(NI KIKO CUETO) PATAY ang isang Pinoy at kanyang asawa sa isyu ng murder-suicide sa Kalihi, Hawaii, ayon sa report na nakuha ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa report nangyari ito sa Kalihi Carehome. Hindi naman pinangalanan ang dalawang biktima, at patuloy ang imbestigasyon sa kung sino ang nagpaputok ng natagpuang baril. Sinabi naman ng Honolulu Police Department na nakatanggap sila ng mga tawag sa kanilang 911 system ng mga narinig na umalingawngaw na putok ng baril mula sa home care. “Officers arrived and we did find a…
Read MoreMonth: September 2019
LIBONG VOLUNTEERS NAKIISA SA INT’L COASTAL CLEAN-UP DAY
(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY KIER CRUZ) LIBU-LIBONG Manileños ang nagtulungan upang linisin ang Baseco Beach sa Port Area, bilang pakikiisa sa 34th International Coastal Clean-up (ICC) Day. Maaga pa lang ay dumagsa na sa beach area ang mga volunteers upang maglinis doon. Kanya-kanyang dala ng mga panlinis tulad ng walis, dustpan, gloves, sako at pala ang mga volunteers upang makilahok sa clean up drive. Ilang ahensya rin ng gobyerno ang lumahok sa paglilinis katulad ng DENR at MMDA na nagpadala din ng mga volunteers nila uoang makibahagi sa paglilinis.…
Read MoreLISENSYA NG GUN OWNERS GUSTONG GAWING 5 TAON ANG VALIDITY
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na palawigin ang validity ng firearms and ammunition license. Sa kanyang Senate Bill 1023 o Republic Act No. 10591 or the “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, isinusulong ni Zubiri na maging limang taon ang kasalukuyang dalawang taong validity ng lisensya. Layon ng panukala na mabawasan ang loose firearms dahil mahihikayat ang mga may-ari ng baril na makapagparehistro bunsod ng pinadali na ring proseso ng pagpaparehistro. Sa tala, hanggang noong isang taon, nasa 200,000 pribadong indibidwal ang may hawak ng…
Read MoreCATANDUANES NIYANIG NG MAGNITUDE 5 QUAKE
LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 5 earthquake ang Catanduanes province Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay naganap bandang alas- 2:04 a.m. na may epicenter sa Panganiban (Poyo) town sa Catanduanes. Tectonic ang sanhi ng lindol. Hanggang alas-5:00 ng umaga, inaalam pa ng Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PRRDMC) ang pinsala ng lindol. Naramdaman naman ang Intensity II sa Legazpi City. 264
Read MoreLYCEUM, MAPUA RUMATSADA
(PHOTO BY MJ ROMERO) PINANGUNAHAN ni Jaycee Marcelino ang Lyceum of the Philippune University (LPU) Pirates tungo sa 85-83 panalo laban sa College of Saint Benilde Blazers kahapon sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan city. Habang sinundan ng Mapua Cardinals ang malaking panalo noong Biyernes laban sa Letran Knights, nang talunin naman nito ang Emililo Aguinaldo College Generals, 79-76. Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Pirates, kung saan ang third-year guard na si Marcelino ay bumato ng walo sa kanyang…
Read MoreGREEN LIVING: DISINFECTANTS NA SAFE SA TAO, KALIKASAN
Dahil samu’t sari ngayon ang mga sakit, mas dapat nating maging prayoridad ang paglilinis ng bahay at kapaligiran. Sa paglilinis, siyempre mas kailangan din ngayon na i-level up ang paglilinis sa pagpuksa ng germs, bacteria na nagdadala ng iba’t ibang sakit. Sa pagdi-disinfect, hindi rin tama na basta-basta ang cleaning agents para rito. Mas magandang maiwasan ang chlorine bleach para mas manatiling ligtas ang inyong mga pamilya. Bilang katunayan, ang chlorine bleach ay numero uno sa listahan ng mga delikadong household cleaning chemical. Sa halip, piliin ang mga natural at…
Read MoreCHIKOS AT ZH&K MOBILE PHONE SIRAIN?
Misyon Aksyon, bumili po ako ng cellphone na may tatak na ZH&K, natuwa ako dahil mura. Ngunit wala pang isang linggo ay nasira agad kaya’t bumalik ako sa binilhan ko dahil pasok pa ito sa ibinigay na warranty period. Pinalitan naman agad ng kanilang tindera. Nang buksan ko uli ang ipinalit na cellphone ay baterya naman ang naging problema dahil madaling mag-lowbat. Matapos ang dalawang linggo sira na naman ang unit na binili ko kaya ibinalik ko uli sa binilhan kong mall. Ang sabi ko, “Bakit ganyan ang unit ninyo…
Read MoreYES TO ANIMAL DISEASE ACT
Limamput-walong baboy na suspetyang may African Swine Fever (ASF) ang nakitang lumulutang sa ilog na Marikina. Ito raw ay itinapon mula sa mataas na bayan ng lalawigan ng Rizal partikular sa Pililia. Sa paglitaw ng problemang ito, lumitaw rin na limitado ang ating batas o mga polisiya na angkop sa paglutas ng mga ganitong problema. Inihahanda na raw ng lungsod ng Marikina ang pagsasampa ng iba’t ibang klaseng demanda laban sa mga may pananagutan sa pagtatapon ng mga patay na baboy. P200,000 ang inilaan na pabuya ni Mayor Marcelino Teodoro…
Read MoreENERGY SECURITY PLANS NG DOE TUTUTUKAN NG SENADO
(NI NOEL ABUEL) IIMBESTIGAHAN ng Senado ang energy security plans ng Department of Energy (DOE) kung sapat ang supply ng langis sa bansa kasunod ng pag-atake sa pasilidad ng Saudi Arabian Oil Company’s (ARAMCO) kamakailan. Ayon kay Senador Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, nais nitong matiyak na naghahanda ang DOE sa magiging epekto sa supply ng produktong petrolyo sa bansa upang hindi mahirapan ang mga motorista. “The DOE, as the primary agency in charge of planning and implementation of comprehensive programs for the supply of energy, needs…
Read More