BANTA SA BUHAY NG MGA PARI ‘DI NAKAGUGULAT SA SOLON

paripari13

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na ikinagulat ng isang kongresista ang banta sa buhay ng mga pari dahil mismong ang Pangulo umano ang nag-uudyok na gawan ng masama ang mga taong simbahan. Ginawa ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang pahayag matapos lumantad sina Fr. Robert Reyes, Fr. Flavie Villanueva at Fr. Albert Alejo dahil sa mga natatanggap nilang banta sa kanilang buhay. Hindi kagulat-gulat na mayroong mga pagbabanta sa buhay ng kaparian habang patuloy silang bukambibig ng ating Pangulo. Inuudyok pa niya na pagnakawan at patayin ang mga ito. The President’s words…

Read More

GEN. BALUTAN NADALE SA STL; PONDO NG PCSO PINAGLARUAN

balutan1

(NI BERNARD TAGUINOD) NADALE sa mga anomalya umano sa Small Time Lottery (STL) si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) eneral Manager Alexander Balutan na nagresign kamakailan. Kasabay nito, irerekomenda umano ng House committee on games and amusement chair Gus Tambunting, ng Paranaque City, ang total revamp sa PCSO at pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyales ng ahensya sa kanilang ilalabas na committee report. “We conduct hearing, and in that hearing eh talagang (lumalabas na)  pinaglalaruan ang pondo ng PCSO,” ani Tambunting matapos lumabas na wala umanong maipakita ang…

Read More

MGA NEGOSYANTE NANAMANTALA SA BENTAHAN NG TIMBA, DRUM

plastik

(NI KIKO CUETO/PHOTO BY KIER CRUZ) TUMAAS na ang presyo ng mga ibinebentang mineral water maging ang mga ibinebentang timba. Ito’y sa likod na rin ng patuloy na pila balde ng mga residente sa pagkuha ng tubig mula sa mga bumbero at tanker ng tubig. Kasabay nito, aminado ang mga pumipilang residente ng Bgy. Barangka sa Mandaluyong City, na apektado na ang kanilang trabaho dahil kailangang gumising ng madaling araw para pumila sa tubig na gagamitin nilang pampaligo sa umaga, at mag-ipon para sa gagamitin ng mga mahal sa buhay.…

Read More

PDU30 NAGING ‘MODERATOR’ SA BANGAYAN NG 2 KAPULUNGAN

congress12

(NI BETH JULIAN) WALANG intensyon si Pangulong Rodrigo Duterte na diktahan ang mga mambabatas na ipinatawag nito Lunes ng gabi para sa isang hapunan sa Malacanang. Sa press briefing Martes ng tanghali, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na nagsilbi lamang moderator si Pangulong Duterte sa pag uusap. Kabilang sa nakaharap ng Pangulo sa hapunan ang ilang senador sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto, Loren Legarda at iba pa habang kasama naman sa panig ng kamara si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Panelo, bagmat hindi nito…

Read More

CLOUD SEEDING UUMPISAHAN NA NG DA

cloud

(NI DAHLIA S. ANIN) IPINAG-UTOS na ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol na simulan na ang cloud seeding upang madagdagan ang tubig sa mga dam. Sa kanyang Facebook post, inatasan niya si Undersecretary Ariel Cayanan ng Department of Agriculture, na iutos sa mga Regional Offices ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng cloud seeding operation. Ipinag-utos din niya na makipag-ugnayan si Cayanan, sa Philippine Air Force para magsimula na ng operasyon sa Pampanga, Bulacan at Rizal para punan ang La mesa Dam. Dagdag pa ni Pinol, noong nakaraang taon…

Read More

MAYNILAD SASAKLOLO SA MANILA WATER

water1234

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY AJ GOLEZ) HANDANG sumaklolo ang Maynilad sa nararanasang water shortage, sa Metro Manila at Rizal upang mabawasan ang hirap ng mga konsumer. Ang Maynilad ang nagsusupply ng tubig sa Kanlurang bahagi ng Metro Manila at sa Cavite. Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS, matapos ang ginanap na pagpupulong nila, Martes ng hapon,  ay pumayag ang Maynilad na magpahiram ng mga water pump sa Manila Water na inaasahang lilikha ng 50 million liters kada araw habang meron pang 96% ng tubig sa MM…

Read More

MATAAS NA SATISFACTION RATING NI DU30 HINDI RAMDAM

duterte17

(NI BERNARD TAGUINOD) TALIWAS sa mga nangyayari at nararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan sa ibaba ang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan nagpapakita na tumaas pa ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dahi dito, kinuwestiyon ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro ang timing ng pagpapalabas sa nasabing survey ng SWS na ginawa noong Disyembre 16-19, 2018 lalo na’t maraming malalaking isyu ang puwedeng pagtakpan ng gobyerno. “Ako personally hindi ako naniniwala sa ganyang (resulta) survey kasi nakikita natin kabi-kabila, harap at likod, kaliwa’t kanan…

Read More

MGA APEKTADO IRITADO NA; MANILA WATER WALANG MAGAWA

water12

(PHOTO BY KIER CRUZ) ITINANGGI ng Manila Water na ang kawalan ng supply ng tubig sa ilang lugar ay dahil sa ‘manipulasyon’ sa sistema ng supply ng tubig. Nilinaw ni Manila Water communications manager Dittie Galang na ang kawalan ng tubig sa magkakaibang lugar ay dahil magkakahiwalay din ang reservoirs ng iba’t ibang lugar. Ito ay bunsod ng reklamo ng mga apektadong residente na nakararanas ng kawalan ng tubig habang ang ilang barangay ay hindi nawawalan ng tubig. “Ang sistema ng Manila Water may hiwa-hiwalay yan na reservoirs, hiwa-hiwalay yan…

Read More

PALASYO BUKAS PA RIN SA MEDICAL CANNABIS BILL

duterte15

(NI BETH JULIAN) ISANG linggo lamang makalipas ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na ito pabor sa legalisasyon ng marijuana para sa medical use, inihayag ngayon Malacanang na nananatili pa rin itong bukas sa posibleng pagsasabatas ng Medical Marijuana bill. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, ang pahayag ng Pangulo kaugnay sa nasabing batas ay posible lamang na nais nitong magkaroon ng karagdagang safeguard sa pagsasalegal ng marijuana bill para magamit ito bilang gamot. Sinabi ni Panelo na maaaring gusto lang ipunto ng Punong Ehekutibo ang limitadong paggamit…

Read More