SEN. BONG REVILLA, IBA PANG SENADOR NAG-SELF QUARANTINE

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Naglabas ng statement si Sen. Bong Revilla noong nakaraang Huwebes na magpa-self-quarantine na siya pagkatapos lumabas ang balitang may COVID-19 positive na dumalo sa hearing ng committee ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Nag-self-quarantine na si Sen. Gatchalian at pati si Sen. Nancy Binay, at ganoon din ang ginawa ng ilang senador.

Narito ang kabuuan ng statement na ipinadala sa amin ni Sen. Bong.

“Kahapon, inanunsyo ni Sen. Win Gatchalian na siya ay magbo-voluntary quarantine dahil nakasalamuha niya ang isang resource person sa kanyang hearing noong March 5 na napag-alamang positive sa COVID-19.

“Sen. Gatchalian is my seatmate in the Senate. Maliban sa session noong Monday, magkasama rin kami sa aking opisina kahapon, pati na sina Sen. Sonny Angara at Mayor Sara Duterte – na pare-pareho na ring nag-self quarantine.

“Bilang pag-iingat, kahit na wala akong anumang sintomas, nagdesisyon po akong mag-voluntary quarantine umpisa kagabi. We don’t want to expose others to potential risk.

“Sa panahong ito, mahalaga na maging self-aware, hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kapwa.

“Maging malinis tayo sa ating mga sarili at paligid. As long as we don’t get overcome by panic, we will calmly beat this trial together.”

Dahil dito, posibleng hindi na muna siya magti-taping sa Agimat ng Aguila na ginagawa niya every weekend.

SEE: Dumating naman si Snooky Serna nung nakaraang Lunes, February 9 mula Portugal na kung saan dumalo siya sa Fantasporto International Film Festival.

Bago kasi mag-Portugal, dumaan pa muna siya ng Paris.

Kaya isinabmit na rin niya ang sarili sa voluntary quarantine.

Dalawang linggo siyang tengga, at hindi muna siya puwedeng mag-taping sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

PRODUCER NANGHINAYANG SA ‘DI NATULOY NA FILM FESTIVAL

SWAK: Nanghinayang naman ang producer ng BG Films International na si Baby Go na hindi natuloy ang Sinag Maynila Festival na kung saan kasali ang pelikula niyang Latay na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Allen Dizon.

Dapat ay may commercial showing na ito sa April 1, pero hindi na rin itutuloy dahil dapat mauna muna sa Sinag Maynila.

Pero tiniyak ni Madam Baby na hindi siya matitinag sa kumakalat na Corona Virus.

Itutuloy pa rin daw niya ang paggawa ng pelikula kahit natatakot na sa pagkalat ng COVID-19.

Sabi ni Madam Baby, kapag puwede na raw mag-shooting, sisimulan na raw niya ang pelikulang ‘Hilakbot’ na ididirek ni Direk Joey Romero.

Pero magpapalit na siya ng cast na dapat si Beauty Gonzales ang bida rito.

EXECUTIVE COMMITTEE NG SUMMER MMFF MAGPUPULONG

SEE: Magkakaroon ng meeting ang Executive Committee ng Summer Metro Manila Film Festival sa darating na Lunes, March 16 kasama ang producers ng mga pelikulang kalahok sa naturang filmfest.

Pag-uusapan nila kung itutuloy ang Summer MMFF sa darating na Abril dahil sa lumalalang pagkalat ng COVID-19.

Hindi talaga maiwasan na maapektuhan ang mga pelikulang ipalalabas dahil sa takot ng mga taong pumunta sa mga sinehan.

Ia-assess daw nila ang mga cancellation ng mga klase at kung ano ang magiging epekto nito.

Malaki talaga ang posibilidad na makansela, lalo na’t kung matutuloy ang binabalak na total lockdown sa NCR.

 

150

Related posts

Leave a Comment