HINILING ni Senadora Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) na imbestigahan ang mga supermarket na ipinaaako sa kani-kanilang mga empleyado ang gagamitin nilang personnel protective equipment (PPEs). Ani Marcos: “Dapat imbestigahan ng DOLE at ng DTI ang ginagawang panloloko ng ilang mga supermarket sa kanilang mga empleyado. Kung mapapatunayang meron ngang ginawang paglabag, dapat lang na parusahan ang mga may-ari ng supermarket.” “Yung isang malaking supermarket, binigyan lang sila ng face mask ng isang beses at ang…
Read MoreMonth: May 2020
TEMPORARY FRANCHISE NG ABS-CBN, NAUDLOT
LALONG na-delay ang pagbibigay ng Provisional Authority (PA) sa ABS-CBN matapos bawiin ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pagpapatibay sa nasabing panukala sa ikalawang pagbasa noong Miyerkoles, Mayo 13. Sa sesyon ng Kamara nitong Lunes, nag-move si Deputy Majority Leader Wilter Palma na ibalik sa second reading ang House Bill (HB) 6732 na nagbibigay ng PA sa ABS-CBN hanggang sa Oktubre 31, 2020. Ginawa ni Palma ang nasabing mosyon na inaprubahan ni House deputy speaker at presiding speaker Raneo Abu, matapos kuwestiyonin ni Albay Rep. Edcel Lagman ang ‘constitutionality’ ng…
Read MoreDILG kinuyog sa ‘paandar’sa gitna ng pandemya MAGPOKUS SA COVID HINDI SA CHA-CHA
BINATIKOS ng mga mambabatas mula sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso ang Department of Interior and Local Government (DILG) matapos isingit ang Charter Change (Cha-Cha) sa gitna ng paglaban sa pandemyang COVID-19. Para kay House deputy minority leader Carlos Zarate, ‘wala sa hulog’ ang iniutos ng DILG sa kanilang mga regional office at suporters na ituloy ang pangangalap ng 2 milyong lagda para maamyendahan ang 1987 Constitution. “The obssession with Charter change shows another misplaced priority of the Duterte administration even if it is yet to fully address…
Read MoreHabang inoobliga ang nasa pribadong sektor GOV’T WORKERS NGANGA SA MASS TESTING
PUMIYOK ang Malakanyang na hindi sasagutin ng pamahalaan ang magiging gastos para sa mass testing sa COVID-19 ng mga empleyado ng gobyerno sa gitna ng pagluwag ng quarantine measures at pagpayag na magbalik-trabaho ang mga ito. May mga naglutangan kasing panawagan na magsagawa ng mass testing para sa mga empleyado ng pamahalaan. Taliwas naman ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na kailangan ng mga manggagawa na sumailalim sa COVID-19 test bago payagan na bumalik sa kanilang trabaho maliban na lamang kapag nagpakita ang mga ito ng…
Read MorePALIWANAG SA PAGTAAS NG BAYARIN SA KURYENTE NGAYONG MAYO
BILANG pagsunod sa ipinatupad ng pamahalaan na enhanced community quarantine (ECQ), pansamantalang ipinahinto ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagbabasa ng metro bilang pagsasaalang-alang sa kaligtasan at kalusugan ng customers at meter readers. Bunsod nito, nagkaroon nang pag-estimate ng bill ng customers para sa buwan ng Marso at Abril. Ang pag-estimate ng bill ng customer base sa average ng huling tatlong buwan na konsumo ng mga ito ay pinapayagan sa ilalim ng Distribution Services and Open Access Rules (DSOAR) na ipinalabas ng Energy Regulatory Commission (ERC). Para sa buwan…
Read MoreDOFW, TINULUGAN NA NGA BA NG SENADO?
NAGHIHIMUTOK na ang mga OFW sa tila hindi pagbibigay ng importansya ng Senado na talakayin ang panukalang batas upang maitayo ang Department of Overseas Filipino Workers (DOFW). Bagaman nauunawaan ng mga OFW na maraming importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin ng Senado, ngunit mas naniniwala sila na ang kapakanan ng milyon-milyong OFWs ay mas higit na importante kaysa sa isyu ng prangkisa ng isang pribadong kumpanyang ABS-CBN Corporation. Nagawa kasi ng Senado na magbalangkas ng panukalang batas upang pagkalooban ng provisional franchise ang ABS-CBN kahit sa pamamagitan lamang ng…
Read More2ND WAVE NG P1-K KADA PAMILYA IPAMAMAHAGI SA MAYNILA
MULING makatatanggap ng ayuda ang 607,000 pamilya sa lungsod ng Maynila dahil mula sa linggong ito, nasa 2nd wave na ang P1,000 cash na ipamamahagi mula sa City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF). Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong Sabado, Mayo 16, makaraang maaprubahan ang ordinansa para sa 2nd wave ng P1,000 para sa lahat ng mga residente ng lungsod. Mararamdaman na ng publiko, ayon sa alkalde, ang distribusyon cash assistance simula sa darating na linggo. “Ito naman po ang aasahan niyong ayuda sa darating…
Read MoreMGA STRANDED ‘DI PA RIN MAKAUUWI KAHIT MECQ NA
HINDI pa rin papayagan na makauwi sa kani-kanilang lalawigan ang mga naipit sa Metro Manila sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang May 31. Maliban na lamang kung mauuri ang mga ito bilang “authorized persons outside residence” o APOR. Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng matinding daloy ng trapiko sa pangunahing lansangan kabilang na ang EDSA, noong Sabado, May 16, unang araw ng ‘less strict MECQ.’ Sa ilalim ng MECQ, ay nananatiling walang public transport subalit ang mga private car ay pinapayagan sa…
Read MoreAUGUST 24, BALIK-ESKWELA KAHIT WALA PANG BAKUNA KONTRA COVID-19
SINANG-AYUNAN ni ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran ang desisyon ng Department of Education na buksan na ang klase sa August 24, 2020. Base na rin sa itinatadhana ng batas, ang pagbubukas ng klase ay hindi maaaring lumampas sa buwan ng Agosto, at kailangan nang bumalik muli sa pag-aaral ang mga bata. “Hindi naman kailangang face to face classes. Maaaring gumawa ng learning modules ang eskwelahan na gagawin naman ng bata sa bahay. Workbooks and online teaching can be the schools’ alternatives for physical classes,” pahayag ni Taduran. “Unless schools can…
Read More