DESISYON NI DUTERTE SA DEPLOYMENT BAN HINIHINTAY

duterte32

(NI NOEL ABUEL) DAPAT hintayin ng lahat ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tuluyan nang ipagbawal ang pagpapadala ng mga domestic worker sa bansan Kuwait. Ayon kay Senador Christopher Bong Go kailangang hintayin ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu. Paliwanag ni Go, binabalanse ni Duterte ang mga mawawalan ng trabaho sa deployment ban at kailangang matiyak ang kapakanan ng nakararami. Nilinaw ni Go na hanggang walang kautusan ang Pangulo ay tuloy ang planong pagtungo nito sa Kuwait ngayong unang bahagi ng taon. Iginiit ng senador na mula…

Read More

SOLON NANAWAGAN SA NASA LIKOD NG TEXT SCAM

(NI NOEL ABUEL) MAKONSENSIYA naman kayo! Ito ang apela ni Senador Christopher Bong Go sa mga nasa likod ng mga text scam na gumagamit sa kanyang pangalan para sa kanilang mga modus. Sinabi ni Go na nilinaw na ng Department  of Trade and Industry (DTI) na walang inootorisa na mga contest at iba pa na gumagamit sa kanyang pangalan para makapangikil ng pera sa mga biktima. Kaugnay nito, binalaan din ni Go ang nasa likod ng nasabing panloloko sa publiko na mananagot sa batas sa sandaling matukoy ang mga ito.…

Read More

PAGPAPALAYAS SA MGA BUS TERMINAL SA EDSA KOKONTRAHIN PA RIN

bus12

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang mga kongresista na isuko ang laban kontra sa pagpapalayas sa mga bus terminal sa kahabaan ng Edsa. Ito ang nabatid kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin matapos ibasura ng Korte Suprema ang kanilang petisyon laban sa pagpapaalis ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga bus terminal sa Edsa. Ayon kay Garbin, maghahain ang mga ito ng motion for reconderation (MR) anumang araw  sa pag-asang bawiin ng Korte Suprema ang kanilang unang desisyon na tila pinapayagan ang MMDA na ipatupad ang kanilang programang alisin…

Read More

PATRICK, AYAW MAKAPAREHO ANG TEAM KRAMER

(NI BOY ABUNDA) SIKAT na sikat ang Team Kramer sa social media na kinabibilangan ng mag-asawang Dough Kramer at Cheska Garcia at mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin. Talaga namang kinagigiliwan ng netizens ang videos ng pamilyang Kramer sa sarili nitong YouTube channel. Maging ang nakababatang kapatid ng aktres na si Patrick Garcia ay gumawa na rin ng sariling channel para sa pamilya nito. “Garcia family. May mga episodes na kami sa YouTube. We have a vlog already pero ‘yung content we’re trying to change it. Kasi ang…

Read More

FREE TUITION SA LAHAT NG 118 LUCs IGINIIT

(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN  si Senador Win Gatchalian sa Commission on Higher Education (CHED) na gawing libre ang kolehiyo sa lahat ng 118 local universities and colleges o LUCs sa bansa. Ayon sa senador, mahalaga ang hakbang na ito upang makinabang ang mas maraming mag-aaral sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017 o Republic Act 10931 na naglalayong magbigay ng libreng dekalidad na edukasyon sa kolehiyo. Magugunitang kamakailan lamang ay nilagdaan ng CHED ang isang kasunduan kasama ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o…

Read More

MERALCO UNDERDOG SA BARANGAY GINEBRA

(NI ZIA JINGCO) PANGATLONG pagkakataon nang maghaharap sa finals ang Barangay Ginebra at Meralco Bolts at sa tuwina ay underdog ang huli. Pormal na magsisimula ang salpukan ng dalawang team sa 2019 PBA Governors Cup Finals Best-of-Seven title series sa Enero 7 (Martes), ganap na alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum. Aminado si Meralco coach Norman Black na underdog na naman ang Bolts sa nakatakdang muling paghaharap nila ng Gin Kings. Ngunit kung may Stanley Pringle si Ginebra coach Tim Cone, itinuturing namang alas ng Meralco ang sentro nitong si…

Read More

DA HINAMON SA PRESYO NG SIBUYAS

(NI NOEL ABUEL) HINAMON ni Senador Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) na kaya nitong tiyakin na hindi makakaapekto sa lokal na produksyon ng pulang sibuyas ang plano nitong pag-angkat ng 35,000 metriko-toneladang sibuyas sa ibang bansa. Reaksyon ito ni Marcos matapos magbigay ng go signal ang kagawaran na mag-angkat ng imported na sibuyas bunsod umano ng kakulangan nito ngayon. Ayon kay Marcos dapat matiyak ng DA na bababa ang presyo ng sibuyas sa merkado, at hindi maaapektuhan ang lokal na sibuyas na aanihin sa Marso. Nangangamba aniya ito…

Read More

70 TOKYO OLYMPIC HOPEFULS SASABAK SA QUALIFYING EVENTS

tokyotokyo12

(NI ANN ENCARNACION) SASABAK sa qualifying events para sa 2020 Tokyo Olympics ang tinatayang mahigit 70 atletang Pinoy mula sa iba’t ibang National Sports Associations (NSAs). Sa Hulyo 2020 na ang 2020 Tokyo Olympics kaya nagkukumahog na ang mga pambansang atleta na makapasa sa qualifying events para sa pinaka-prestihiyosong sports tournament sa buong mundo. Target ng Pilipinas na makapagpadala ng maraming Filipino athletes sa kada apat na taong torneo kasunod ng matagumpay na kampanya sa nagdaang 30th Southeast Asian Games, kung saan naging overall champion ang bansa. Pitong weightlifters, sa…

Read More

MUSLIM COMMUNITY HANDANG TUMULONG SA TRASLACION

NAZARENO By MJ ROMERO

(NI ROSE PULGAR) SA kabila ng magkaibang pinaniniwalaan sa relihiyon, kahapon ay nangako ang mga residenteng Muslim sa Baseco, Manila na susuportahan at aayudahan nila ang mga Katolikong deboto na sasama sa traslacion ng Black Nazarene o ‘Itim na Nazareno’ sa darating na Enero 9 (araw ng Huwebes ). Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO), acting chief Brid. Gen. Debold Sinas sa press briefing nitong Sabado, nakipagpulong umano siya sa mga lider ng Muslim community sa Baseco, at sila mismo ang nagsabing tutulong sila sa Traslacion ng mga…

Read More