IBINULGAR ng liderato ng Philippine National Police ang modus operandi ng mga mapagsamantala sa umiiral na coronavirus disease outbreak sa bansa para pagkakitaan. Kahapon ay naglabas ng babala ang PNP-Joint Task Force-COVID Shield sa publiko laban sa tinatawag na “disinfect and sanitation” scams kasunod ng coronavirus disease (COVID-19) crisis. Ayon kay TF-CV Shield commander, P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang national government at local government units lamang ang maaaring gumawa ng nasabing mga hakbang. Kasabay nito, hinikayat ni Gen. Eleazar ang publiko na agad i-report sa mga awtoridad ang mga indibidwal…
Read MoreMonth: March 2020
SALVAGE VICTIM ISINAKO
TADTAD ng saksak sa likurang hahagi ng katawan ang natagpuang bangkay ng isang hindi pa kilalang lalaking nakasilid sa sako sa gilid ng pantalan sa Manila International Container Terminal sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Sabado. Inilarawan ang biktimang may sa taas na 5’3 hanggang 5’6, nakasuot ng navy blue na t-shirt, itim na shortpants, katamtaman ang pangangatawan at may tattoo na Bahala na Gang (BNG) Base sa ulat ni Det. Bernard Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:45 ng hapon noong Marso 20 nang makita ang isang sako na…
Read MoreQUARANTINE CHECKPOINT SINALPOK, 3 PATAY
BUKIDNON – Patay ang dalawang miyembro ng barangay health worker at barangay kagawad habang isa pa ang malubha ang kalagayan nang araruhin ng truck ang community quarantine control point noong Biyernes ng gabi sa lalawigang ito. Kinilala ang mga namatay na sina Jomalyn Buhayon, 34, at Margie Maribao, kapwa mga BHW ng Camp-1, habang namatay naman sa ospital si Brgy. Kagawad Aldren Gaitera. Samantala, patuloy na inooberbahan sa ospital si Beth Lumanca, isa ring BHW. Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jemuel Ompoc, driver ng truck at residente ng…
Read MoreLA UNION MAYOR, MISIS POSITIBO SA COVID-19
LA UNION – Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19, ang alkalde ng bayan ng Caba sa lalawigang ito, gayundin ang misis niyang konsehal. Sinabi ni Caba Councilor Donna Crispino, siya at asawa niyang si Caba Mayor Philip Crispino, ay sumailalim sa self-quarantine nang magpositibo sa COVID-19. Sinabi ni Donna, maayos naman ang kalagayan nila ng kanyang asawa, kasabay ng paghingi ng dispensa sa mga nakalasamuha nila mula Pebrero 2020. Sinabi ni Donna, siya at ang kanyang asawa ay unang nakaramdam ng pananakit ng lalamunan ngunit hindi nila akalain na…
Read MoreKASO NG COVID-19 SUMIPA SA 307 NGAYONG SABADO
MAY 77 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado. Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na naitala ang naturang bilang hanggang 4:00 ng hapon. Dahil aniya sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na sa 307 ang confirmed COVID-19 cases sa bansa mula sa dating 230 lang nitong Biyernes. Ang mga pasyente ay binigyan ng patient ID number na PH231 to PH307. Kinumpirma rin ni Vergeire na nadagdagan ng isa ang mga pasyenteng namatay sa sakit…
Read MoreGagamitin sa paglaban sa COVID-19 P2.5-B DONASYON NG PAGCOR
NAGKALOOB ng halos P2.5 bilyon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang magamit ng pamahalaan sa programa kontra sa coronavirus disease. Partikular na gagamitin ang nasabing halaga, ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, sa pagbili ng personal protective equipment (PPE) ng healthcare frontliners at panustos sa ibang gastusing may kinalaman sa pagsugpo sa nabanggit na sakit. Bukod dito, matutugunan din sa nasabing halaga ang problema sa kakulangan sa pondo ng healthcare sector, partikular na ng mga kapos sa PPE, gamot, testing kits at iba pa. Ayon pa…
Read MoreADJUSTMENT SA PRIVATE SCHOOLS ‘DI NA KAILANGAN ANG CHED APPROVAL
HINDI na kailangan pang humingi ng approval sa Commission on Higher Education (CHED) ang mga paaralang nasa ilalim ng komisyon. Ito ang sinabi ni CHED chairperson Prospero de Vera kasunod ng pagkakaantala ng pagtatapos ng school year ngayong taon matapos ipatupad ang 1 month class suspension dahil sa banta ng COVID-19. Ani de Vera, Waived o hindi na ipatutupad ng komisyon ang ilang regulasyon ng pamahalaan na magpapahirap lamang sa mga eskuwelahang nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa. Layunin nito na mapadali ang mga gagawing adjustment ng mga pribadong paaralan sa…
Read MoreMGA BILANGGO MAS NANGANGANIB SA COVID-19
DAHIL hindi ubra ang social distancing sa mga bilangguan, mas nalalagay sa matinding panganib ang mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDL) sa COVID- 19. Ito ang dahilan kaya hiniling ni Quezon City Rep. Alfred Vargas sa Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) na magpatupad ng dobleng pag-iingat sa mga bilangguan. “It only takes one positive case to infect the whole population of the jail,” babala ni Vargas lalo na’t mas naging siksikan ang lahat ng mga bilangguan sa bansa noong nakaraang taon. Nabatid sa kongresista na tumaas…
Read MoreTRAVEL BAN SA FOREIGNERS PAIIRALIN MULA BUKAS
PAGBABAWALAN na munang pumasok sa bansa ang mga dayuhan simula bukas, Marso 22, ayon na rin sa Department of Transportation (DOTr). Ito’y kasunod ng kautusan ng Department of Foreign Affairs na suspendihin ang visa issuances at visa-free privileges dahil sa banta ng COVID-19. “There will be a temporary travel ban on foreigners entering the country starting 12 a.m., 22 March 2020,” sinabi ng DOTr sa isang kalatas. Naunang naglabas ang DFA ng Foreign Circular No. 29-2020, na nakasaad na ang “visa-free privileges including those based on Visa Waiver Agreements, those…
Read More