1 PANG HOUSE EMPLOYEE COVID-19 POSITIVE

ISA pang empleyado sa mababang kapulungan ng Kongreso ang nagpositibo sa COVID-19. Ito ang napag-alaman sa ilang impormante sa Kongreso. Ayon sa impormasyon, chief of staff (COS) umano ng isang mambabatas mula sa Region 5 ang pangalawang biktima ng COVID-19 sa Kongreso at ngayon ay nasa Intensive Care Unit (ICU) sa isang hindi pinangalanang pagamutan. Magugunita na isang 41-anyos na empleyado ng Printing Service ng Kamara ang unang biktima ng COVID-19 at kamakalawa ng madaling araw ay pumanaw na ito. Hindi tulad ng unang biktima na may iniindang karamdaman bago…

Read More

PARTIAL LOCKDOWN SA DAVAO

NAGKASUNDO sina Davao City Mayor Sara Duterte at Tagum City Mayor Allan Rellon na ipatupad ang partial lockdown sa lahat ng entry at exit points sa dalawang lungsod epektibo, alas-7 ng gabi nitong Linggo, Marso 15. Nagpalabas din si Mayor Duterte ng Executive Order No. 11 para ipatupad ang partial lockdown sa Lasang checkpoint ng lungsod. Nilinaw ng alkalde na “locked” area ang gagawin sa Lasang checkpoint na nasa pagitan ng Tagum at Davao City. Nakasaad sa EO na wala nang sasakyan mula sa Tagum City ang papapasukin sa lungsod…

Read More

PATAY SA COVID-19 NADAGDAGAN

UMAKYAT na sa 12 ang bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 habang nasa 140 ang nagpositibo. Pinakahuling nasawi si patient 12 na residente ng Maynila at na-confined sa Makati City Medical Center nitong nakaraang Marso 7 pero nakumpirmang positibo sa virus noong Marso 9. Walang travel history ang pasyente ngunit natukoy na may kontak siya sa ibang pasyente na positibo sa virus. Namatay ang pasyente nitong Marso 15 dahil sa “Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to COVID-19”. Kaugnay nito, isang 13-anyos na babae naman mula sa Quezon City ang nadagdag…

Read More

BAGSAK NA ANG KITA

INAASAHAN na ang pagkalugi ng mga negosyo partikular ang mga fastfood chain tulad sa southern Metro Manila dahil sa mahigpit na pagsunod nila sa precautionary measures na hiniling ng DOH, DILG at local government units laban sa banta ng COVID-19. Sa Baclaran area, sakop ng Parañaque at Pasay City; sa Rotonda area at Libertad area kapwa sa Pasay City, nagsisunod ang mga mall owner at fastfood outlets na ipatupad ang social distancing. Pansamantalang nagsara ang mga mall kagaya ng Citymall, Centerpoint at Wellcome Plaza. Ang mga fastfood outlet naman sa…

Read More

Gutom, kaguluhan babala ng solon TOTAL LOCKDOWN PINALAGAN

NAGBABALA ang isang mambabatas sa Kamara na magbubunga lang ng gutom at kaguluhan kung magpapatupad ng total lockdown sa Metro Manila at karatig lalawigan kapag walang siguradong tulong na ibibigay ang gobyerno sa mga apektadong mamamayan. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang babala matapos imungkahi ng mga mababatas at miyembro ng gabinete ang total lockdown partikular sa Metro Manila dahil may community transmission na umano ng COVID-19. “Lockdown sa sikmura ang kinakaharap ng milyun-milyon nating kababayan sa Metro Manila at iba pang rehiyon. Karamihan sa kanila ay kababaihan…

Read More

BREAKING NEWS: ZUBIRI, POSITIBO SA COVID 19

KINUMPIRMA ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na nagpositibo siya sa COVID 19. “To my dear fellow Filipinos, my Kababayans. It is with sadness that i announce that I am positive for Covid 19,” saad ni Zubiri. Sinabi ni Zubiri na sumailalim siya sa pagsusuri noong Biyernes habang nasa ilalim ng self quarantine pero ngayong hapon ay tinawagan ito ni Health Secretary Francisco Duque at ipinaalam ang kanyang kondisyon. “My heart sank with what he had said but Im uplifted with the fact that i am asymptomatic and have no…

Read More

BAWAL MUNANG UMANGKAS – DOTr

INIUTOS na ng Department of Transportation (DOTr) ang pansamantalang pagbabawal sa pagbiyahe ng mga motorsiklo na may angkas sa layong hindi na lumaganap ang sakit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Paliwanag ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, bahagi ito ng umiiral na social distancing sa mga pampublikong sasakyan. “Hindi puwede iyong mayroong backride sa mga motorsiklo. Isang tao lang po ang puwedeng isakay sa motorsiklo. Dikit na dikit po ‘pag magkaangkas sa motorsiklo. E di iyong paglipat po ng virus, malaki po ang pagkakataon na mangyari iyon,” dagdag nito. Nauna na…

Read More

MAAGANG 13TH MONTH PAY DEPENDE SA KUMPANYA

NAKADEPENDE sa kapasidad ng bawat kumpanya kung ia-advance ang pagpapalabas ng 13th Month pay ng mga empleyado nito, na siyang magagamit habang nasa community quarantine sa Metro Manila, ayon sa mataas na opisyal mula sa Department of Labor and Employment. “Kung mahaba-haba naman po ang pisi ng mga kumpanya, maaari na po nila itong i- advance. Ang nakasaad po sa ating batas, ang isang manggagawa na nakapagtrabaho na ng isang buwan ay entitled na sa 13th month pay,” sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez. “Pero nakadepende pa rin po ito…

Read More

Sa gitna ng paglaganap ng COVID-19 NAT’L DAY OF PRAYER ISINUSULONG

HINILING ng isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang darating na linggo, Marso 22, bilang “National Day of Prayer” kontra sa coronavirus disease 2019. “National Day of Prayer” is a way to unify a country that has always turned to faith in the darkest of times,” ani House minority leader Bienvenido Abante Jr. Nais ng mambabatas na sabay-sabay magdarasal ang sambayanang Filipino sa kani- kanilang bahay lamang, anoman ang relihiyon o paniniwala ng mga ito para hilingin na matapos na ang pagsubok na ito sa sangkatauhan. Sa ngayon…

Read More