Sa patuloy na dollar importation PINAS LAGPAK SA TERRORISM FINANCING

ISINISI ng isang mambabatas sa patuloy na pagdating ng milyon-milyong dolyar ang pumapangit na imahe ng Pilipinas sa terrorism financing. Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, nagkaroon umano ng national assessment ukol sa terrorism financing kung saan masyadong mataas ang rating ng Pilipinas. Sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso sa imported money na ipinasok noong nakaraang taon ay isa pang dayuhan ang natuklasang nagdala ng $500,000. Samantala, bukod sa perang dinadala sa Pilipinas ng mga dayuhan na naglalagay umano sa panganib sa national security, malaki ring banta sa ekonomiya ng…

Read More

MGA BATA BAWAL GUMALA; Pinamo-monitor ng DILG sa PNP, metro mayors

NAGLABAS ng direktiba ang Department of Interior and Local Government (DILG) na nag-aatas sa Philippine National Police (PNP), lahat ng alkalde sa National Capital Region (NCR) at maging sa barangay levels, na tiyaking walang bata at mga estudyante ang makikitang nakatambay sa mga pampublikong lugar tulad ng mall dahil sa banta ng COVID-19. Ang nabanggit na hakbang ay ayon sa deklarasyon mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang klase sa lahat ng antas sa buong Kamaynilaan simula kahapon, Marso 10 na tatagal hanggang Marso 14. Ayon kay Interior Secretary…

Read More

PRESO WALA MUNANG DALAW BuCor pinaghihigpit ang mga piitan

SINUSPINDE ng Bureau of Corrections (BuCor) ang visiting privileges ng mga bilanggo sa mga kulungan nito sa buong bansa bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang suspensyon ay magsisimula ngayong umaga (Miyerkoles) at tatagal ng isang linggo at sakop ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City at lahat ng kulungan at penal farm kagaya ng Iwahig at San Ramon. Magugunitang dalawang araw na ang nakalilipas ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang public health emergency dahil sa tumataas na bilang…

Read More

Sinusuhulan ako ng P20m – GORDON

SEN RICHARD GORDON

Nagpasok ng milyones sa NAIA ayaw humarap sa Senate probe TINANGGIHAN ni Senador Richard Gordon ang P20 milyong suhol ng Rodriguez family na sinasabing kasama sa nagpapasok ng milyong dolyar sa bansa, huwag lamang silang ipatawag ng Senado sa gagawing imbestigasyon sa money laundering activities ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Sa panayam ng Senate media, sinabi ni Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na tinangka ng Rodriguez family na suhulan siya ng halagang P20 milyon, ngunit tinanggihan niya ito. “Para huwag lang umappear, magdo-donate. Una donate [ng P5…

Read More

UAAP HS boys basketball: NU KAMPEON; TAMAYO FINALS MVP

KINUMPLETO ng Nazareth School of National University ang pagwalis (2-0) sa best-of-three series matapos talunin ang Far Eastern University-Diliman, 87-80 kamakalawa ng hapon at muling tanghaling kampion sa UAAP High School Boys’ basketball tournament. Gaya ng napagkasunduan, ‘closed door’ ang finale sa Filoil Flying V Centre. Ito ay upang makaiwas sa kumakalat na COVID-19. In-extend ng NSNU ang winning run nito sa 27 games at naibulsa ang ikalimang championship (overall) sa nakalipas na siyam na taon. Hinabol ng Baby Tamaraws ang 17 points deficit, 72-79. Ngunit nakaipon ng lakas sina…

Read More

MPBL Lakan South Finals: DAVOC TATAPUSIN NG BASILAN SA GAME 2

ISANG short stab mula kay Hesed Gabo at naka-block naman si Jay Collado para iligtas ang Basilan Steel at itakbo ang 74-72 win kontra Davao Occidental Tigers, sa opener ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season South division finals sa Davao del Norte Sports Complex sa Tagum City. Kinuha ng Tigers ang abante kasunod ng tres ni June Mocon, 45 seconds sa laro, pero mabilis na ibinalik ni Gabo ang Steel sa unahan, 73-72, nang magpakawala ng floater, natatangi pero pinakamahalagang basket niya sa laro. Sa sumunod na play, sumugod si Tigers’ Billy…

Read More

CERES NEGROS, BALI UNITED GAME WALANG AUDIENCE

TULOY ang nakatakdang laban ng Philippines Football League champion Ceres Negros at Indonesian powerhouse Bali United ngayong araw sa Rizal Memorial Stadium. Ngunit maglalaro sila nang walang manonood. Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). “We regret to inform our supporters that our match against Bali United will be played in a closed stadium,” ayon sa opisyal na pahayag ng Ceres. “After careful consultation with the Philippine Football Federation and the Philippine Sports Commission, and to conform with the measures adopted…

Read More

DARREN ESPANTO AT JUAN KARLOS, BEST FRIEND NOON MAGKAAWAY NGAYON

DARREN ESPANTO-1

MAGKA-BATCH sa The Voice Kids season 1 ng ABS-CBN sina Darren Espanto at Juan Karlos (JK) Labajo. Naging mag-best friend din sila pero noong naging teenager na ang dalawa ay natapos na rin ang kanilang friendship. Umabot pa sa korte ang usapin kasi nag-file ng kaso noon ang nanay ni Darren laban kay Juan Karlos. Nag-ugat ang problema nina Darren at Juan Karlos nang diumano’y siraan ni JK si  Darren sa social media. Sa interbyu ng press kay Darren sa ginanap na Beautederm presscon noong ipinakilala siya bilang brand ambassador…

Read More

SHAINA: ‘I’M HAPPY THAT I WAS ABLE TO SUPPORT MY FRIEND, JOHN LLOYD!’

NAGKATRABAHONG muli ang dating magkasintahan na sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz sa isang bagong pelikula. Ayon sa aktres, masaya naman ang kanyang karanasan kahit na maikli lamang ang kanyang role dito. “Actually it’s not my film with John Lloyd. I’ll answer it once and for all para hindi na tayo humaba pa. It’s not my film with him, it’s his film. It’s a Ricky Lee material. It’s called ‘Servando Magdamag.’ It’s directed by Lav Diaz. Cameo lang po ako,” paglilinaw ni Shaina. Masayang-masaya ang aktres dahil nabigyan siya…

Read More