BULACAN – Binawian na ng buhay ang mag-ama na kumpirmadong dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), mula sa bayan ng San Ildefonso, ayon sa ulat ng Provincial Health Office (PHO) noong Sabado. Pinangangambahan namang kontaminado na rin ng nakamamatay na sakit ang kanilang buong pamilya makaraang mabatid na bago nakitaan ng sintomas ang mag-ama ay nagdaos pa sila ng birthday party. Base sa report ni Dra. Joy Gomez, director ng Bulacan PHO, namatay noong Biyernes ang 89-anyos na ama. Naunang pumanaw ang 65-anyos nitong anak noong Marso 17 na umuwi…
Read MoreMonth: March 2020
JAIL CLEAN UP NAUWI SA RIOT
SOUTH COTABATO – Nauwi sa riot ang paglilinis sa bilangguan bilang bahagi ng hakbang para makaiwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), na ikinamatay ngisang preso at ikinasugat ng tatlo, nitong Linggo ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga namatay na si Randy Austria, habang sugatan sina Emboy Anan, Bai Salimbay, Jezrel Laboga, pawang mga preso sa South Cotabato Provincial Jail. Batay sa report ng South Cotabato-PNP, dakong alas-10:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng nasabing piitan habang pinaglilinis ang mga inmate. Lumabas sa imbestigasyon, unang nagtalo…
Read MoreDILG : LGUs, BRGY. OFF’LS NA PASAWAY AARESTUHIN
NAGBABALA ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga Local Government Unit at Barangay officials na ipapaaresto ang mga ito kapag naging pasaway. Ginawa ng DILG ang babala matapos may natanggap na reklamo na may mga abusadong LGUs at barangay officials na sinasamantala ang enhance community quarantine (ECQ) para gamitin na makalap sila ng pondo para sa personal na pangangailangan. Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano na kapag napatunayan nilang may LGUs at barangay officials na nasasangkot sa ilegal na gawain ay siguradongnsususpindehin o ikakalaboso. “Certainly they…
Read MoreDUQUE NEGATIBO SA COVID-19
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na nagnegatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Health Secretary Francisco Duque III. Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, lumabas na ang resulta ng COVID test na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kay Duque nitong Sabado ng gabi at lumitaw na negatibo siya sa naturang virus. Sa kabila nito, mananatiling naka-home quarantine ang kalihim ngunit tuloy ang pagtatrabaho nito. Nauna rito, kusang nag-home quarantine si Duque matapos magkaroon ng close contact sa isang direktor ng DOH na nagpositibo sa…
Read MoreCOVID – 19 cases sumirit 73 KASO NAITALA SA MAGDAMAG
UMAKYAT na sa 380 ang kumpirmadong COVID -19 cases sa bansa matapos makapagtala ng 73 na bagong kaso sa loob lamang ng magdamag. Nabatid kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, 380 na ang confirmed COVID-19 cases sa bansa hanggang ngayong umaga lamang ng Linggo, mula sa dating 307 kaso na naitala nila hanggang 4:00 ng hapon ng Sabado. Ang mga pasyente aniya ay binigyan ng patient ID number na PH308-PH380. Samantala, kinumpirma rin ni Vergeire na nadagdagan ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit sa nakalipas na magdamag. Iniulat niya na…
Read MoreRAKET SA DISINFECTION, NABUKING NG PNP
IBINULGAR ng liderato ng Philippine National Police ang modus operandi ng mga mapagsamantala sa umiiral na coronavirus disease outbreak sa bansa para pagkakitaan. Kahapon ay naglabas ng babala ang PNP-Joint Task Force-COVID Shield sa publiko laban sa tinatawag na “disinfect and sanitation” scams kasunod ng coronavirus disease (COVID-19) crisis. Ayon kay TF-CV Shield commander, P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang national government at local government units lamang ang maaaring gumawa ng nasabing mga hakbang. Kasabay nito, hinikayat ni Gen. Eleazar ang publiko na agad i-report sa mga awtoridad ang mga indibidwal…
Read MoreHEALTH SURVEY INILUNSAD SA MAYNILA
UPANG madaling ma-trace ang posibleng sintomas ng coronavirus disease (COVID- 19),naglunsad si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng health survey. Sa kanyang Facebook live, ipinaliwanag ng alkalde kung gaano kasimple ang survey. Para sumali sa survey, i-click ang send message button sa kanyang FB account at lalabas ang ilang katanungan tulad ng personal na impormasyon na nagsasaad ng pangalan, contact number at kung anong barangay ka naninirahan. “Huwag mag-alala dahil confidential ito at gagamitin lamang para magkaroon kami ng virtual picture or macrovisual of our health situation in the…
Read MoreCASH GRANT SA MAHIHIRAP PINAMAMADALI SA DSWD
PINAMAMADALI ni Senador Edgardo “Sonny” Angara sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng cash grants at iba pang uri ng tulong sa pamilyang lubhang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ). Sa pahayag, sinabi ni Angara na dapat humanap ng kaukulang pamamaraan ang DSWD upang mapabilis ang paghahatid ng tulong sa lubhang apektado ng ECQ. Aniya, lubha nang nagiging desperado ang mamamayan at kailangan nila ng katiyakan mula sa pamahalaan na pangangalagaan sila dahil sarado ang halos lahat ng negosyo at limitado ang kilos ng mamamayan. “We…
Read More2 MATANDANG IPs LIDER, NILIKIDA
SURIGAO Del Sur – Pinaslang umano ng hinihinalang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army ang dalawang matandang Indigenous People na kasapi ng Manobo tribe, sa Sitio Inadan, Barangay Magroyong, San Miguel sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Sa ulat ng military, alas-7:00 ng gabi nang paslangin ang mga biktimang sina Datu Hawudon Bernardino Astudillo, 73-anyos, isang Manobo, kasalukuyang tribal chieftain ng Brgy. Magroyong, at Zaldy Domingo Ibaňez, 65, isa ring Manobo, at kapwa naninirahan sa Sitio Inadan, Brgy. Magroyong, San Miguel. Sa sumbong ng mga residente, puwersahang tinangay ang mga biktima at kinaladkad sa kagubatan sa bahagi ng barangay at doong pinagsasaksak hanggang mapatay…
Read More