COMMUTERS DUSA SA SOCIAL DISTANCING

MAS matinding hirap ang naranasan ng mga pasahero sa pagpasok sa trabaho kahapon ng umaga sa gitna ng pinaiiral na social distancing ng pamahalaan. Humaba nang husto ang pila ng mga pasahero sa MRT-3 dahil sa pagpapatupad ng limitasyon sa pagsasakay ng pasahero para sundin ang “one-meter social distancing policy” upang makaiwas sa banta ng COVID-19. Umabot sa ibaba ng istasyon sa kahabaan ng EDSA ang pila ng mga pasahero sa Cubao, Guadalupe at Magallanes MRT 3 stations dahil walo hanggang 11 pasahero lang ang pinasasakay kada bagon. Ang EDSA…

Read More

SEGURIDAD SA MALAKANYANG LALONG HINIGPITAN

malacanang

MISTULANG dumadaan sa butas ng karayom ang mga empleyado ng Malakanyang dahil sa mas mahigpit na proseso na ipinatutupad ng Presidential Security Group sa mga empleyadong dumaraan sa gate 2 kung saan nag-oopisina ang mga taga Presidential Communications Operations Office (PCOO). Kung dati-rati ay mga bisita lang ang nagpi- fill up ng form, ngayon, pati mga empleyado ay obligado nang magbigay ng kailangang impormasyon na hinihingi ng PSG tulad ng kung may history ng biyahe, inuubo o sinisipon, at iba pa. Pagkatapos masagutan ang form, sasalang naman sa thermal scanning…

Read More

DEMILITARISASYON SA PNP-AFP CHECKPOINTS

AALISAN ng armas ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang kanilang mga tauhan na naatasang magmantine ng Inter-Agency Task Force in Managing Infectious Diseases checkpoint. Ito ay kasunod ng mga puna na mistulang militarized zone ang mga itinayong checkpoint papasok at papalabas ng Metro Manila. Ayon kay Bgen Alex Luna, AFP JTF-NCR commander, nagkasundo sila ni PNP-NCRPO chief P/Mgen Debold Sinas na magsagawa ng adjustment sa kanilang nine-man squad na nakataga sa mga checkpoint kabilang ang pag-aalis ng kanilang mga armas. Bukod dito, hindi na rin…

Read More

KASO NG AVIAN FLU NAKUMPIRMA SA NE

KINUMPIRMA ng Department of Agriculture (DA) na mayroon na ring natukoy na positibong kaso ng H5N6 highly pathogenic avian influenza sa Pilipinas. Tinukoy ni Agriculture Secretary William Dar ang tinatayang 1,500 quail o pugo sa isang farm sa Barangay Ulanin-Pitak sa bayan ng Jaen sa Nueva Ecija ang nagkaroon ng strain ng bird flu. Kasabay nito, iniutos ng kalihim ang pagbabawal na magbenta ng itlog at karne ng quail mula sa farm at sa nasasakop nitong one-kilometer radius. Nakatakda namang sumailalim sa quarantine ang mga na-expose sa infected na quail…

Read More

PRESYO NG 72 GAMOT BAWASAN – MARCOS

NANAWAGAN ang isang senador sa pamahalaan na dagdagan ang listahan ng mga gamot na dapat tapyasan ng presyo at bilisan ang pagbili ng medical at personal protective equipment para tugunan ang patuloy na pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19. Giit ni Senador Imee Marcos, dapat isama sa listahan ng 72 gamot na ikinokonsidera ng pamahalaan na maisama sa price regulation, ang mga para sa may mahihinang immune system o silang mga “immunocompromised” gaya ng mga may sakit na diabetes, hypertension at lung disorder. “Habang wala pang vaccine o lunas sa…

Read More

VIRTUAL PRESSER SA COVID-19 UPDATE APRUBADO SA WHO

WELCOME sa World Health Organization ang pagsasagawa ng Virtual Press conference lalo’t mahigpit na ipinatutupad sa kasalukuyan ang social distancing. Nito lang nakaraang Sabado ay nagsagawa ng gayung klaseng set up sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko ang Department of Health na may kinalaman sa COVID-19. Ayon kay WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na sa panahon ngayon, marami ng channels para maabot ng pamahalaan ang media at maabot din naman ng media ang publiko lalo’t kailangan ng kaukulang pag-iingat sa kasalukuyang sitwasyon. Ginagawa na aniya ng WHO…

Read More

SSS issues service guidelines amid community quarantine in Metro Manila

sss16

The Social Security System (SSS) issued temporary service guidelines for its Metro Manila branches after the region is placed under community quarantine due to the coronavirus disease 2019 (COVID-19). According to the guidelines, the SSS will form a skeletal workforce in all of its branches in Metro Manila to continuously serve its members – Mondays to Fridays from 8 a.m. to 5 p.m. Transactions, however, will be limited to applications for non-medical benefits such as retirement, death, funeral, and unemployment; sickness and maternity notifications; employer reimbursement claims for sickness and…

Read More

ARCI MUÑOZ: ‘MALUNGKOT PALA ANG MAGING SINGLE!’

arci munoz12

WALANG  karelasyon ngayon si Arci Muñoz. Matatandaan na ang businessman na si Anthony Ng ang huling naging kasintahan ng aktres pero nagkahiwalay din ang dalawa noong isang taon. Magkahalong emosyon daw ang nararamdaman ng dalaga ngayon sa pagiging isang single. “Na-discover ko sa sarili ko na malungkot pala ang maging single, malungkot at saka masaya.   Sometimes iniisip mo you are looking for a companion, companionship. Parang paano kaya kung may boyfriend ako ngayon? Kasama ko siyang manood ng ‘Crash Landing On You,’ ‘yung mga trip kong gawin.  Pero at the…

Read More

SARAH LAHBATI OPISYAL NANG MRS. GUTIERREZ

NAURONG man to a later date ang engrandeng kasalan sa pagitan ng live-in engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati noong March 14, 2020 na gaganapin sana sa Bonifacio Hall ng Shangri-La at the Fort sa BGC in Taguig City, itinuloy ng couple ang kanilang kasal noong araw ding ‘yon sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding ceremony at saka na lamang idaraos ang kanilang grand wedding kapag nag-die down na ang banta ng COVID 19. Officially ay Mr. & Mrs. Richard Gutierrez na ang couple kaya puwede…

Read More