Asia and Oceania Boxing OQT: PETECIO, MAGNO BIGO

NABIGO sa kanilang assignment sa Asia and Oceania Boxing Olympic Qualification Tournament sa Jordan ang mga Pinay boxer na sina Nesthy Petecio at Irish Magno. Natalo si Petecio kay Sena Irire ng Japan sa kanilang women’s featherwieght fight sa split decision. Nabigo rin si Magno laban kay Mary Kom ng India sa unanimous decision sa quarterfinals ng women’s flyweight division. Ngunit may pag-asa pa rin sina Petecio at Magno na mag-qualify sa Olympics kung mananalo sila sa World Olympic Qualifying Tournament sa Paris, France sa Mayo. 237

Read More

PAGTANGGI NG POWER COMPANY NI RAMON ANG PINABULAANAN PSALM: “UTANG N’YO P23.94 BILYON PA”

HINDI totoong wala nang utang sa pamahalaan ang San Miguel Corporation (SMC) na pag-aari ng bilyonaryong negosyante na si Ramon S. Ang, ayon sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM). Sa isang statement, nilinaw ng PSALM na nasa P23.94 billion pa ang dapat bayaran ng SMC taliwas sa iginigiit nito na wala na silang utang. Napag-alaman na ang sinisingil ng PSALM sa power firm ni Ang, kabilang ang unpaid P23.94 billion, ay base sa bid na isinumite mismo ng SMC sa PSALM noong April 2010 sa public bidding…

Read More

SENATE PROBE INISNAB NGCP PREXY UMIWAS MAGISA

DISMAYADO ang mga senador sa pag-iwas ng presidente ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagdinig kaugnay ng alegasyong maraming dayuhan ang nakaposisyon sa nasabing ahensya. Hindi naitago ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, ang pagkadismaya sa hindi pagdalo sa pagdinig ni NGCP president at chief executive officer Anthony Almeda para sagutin ang mga alegasyong kinasasangkutan ng ahensya. “Nakadidismaya dahil ang presidente ng NGCP na dapat nandito para magbigay linaw sa mga issue, ay wala. ‘Yung ibang mga senator natin na nagbigay oras para…

Read More

UAAP GAMES SUSPENDIDO RIN

KASUNOD ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Public Health Emergency, minabuti ng pamunuan ng University of Athletic Association of the Philippines (UAAP) na suspendihin ang lahat ng sporting events nito hanggang Marso 14. Ang pahayag ng Punong Ehekutibo na State of Public Health Emergency ay nangangahulugan na ang mga klase sa Metro Manila ay suspendido simula kahapon (Marso 10) hanggang Marso 17. Ito ay bunga na rin ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Kabilang sa collegiate tournaments na apektado ay…

Read More

100% FOREIGN OWNERSHIP APRUB NA SA KAMARA

kamara1

BERSYON na lamang ng Senado at lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para magkaroon na ng 100% ownership ang mga dayuhan sa mga negosyo sa Pilipinas maliban sa tubig at kuryente, matapos itong aprubahan na sa Kamara. Sa botong, 136 pabor, 43 ang kumontra at isa ang hindi bumoto, tila walang kahirap-hirap na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 78 o Public Service Act (PSA) na isa sa mga priority bill ng gobyerno. Sa ilalim ng nasabing panukala, buburahin na ang 40%-60% ownership o 40% lamang…

Read More

SURVEILLANCE TEAMS IKAKALAT NG DOH

KASUNOD ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19, nagpakalat pa ng mas maraming surveillance team ang Department of Health (DoH). Siniguro ni Health Secretary Francisco Duque III na ginagawa ng kanilang ahensya ang lahat at nakipag-ugayan din sila sa PNP at iba pang ahensya ng gobyerno upang matunton ang kinaroroonan ng mga nakahalubilo ng apat na bagong pasyente ng naturang sakit. Hinihikayat naman ng kalihim ang mga nagkaroon ng direct contact sa mga ito na makiisa sa mga surveillance team upang mapadali ang imbestigasyon at contact…

Read More

PH ATHLETES TULOY ANG PREPARASYON

Hanggang ‘di nagkakansela ang IOC MAYROON man COVID-19 o wala, tuloy-tuloy lang ang pagsasanay at pagsabak ng mga atletang Pilipino na naghahangad makaabante sa Tokyo Olympics sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9. Ayon kay Team Pilipinas chef de mission Mariano Araneta, hanggang hindi kinakansela ng organize International Olympic Committee (IOC) at host Japan ang 2020 Summer Games, magpapatuloy ang Pinoy athletes sa kanilang preparasyon para sa kada apat na taong torneo. Kabilang sa mga nakatakdang sumabak sa qualifying events ang anim na pambansang atleta sa archery, pito sa athletics, lima…

Read More

DROGA SA POGO PINABUBUSISI NG PALASYO

drugs

PINAHIHIMAY na mabuti o pinaba-validate ng Malakanyang ang pahayag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na umano’y konektado sa ilegal na droga ang  ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) transactions. Ayon kay Presidential spokesperson  Salvador Panelo,  reports pa lamang aniya ito na kailangang mapatunyan sa pamamagitan ng pagpipresenta ng mga ebidensya. Mayroon aniyang mga ahensya ng pamahalaan na may mandatong ipatupad ang batas at kabilang sa kanilang tungkulin ang pagsasagawa ng validation. kabilang aniya sa mga law enforcement agency na ito ang Bureau of Customs, Immigration, PNP at NBI. Aniya, nararapat…

Read More

TRABAHO SA AGRI SECTOR UNTI-UNTING NAGLALAHO

BAGAMAN hindi napapansin ng karamihan, unti-unti umanong nawawala ang mga trabaho sa sektor ng agrikultura sa bansa at paliit nang paliit ang kontribusyon nito sa GDP o gross domestic product. Ito ang napag-alaman sa mga magsasaka na sumugod sa mababang kapulungan ng Kongreso upang mangalampag na ipasa na ang Genuine Agrarian Reform Bill na sinimulan nang dinggin sa House committee on agrarian reform. Ayon kay Danilo Ramos, chairman ng Kilusang Magbubukid sa Pilipinas (KMP), pumalo na sa 1.4 milyon ang trabaho na nawala sa sektor ng agrikultura mula 2016 hanggang…

Read More