Manila Water extends payment due date for customers

Manila Water announced that it is extending the due date of payment of customers’ water bills for 30 days. This is in response to the month-long enhanced community quarantine imposed on the entire Luzon. The extension will apply to water bills whose due dates will fall within the quarantine period. Manila Water President and Chief Executive Officer Rene Almendras assures that the company values the customers’ welfare in these trying times. “The welfare of our customers is our primary concern as we all work together to prevent the spread of COVID-19.…

Read More

LUZON-WIDE LOCKDOWN HANGGANG 12MN NG ABRIL 13, 2020 – DOTr

SINABI ni Department of Transportation Undersecretary Raul del Rosario na mananatili ang Luzon-wide lockdown hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Abril 13, 2020. Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni Del Rosario na base sa enhanced community quarantine na deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay mananatili ang quarantine ng isang buwan. Ang 14 days self-quarantine aniya na mula sa protocol ng WHO ay epektibo lamang kapag umiiral ang community quarantine. Subalit, dahil umiiral na ngayon ang enhanced community quarantine ay isang buwan iiral ang quarantine sa buong Luzon.…

Read More

BINAY, GATCHALIAN, NEGATIBO SA COVID-19

NAKAHINGA na nang maluwag sina Senador Nancy Binay at Sherwin Gatchalian matapos matiyak na kapwa sila negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) alinsunod sa pagsusuri ng Department of Health (DOH). Ang pagsusuri ay dahil “nakaharap” ng mga nasabing senador ang isang opisyal ng pamahalaan na positibo sa virus nitong Marso 5 sa isang pagdinig sa Senado. Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Nancy Binay at Sherwin “Win” Gatchalian na ibinalita sa kanila ni Health Secretary Francisco Duque na pawing negatibo ang pagsusuri sa kanila ng ahensiya. “This morning, Department…

Read More

SUPPLY NG PAGKAIN SAPAT – DAR

TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na sapat ang suplay ng pagkain sa Metro Manila. Ang paniniyak ni Dar ay sa gitna ng agam-agam na baka kapusin ang suplay ng pagkain matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Central Luzon. Ayon kay Dar, ang supply ng mga pagkain ay manggagaling sa mga region 1, 2 at 4-B. Ang National Capital Region (NCR) ay may mahigit 10,200 metric tons ng isdang suplay na ihahatid sa mga pamilihan. Ang buong NCR ay may mahigit…

Read More

DAAN-DAANG PASAHERO NAGLAKAD PAUWI SA CAVITE

WALANG ginawa ang pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at hinayaan na lamang maglakad ang mga pasahero pauwi sa kanilang bahay dahil sa kawalan ng bus na kanilang masasakyan sa loob ng terminal dahil sa ipinaiiral na community quarantine sa Luzon. Sa sumbong ng ilang pasahero, dakong alas-6:00 kamakalawa ng hapon ay nakapila na sila papasok sa loob ng PITX subalit sa dami ng pasahero at ilang patakaran na kanilang ipinairal katulad ng bag inspection at pag-screen sa kanilang Identification Card, ay inabot sila ng ilang oras dito. Subalit…

Read More

4-ANYOS KINATAY NG ADIK NA AMA

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 29-anyos na lalaking hinihinalang lango sa ilegal na droga, makaraang pagsasaksakin ang kanyang 4-anyos na anak sa Bacoor City sa lalawigang ito. Ginagamot sa Bacoor District Hospital ang biktimang si Vina, isang Kindergarden student, habang arestado naman ang suspek na si Laurito Labarador, isang construction worker at kapwa residente ng Nazareth Compound, Bacoor City. Sa ulat ni Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, dakong alas- 11:30 noong Lunes ng umaga nang aresuhin ang suspek dahil sa pananakit at pananaksak sa sariling…

Read More

PNP OFFICIAL SUGATAN SA LAGUNA AMBUSH

LAGUNA – Sugatan ang isang opisyal ng pulisya matapos na pagbabarilin habang sakay ng kanyang kotse sa Calamba City noong Lunes ng tanghali. Kinilala ang biktimang  si P/Capt. Christopher Geronimo na kritikal ang kalagayan sa ospital. Batay sa report ng Calamba City police, galing ang biktima sa PNP Regional headquarters sa Camp Vicente Lim nang tambangan ng mga suspek na sakay ng isang hindi natukoy na sasakyan bandang alas-11:45 ng tanghali. Patungo ang biktima sa direksyon ng Silangan Exit ng SLEX, at nagmamaneho sa kanyang kotseng Toyota Vios nang ito…

Read More

LOCKDOWN, QUARANTINE SA DAVAO REGION

DAVAO CITY – Kinumpirma ng isang opisyal ng Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Tagum City, na patuloy ang paggaling ng unang pasyente sa Davao Region na nagpositibo sa corona virus disease (COVID 19). Ayon kay Dr. Bryan Dalid ang chief of hospital ng DRMC, wala nang ubo at lagnat ang pasyente at patuloy ang pagbuti ng kondisyon nito. Sa kabila nito, maraming local government unit na ang nagpatupad ng lockdown at community quarantine upang maagapan ang pagkalat ng virus. Sa lungsod ng Digos sa Davao del Sur, ipinag-utos na…

Read More

KAMARA UMATRAS SA HEARING

ITINIKLOP ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kanilang public hearing na isasagawa sana ngayong araw upang pagtibayin ang supplemental budget na kailangan ng national government sa paglaban sa COVID-19. Sa advisory na inilabas sa Kamara nitong Martes, inabisuhin ang lahat na hindi matutuloy ang pagdinig ng Defeat COVID-19 Committee matapos palawakin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Luzon ang community quarantine. Ang nasabing komite ay binubuo ng House committees on health, economic affairs, tourism, trade and industry, banks and financial intermediaries, labor and employment, public information, appropriations, ways…

Read More