(NI ABBY MENDOZA) DALAWANG barangay na kumpirmadong may kaso ng African Swine Flu(ASF) ang inilagay na ng Department of Agriculture (DA) sa quarantine. Ang dalawang Barangay ay ang Payatas at Bagong Silang. Ang paglalagay sa quarantine sa nasabing barangay ay kasunod na rin ng naging resulta ng laboratory test ng DA at Bureau of Animal Industry(BAI) na walong blood samples na nakuha sa namatay na baboy sa lugar ay positibo sa ASF. Bukod sa dalawang barangay sa QC , ang mga barangay na may kaso pa ng ASF ay Barangay…
Read MoreMonth: September 2019
2020 NAT’L BUDGET, MAAGANG MAIPAPASA SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINIYAK ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi na mauulit ang delay sa pag-apruba ng 2019 national budget. Sinabi ni Sotto na tiyak na bago matapos ang Disyembre ay aprubado na ang panukalang P4.1 trillion proposed 2020 national budget. “I think pinakamatagal na siguro, first week of December nagba-bicam na, pinakamatagal na yun kung ready na nga sila i-submit sa amin by Monday, baka by November ready na kami for 3rd and final reading,” pahayag ni Sotto. Ito ay makaraang maaprubahan na sa Kamara sa…
Read More3.5M BAHAY WALANG COMFORT ROOM
(NI HARVEY PEREZ) IBINULGAR ng Department of Health (DOH) na ang milyun-milyong tahanan sa bansa na walang maayos na palikuran, ang isa sa dahilan nang pagkalat ng iba’t ibang karamdaman, gaya ng polio. Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo na may 3.5 milyong tahanan ang nangangailangan ng sanitary toilets sa bansa at malaking porsiyento nito ay mula sa National Capital Region (NCR). “NCR talaga ang pinakamarami. Out of the 3.5 million na kailangan na toilets, ang big majority nun sa NCR. Toilet ng mga pamilya at bahay ito.…
Read MorePAGASA NAGBABALA SA PEKENG FB PAGE
(NI ABBY MENDOZA) BINALAAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko laban sa pekeng Facebook page na”Dost_PAGASA Visayas,” na naglalabas ng pekeng Haze Bulletin. Ayon sa Pagasa, nagkakalat ng maling impormasyon ang nasabing FB page kaugnay sa usok na nangaling sa Indonesia forest fire na nakarating na sa Cebu at ang nasabing bulletin ay nai-share pa sa iba’t ibang social media sites. “Pagasa has not issued any such bulletin, because haze-related advisories are handled by the Environmental Management Bureau (EMB) of the Department of Environment and Natural…
Read MoreP622.3M PONDO NG DOH ILALAAN VS FAKE NEWS SA BAKUNA
(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senador Ralph Recto ang Department of Health (DOH) na gamitin sa pagpapalakas ng anti-polio, at anti-dengue drive partikular sa paglaban sa fake news ang bahagi ng pondo para sa advertisement, travel, training, printing at publication sa susunod na taon. Sa hinihinging P91.7 bilyong budget ng Department of Health (DOH), nais nitong ilaan ang P622.3 milyon para sa advertising; P79 milyon sa printing and publication; P530 milyon sa travel; at P2.16 bilyon sa training and scholarship. Sinabi ni Recto na magagamit ang bahagi ng pondo upang…
Read MoreDA NAKIUSAP SA HOG RAISERS: MAKIPAGTULUNGAN SA GOBYERNO
(NI ABBY MENDOZA) UMAAPELA si Agriculture Secretary William Dar sa mga hog raisers na makipagtulungan sa pamahalaan para hindi na kumalat pa ang African Swine Flu(ASF) at kapalit nito ay tulong naman ng gobyerno sa kanila. Ayon kay Dar, hindi na kakalat pa ang ASF kung magiging responsable ang mga nag-aalaga ng baboy na agad ipaalam sa DA ang kalagayan ng kanilang baboy at tutulong sa maayos na disposal ng may sakit na alaga sa halip na paanurin sa ilog. “We are again requesting lahat po ng nag-aalaga ng baboy,…
Read More‘OVERHAUL’ SA NBP TINIYAK
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KUMPIYANSA SI Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na matutuloy ang overhauling sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos ang mga pagbubunyag sa Senado hinggil sa mga sinasabing iregularidad sa kulungan. Sinabi ni Sotto na isa na rin sa napag-usapan nila ni Senador Bong Go na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa lahat ng opisyal at kawani ng ahensya. “Sabi ko kay (Sen) Bong Go na sabihin kay Presisdente na walang matitirang nakatayo doon. Ibig sabihin tatanggalin lahat , overhaul yan,” saad ni Sotto sa panayam…
Read MoreKONTRA SA 2020 BUDGET PINAGLALATAG NG ALTERNATIBO
(NI ABBY MENDOZA) KASABAY ng pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ng 2020 General Appropriations Bill, umaapela si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga tumututol pa rin dito na huwag puro kritisismo ang gawin at sa halip ay maglagtag ang mga ito ng alternatibo. Ani Cayetano, maari naman na maghain ng kanilang bersyon ng institutional amendments at masigasig ang Kongreso na makikipag-ugnayan sa department secretaries para sa mga isyu sa bawat distrito partikular sa mga polisiya. Kaisa umano ng mga tumutol sa pambansang pondo ang…
Read MorePENSIYON NG MGA INDIGENT SENIORS, TINIYAK
(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINIYAK ni Senador Sonny Angara ang pagkakaloob ng P23.18 bilyong alokasyon para sa ‘indigent senior pension program’ sa susunod na taon na sasakupin ang may 3.8 million senior citizens na tatanggap ng P6,000 pensiyon. Bukod sa pa rito ang P3,600 annual assistance mula sa “Unconditional Cash Transfer” (UCT) fund na tatakbo ng tatlong taon simula noong 2018. Ang mga programa ay kapwa pinamumunuan ng Department of Social Welfare and Development, batay sa national list at set ng criteria. Nabatid na ang P23.18 billion para sa “Social Pension…
Read More