KANSELADO ang civil service exam sa darating na linggo, ayon sa Civil Service Commission (CSC). Ito ay alinsunod sa Proclamation 922 na nilagdaan ng pangulo na nagdedeklara ng Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa banta ng COVIV-19. Sa Marso 15, nakatakdang isagawa ang Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa 66 testing location sa buong bansa. 293,845 ang bilang ng mga examinee. Nasa 253,419 ang kukuha ng Professional level exam habang nasa 40, 426 ang para sa Subprofessional level. Nauna nang ibinalita na tuloy ang eksaminasyon sa…
Read MoreMonth: March 2020
PANIBAGONG PASAKIT SA TAUMBAYAN PINALAGAN ROAD USERS’ TAX TATAAS NA
PINALAGAN ng mga militanteng mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panibagong pasakit sa buwis na nakatakdang ipataw sa mamamayang Filipino sa pamamagitan ng road users’ tax. Sa botong 239 pabor, 5 ang kontra at isa ang hindi bumoto, pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 6136 na inakda ni Albay Rep. Joey Salceda na nag-aamyenda sa motor vehicle users’ charge (MVUC) at dagdagan ang buwis na binabayaran ng mga may-ari ng mga sasakyan taon-taon. Sa ilalim ng nasabing panukala, tataas ng 90% ang road users’…
Read MoreHIGIT P4-B PONDO NG DOH BABANTAYAN
BABANTAYAN at kakasuhan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang mga lider ng Department of Health (DOH) kapag nahaluan ng anomalya ang pondong ibibigay para labanan ang coronavirus disease o COVID-19. Ito ang banta ni House appropriation committee chairman Rep. Eric Yap sa DOH matapos aprubahan ang P1.6 Billion na supplemental budget para sa pagsugpo sa virus. “Kapag hindi nila ginamit nang maayos iyan, kapag nagkalokohan at nagkaroon ng anomalya, kakasuhan namin sila,” pahayag ni Yap. Bukod sa P1.6 Billion na supplemental budget ng DOH para sa COVID-19 ay mayroon pang…
Read MorePaniningil sa oligarch HINDI HARASSMENT -DEFENSOR
ITINANGGI ni House committee on public account chairman Rep. Mike Defensor ng Anakalusugan party-list na isang uri ng panghaharas ang isinasagawang pagdinig sa obligasyon ng mga oligarch sa Power Sector Assets Liabilities Management (PSALM) na umaabot sa P95 Billion. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite ni Defensor kasama ang House committee on good government and public accountability, kinontra nito ang pahayag ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na isang uri ng harassment ang pag-iimbestiga sa kaso na nasa korte na. “With due respect to most able Congressman Rufus…
Read MoreSETH FEDELIN, NAKATUTULONG NA SA PAMILYA
NAIKUWENTO ni Seth Fedelin ang naging pagsubok ng kanyang pamilya nang ma-stroke ang ama kamakailan. Bilang panganay sa tatlong magkakapatid, ang aktor talaga ang nag-alaga sa mga kapatid habang nagbabantay sa ospital ang ina. “Hindi nila alam, ang alam lang nila (mga kapatid) nasa ospital si Papa, nagpapa-check up lang. Halos kami magkatulong ng Mama ko no’n sa papa ko. Alam mo ’yung idol mo, nakikita mong hirap magsalita, bumangon, kailangan ng alalay. Kapag nakikita ko ‘yung Mama ko, siguro kung ibang nanay ‘to, baka sumuko na sa kanya. Tatlo…
Read MoreEAT BULAGA PINURI SA AKSYON VS COVID-19
SWAK: Pinuri ang desisyon ng Eat Bulaga na isuspinde muna ang pagtanggap ng audience sa live performance ng naturang noontime show. Sinimulan nila noong nakaraang Lunes na wala munang audience sa kanilang studio sa pangamba sa pagkalat ng COVID-19. Naglabas sila ng announcement noong Lunes din bilang proteksyon sa artists, staff at crew at pati na rin ang audience. Hindi pa raw nila alam kung hanggang kailan na wala silang audience. Pero nai-enjoy naman daw ng Dabarkads, dahil parang naglalaro lang daw sila sa studio. SEX VIDEO NG VETERAN ACTOR…
Read MorePWERSA INIHAHANDA NG AFP, PNP Sakaling ipatupad ang lockdown sa Metro Manila
NAGHAHANDA na ng sapat na puwersa ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sakaling ipatupad ang lockdown sa buong Metro Manila bunsod ng kumakalat na coronavirus disease o COVID-19. Ayon kay AFP chief of Staff Gen. Felimon T. Santos, oras na ipag-utos ng Department of Health o ng itinatag na Interagency Task Force ang lockdown sa Metro Manila, may sapat na puwersa ang AFP-Joint Task Force NCR para ayudahan ang PNP sa implementasyon nito. Una rito, inihayag ni PNP chief, P/General Archie Gamboa na may nakahanda na…
Read MoreKOMITE NI VELASCO BUTATA P46-B utang sa PSALM ng power firms makokolekta ng ibang House panel
TULUYAN nang naitsapwera at nailampaso si House Committee on Energy Chairman Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ng House Committee on Public Accounts and Public Accountability at House Committee on Good Government matapos magawa nitong makakolekta ng P46B na utang ng mga power firm mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM). Kahapon ay itinuloy nina House Committee on Public Accounts and Accountability Chairman Anakalusugan Rep Mike Defensor at House Committee on Good Government Chairman Bulacan Rep Jonathan Sy-Alvarado ang imbestigasyon sa P95B utang ng power firms sa gobyerno subalit…
Read MoreHirit ng solon sa DOH LIBRENG TEXT ALERTS KONTRA COVID-19
HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang Department of Health at civil defense authorities na idaan sa pagpapadala ng public free mobile alerts ang pinakahuling impormasyon sa pagkalat ng coronavirus (COVID-19). Ayon sa senador, ang libreng mobile alert ay malaking tulong para mapawi ang malawakang takot at tulungan ang mga mamamayan na gumawa ng mga hakbang para makaiwas sa epekto ng nasabing virus. Giit ni Poe, chairman ng Senate committee on public services, ang text alerts ay dapat naglalaman ng listahan ng kumpirmadong kaso at mga naapektuhang lugar. Ang mobile alerts…
Read More