam nina James at Nadine (JaDine sa mga fans) na very vocal…
Read MoreSEC KINAMPIHAN NG CA VS RAPPLER
(NI TERESA TAVARES) PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na bawiin ang certificate of incorporation ng news website na Rappler. Iginiit sa 25-pahinang resolusyon ng Former Special Twelfth Division, ang pag-isyu ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) ng Rappler pabor sa isang dayuhang kumpanya ay paglabag sa konstitusyon. Dahil sa ginawa ng Rappler, nabigyan ang Omidyar Network ng kapangyarihan na lumahok sa corporate actions at mga desisyon ng Rappler. Ipinapaubaya na ng Court of Appeals (CA) sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagpapasya sa magiging…
Read More‘BACKYARD MANUFACTURING’ NG E-CIGARETTE IPAGBABAWAL
(NI BERNARD TAGUINOD) GAGAWA na ng batas ang Mababang Kapulungan ng Kongreso laban sa e-cigarette bago pa man lumala ang problemang ito dahil sa ngayon ay laganap na umano ang backyard manufacturing sa bagong bisyong ito. Sa kanyang ihinaing House Bill 8671 o Electronic Cigarette Restriction Act, nais ni Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III na tuluyang ipagbawal ang pag-aangat, paggawa, paggamit, pagbenta at maging ang advertisement ng electronic cigarettes. Ginawa ng mambabatas ang panukala dahil simula nang mauso umano ang e-cigarettes ay laganap na umano ang backyard manufacturing lalo na sa…
Read MoreBUILD-BUILD-BUILD NI DUTERTE MAPUPURNADA
(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGANIB mapurnada ang malalaking proyekto na ipinagmamalaki ng Duterte administration na itatayo o ang kanyang build-build-build program kapag tuluyang hindi mapirmahan ang P3.757 Trillion 2019 national budget. Ito ang ibinabala ni House deputy minority leader Anthony Bravo ng Coop-Natcco party-list sa press conference, lunes ng umaga sa Kamara, kaugnay sa national budgt na pinag-aawayan ngayon ng mga kongresista at senador dahil sa umano sa pork barrel. “Malaki, maraming big ticket ang apektado dito,” ani Bravo dahil madedelay o hindi masisimulan ngayong taon ang mga proyekto kapag reenacted…
Read MorePING MAY ‘PERSONAL VENDETTA’ KAY GLORIA?
(NI BERNARD TAGUINOD) HINOHOSTAGE umano ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang national budget dahil sa kanyang “personal vendetta” laban kay dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Ito ang alegasyon ni House deputy speaker Anthony Bravo ng Coop-Natcco partylist sa press conference sa Kamara, Lunes ng umaga, kaugnay ng umiinit na bangayan ng Senado at Kamara sa 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion. “In my personal opinion, Senator Lacson is holding the national budget because of personal vendetta to our speaker …GMA. Alam naman natin ang…
Read MoreMEDICAL CANNABIS ACT, ‘DI PAPATAYIN SA KONGRESO
(NI BERNARD TAGUINOD) MANANATILING buhay ang Medical Cannabis Act sa Kongreso sa kabila ng pagkambyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggihan ang naturang batas. Sa panayam kay Isabela Rep. Rodito Albano, sinabi nito na iginagalang nya ang desisyon ni Duterte laban sa kanyang pet bill na nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa noong Enero sa Kamara. “We have to respect the President’s decision if he vetoes medical cannabis act,” ani Albano na nasa ikatlo at huling termino na bilang kinatawan ng unang distrito ng Isabela. Gayunpaman, hindi pa rin…
Read More