IBINUKING NI PING: TINANGGIHAN KO ANG PROJECT NI REP. CASTRO

(NI NOEL ABUEL) NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na posibleng nagtanim ng sama ng loob sa kanya si Capiz Rep. Fresnedil Castro nang hindi nito harapin ang huli nang magtungo sa Senado para umano’y mag-lobby ng proyekto. Ayon sa senador, noong Agosto o Setyembre ng kasalukuyang taon nang sabihin ng staff nito na dumating sa opisina nito si Castro base sa visitor’s slip na nakita nito sa kanyang papeles. “He was trying to have an audience with me before this came out. And hindi ko hinarap. Ito, ngayon, nariyan, nakakita…

Read More

PRICE FREEZE HINILING HANGGANG PASKO

dti12

(NI NOEL ABUEL) TINITIYAK ni Senador Imee Marcos sa taumbayan na magpapatupad ng price freeze’ ang Department of Trade and Industry (DTI) hanggang sa buwan ng Disyembre . Ayon sa senador sa halip na itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong Setyembre, higit na makabubuti kung ipatutupad ang ‘price freeze’ hanggang sa Kapaskuhan. Sinabi pa ni  Marcos, kailangang maghigpit ang DTI sa mga mapagsamantalang negosyante at itigil na muna ang planong pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na sa panahon ng Kapaskuhan. “Stop na muna ang taas-presyo…

Read More

PAGBABA NG RETIREMENT AGE SA 56 PRAYORIDAD SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA) PRAYORIDAD sa House of Representatives na na maisabatas ang panukala na amyenda sa Republic Act 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997 na naglalayong ibaba sa 56 anyos ang retirement age ng mga government employees sa halip na 60 anyos. Ang panukala ay una nang inaprubahan sa House Committee on Government Enterprises and Privatization at sa susunod na Linggo ay isasalang sa House Plenary deliberations para sa ikalawang pagbasa. Layunin ng panukala na maenjoy ng mga retiradong empleyado ang buhay kasama ang pamilya dahil sa mas…

Read More

HIGIT 700 PULIS MINOMONITOR SA ILLEGAL NA AKTIBIDAD

pnp55

(NI AMIHAN SABILLO) HIGIT sa 700 miyembro ng Philippine National Police ang minomonitor ngayon dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang illegal na aktibidad. Ibinunyag ni PNP chief, Police General Oscar Albayalde na kumikilos na ang Integrity Monitoring and Enforcement Group tungkol dito. Nakipag ugnayan na rin umano sila sa PDEA at tumutugma naman ang intelligence reports na kanilang hawak. Kasabay nito,  ipinauubaya na umano ni Albayalde kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubunyag sa pangalan ng ninja cops. Anuman umano ang gawin ng Pangulo sa listahan na ibinigay ng Senado sa…

Read More

DRAGON BOAT TRAGEDY: ATLETA ‘DI MARUNONG LUMANGOY, WALANG LIFE VEST

( NI ABBY MENDOZA) KINONDENA ni Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist Rep Jericho Nograles ang malinaw na kapabayaan sa panig ng management ng Boracay Dragon Force Team (BDFT) na nagresulta sa pagkamatay ng pitong  atleta matapos lumubog ang bangka sa gitna ng training. Tinukoy ni Nograles na ang dalawang mahalagang pagkukulang ng management ay pagkuha ng atleta na hindi marunong  lumangoy at nasa gitna ng training subalit walang suot na safety equipment partikular ang life vests. “It doesn’t make any sense for a professional dragon boat team like the Boracay Dragon…

Read More

KAMARA VS SENADO: KAMPIHAN NA SA NABUKING NA PORK BARREL

(NI ABBY MENDOZA) KAMPIHAN na ang nangyayari ngayon matapos panigan ng kapwa senador si Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pamimilit ng mga kongresista na mag-sorry ito sa mali umanong akusasyon hinggil sa bilyong insertion sa sa 2020 national budget. Kasabay nito, pinayuhan Lacson si Capiz  2nd District Rep. Fredenil Castro na uminom ng memory enhancement pills sa gitna ng kanilang bangayan kaugnay sa isyu ng pork barrel. Sa gitna ito ng pagpapaalala ni Lacson kay Castro sa P95 billion insertions sa 2019 budget na kinalaunan ay nai-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.…

Read More

DU30: KOTONGERO SA GOBYERNO PALAGAN

money123

(NI CHRISTIAN DALE) NANAWAGAN at tinuruan na rin Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Pilipino na matutong pumalag sa mga kotongero para mawala na ang korapsyon sa pamahalaan. Sa ganitong paraan aniya ay maaaring matulungan ang bawat isa sa gitna ng nagpapatuloy na laban ng administrasyon kontra korapsyon. Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nasa mga Pilipino rin ang rason kung bakit marami pa ring korapsyon sa pamahalaan. Ayon sa Chief Executive, kulang sa assertion o hindi marunong pumalag ang mga Pinoy sa mga pagkakataong binibiktima na sila ng…

Read More

TSINOY SA DROGA; IPAKAIN SA PATING! – DU30

duterte123

(NI CHRISTIAN DALE) IPATATAPON sa ilog Pasig at ipakakain sa pating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga dayuhang nasa bansa lalo na Tsinoy na masasangkot sa ilegal na droga. Aniya, malaki ang Ilog Pasig para pagtapunan kahit 10 katao o kaya maging pagkain ng mga gutom na pating sa Manila Bay. “Pasig River is big enough to accommodate 10 people every time you throw them, or the sharks of Manila Bay are getting hungry. They are not well fed and a human flesh will fatten them, I suppose,” ayon…

Read More

FOOD TRIP TAYO SA ESTERO FAST FOOD!

ESTERO-1

Isa sa mga popular na puntahan sa Binondo, Maynila ay ang Estero Fast Food. Kung tutuusin mahigit sa 100 restaurants ang makikita sa Chinatown sa Binondo pero isa ang Estero sa laging puntahan ng marami dahil na rin sa mga lasa ng mga pagkaing hindi pahuhuli sa mga kilala ring kainan. Para sa kaalaman ng iba, ang Chinatown sa Binondo ay ang pinakamatandang Chinatown sa mundo na itinatag noong 1594 kaya naman isa rin ito sa mga dahilan kung bakit palagi itong tinatao kahit walang okasyon. Iba’t ibang mga putahe…

Read More