NI ROSE PULGAR) PAUWI na ng Pilipinas ang pitong Pinoy seafares na nakulong sa Libya ng apat na taon nang magtangkang magpuslit ng 16 milyong litro ng gasolina. Ayon sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pitong crew members ng M/T Levante ay nakaalis na ng Tripoli kasama ang Presidential Adviser ng Overseas FIlipino Workers Affaits na si Abdullah Mamao at pabalik na ng bansa. Lumipad si Mamao patungo sa Libya nang atasan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin Jr upang personal na magpasalamat sa Libyan authorities…
Read MoreMonth: March 2019
LA MESA DAM ‘KRITIKAL’;PINAKAMABABA ANTAS SA NAKALIPAS NA 12 TAON
(PHOTO BY KIER CRUZ) UMABOT na sa kritikal na antas ang La Mesa Dam, pangunahing dam na pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila residents, dahilan para manawagan sa publiko na magtipid at mag-ipon ng tubig para sa posibleng paghina o pagkawala ng tubig sa maraming lugar sa Metro Manila. Umabot na sa critical level na 69 meters above sea level ang antas nito nitong Lunes. Itinuturing na pinakamababa ito sa nakalipas na 12 taon at senyales ng lumalalang El Nino phenomenon. Hanggang Lunes ng umaga ay wala pa ring supply…
Read MoreDFA INAALAM KUNG MAY PINOY SA BUMAGSAK NA ETHIOPIAN AIRLINES
INATASAN ng ng Department of Foreign Affairs ang embahada sa Cairo at Nairobi kung may Filipino na kasamang nasawi sa bumagsak na Ethiopian Airlines. Ito ay upang malaman sa awtoridad ng Addis Ababa at Nairobi ang sitwasyon sa pagbagsak ng eroplano.Lahat ng 157 sakay ng Etiopian Airlines ay nasawi lahat kasama ang 33 foreign nationalities. Nagparating na rin ng pakikiramay ang bansa sa mga kaanak ng nasawing mga biktima. 336
Read MoreDAMAY-DAMAY NA: SENADO MAY P77-B ‘INSERTIONS’ DIN — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) MAYA multo din ang Senado sa 2019 national budget subalit hindi ito nakikita ng mga senador. Sa inilabas na statement ni House Appropriations committee Chair Rolando Andaya Jr, Linggo ng gabi, ibunyag nito na may P77-billion post-bicam realignment ang mga senador sa national budget kung saan P25-billion naka-parked umano sa Department Public Works and Highways (DPWH). “Senators are desperately looking for ghosts in the 2019 General Appropriations Act. The problem, they seem to find ghosts everywhere except at their own house,” ani Andaya. Ginawa ng mambabatas ang…
Read MoreGMRC SUBJECT BUBUHAYIN
(NI BERNARD TAGUINOD) ITINUTULAK ng isang mambabatas ang pagbuhay sa subject Good Manners and Right Conduct (GMRC) bilang basic education curriculum sa bansa na sasabayan ng social media ethics at road courtesy. Sa kanyang tatlong panukalang batas na ihinain nais ni 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro Jr., na sabay-sabay na isama ang mga nabanggit na subject sa curriculum ng ng K-12 program ng Department of Education (DepEd) para maturuan ng tamang asal ang mga estudyante. “I have authored and filed a bill on GMRC (HB 6705). I also proposed…
Read MoreMAKABAGO AT DAGDAG NA PLANTA NG KURYENTE, KAILANGANG NA!
Kakapasok pa lang ng buwan ng Marso at wala pang opisyal na pag-anunsyo sa pagsisimula ng panahon ng tag-init, pero mukhang marami nang pinagpapawisan dahil sa pangangamba kung ano bang magiging estado ng suplay ng kuryente sa mga susunod na buwan. Ito ay dahil sa nagdaang linggo ay tatlong beses na nailagay sa yellow alert status ang Luzon grid. Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert noong nakaraang Martes, Huwebes, at Biyernes dahil ang reserbang enerhiya na maibibigay ng mga planta ng kuryente ay mas…
Read MoreKABABAIHAN AT LAKAS-PAGGAWA
Ayon sa 2016 Gender Gap Report ng World Economic Forum nasa ika-7 puwesto ang Pilipinas sa Global Gender Gap Index. Ang ating bansa rin ang nangunguna sa Silangang Asya at Pasipiko pagdating sa pagmii-mainstream ng gender equality sa apat na larangan: educational attainment, health and survival, economic opportunity, at political empowerment. Kung titignan sa antas ng polisiya at mga naipasa ng batas, masasabing marami na ngang naabot ang Pilipinas kaugnay ng pagsasakatuparan sa mga adhikain ng ilang nilagdaan nitong kasunduan gaya ng Convention for the Elimination of Discrimination Agains Women…
Read MoreHANDA KA NA BA TALAGA NA MAG-ABROAD?
Sa pagkakataong ito ay akin namang bibigyang daan ang isang liham ng isang Kabayani na si Rona Nabio Prudente. Kanyang ibinahagi ang karanasan at kung paanong ang kanyang inaakalang magandang daratnan sa ibang bansa ay naging kaiba sa kanyang naranasan. Tulad nga ng aking laging nababangit sa ating Bantay OFW Teleradyo, marami ang nahihikayat na mga kababayan na mag-abroad dahil sa inaakala nilang masarap ang buhay, maraming pagkain, maraming mansanas at tsokolate at malamig ang bahay na pagtatrabahuhan dahil lahat ay airconditioned. Subalit, sa kanilang pagdating sa bansang kanilang pagtatrabahuhan…
Read MoreKIM DOMINGO UMAAPAW ANG BLESSINGS
(NI RONALD M. RAFER) PAGKATAPOS ng “Super Ma’am,” tuluy-tuloy pa rin ang mga pagdating ng malalaking projects kay Kim Domingo. Regular siyang napapanood sa “Bubble Gang” at kasama rin sya sa “TODA One I Love” bilang si Vicky na jowa ni Archie Alemania bilang si Kevin. Kasama si Kim sa isang movie ng GMA Pictures na Kambal-Karnabal. Makakasama niya rito sina Derrick Monasterio (leading man niya), Super Tekla, Ai-Ai delas Alas, Divine Tetay, Jo Berry, Kiray Celis at marami pang iba. Ididirek ito ni Adolf Alix, Jr. na first time…
Read More