NAGKASUNDO ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Lalamove Philippines, Incorporated at Lala App Philippines, Incorporated na magsanib-pwersa para matigil ang paggamit ng drug syndicates sa online door-to-door delivery services and applications. Lumagda ang PDEA at Lalamove sa memorandum of agreement (MOA) sa isang simpleng seremonya noong Martes, Nobyembre 24, sa PDEA National Headquarters sa Quezon City. Kabilang sa lumagda sa nasabing kasunduan sina PDEA Director General Wilkins M. Villanueva at Ms. April Dannah Majarocon, managing director ng Lalamove Philippines, Incorporated. “There are instances where accredited delivery service drivers have unknowingly…
Read MoreMonth: November 2020
2 parak kasabwat 4 SUSPEK TINUTUGIS SA HOLDAP
NASAKOTE ang isang AWOL (absent without official leave) na pulis at isang lalaking unang itinuring na saksi, habang apat pa, kabilang ang isang sinibak na pulis, ang pinaghahanap at pinatungan ng P300,000 halaga bawat ulo bilang pabuya sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek kaugnay sa pagholdap at pagpatay sa isang mensahero sa Valenzuela City. Nasa kustodiya na ng pulisya sina Edgar Matis Batchar at Cpl. Michael Bismar Castro, habang patuloy na pinaghahanap ang mga suspek na sina Rico Reyes, Narciso Cubos Santiago, ang sinibak na si Pat. Anthony Glua Cubos,…
Read MorePinainan ng bading CHINESE HINOLDAP SA HOTEL
IKINUKONSIDERA ng mga awtoridad na panagutin ang isang hotel sa Pasay City makaraang holdapin ng tatlong kalalakihan ang isang Chinese national na nag-check-in kasama ng isang bading. Ayon sa ulat, hatinggabi noong Lunes nang mag-check-in ang biktimang si Hung Pin Lo, 29-anyos, Chinese national, residente sa Solemare Park Side Tower B, Diosdado Macapagal Ave., Parañaque City, sa Room 556 ng Sogo Hotel sa Roxas Blvd., Service Road, Pasay City, kasama ang ka-date na bading na si John April Gomez, 26, ng #1942 Leveriza St., Pasay City. Ayon sa imbestigasyon ng…
Read More4 MAGKAKAMAG-ANAK NALUNOD SA BAHA
LAGUNA – Nalunod ang apat na magkakamag-anak sa isang barangay sa Biñan City sa lalawigang ito, kung saan dalawang linggo nang binabaha. Ayon sa ulat, noong Lunes ng gabi nang magkakahiwalay na natagpuan ang bangkay ng magkapatid na sina Josephine Incomio, 15, at Marycris, 13; at magtiyuhin na sina Mark Anthony Atienza, 22, at Jasmin Baguio, 6, pawang mga residente ng Dimaranan Subd. sa Brgy. De La Paz. Ayon sa report ng pulisya, inutusan umano ng kanyang nanay si Atienza na dalhan ng damit ang kanyang tatay na noon ay…
Read MoreEX-POLICE ARESTADO SA DAVAO DRUG BUST
DAVAO CITY – Arestado ng kanyang mga dating kasama sa trabaho ang isang dating pulis sa isinagawang buy-bust operation ng Sta. Ana Police Station sa Camella Communal, Buhangin, ala-una ng hapon noong Martes. Kinilala ang nadakip na dating pulis na si Badih Sajid, 49-anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar. Ayon kay P/Major Benkalin Baluan, hepe ng Sta. Ana Police, sampung taong nagserbisyo ang suspek at huling nadestino sa Mobile Force ng Davao Oriental at may ranggong police officer 3, ngunit nasibak sa serbisyo dahil nag-AWOL (absent without office…
Read MoreP240K SHABU TIKLO SA TULAK
RIZAL – Mahigit sa P240,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska mula sa isang hinihinalang drug pusher sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito. Kalaboso ang suspek na kinilalang si Amad Daud y Gogo alyas “Tami,” makaraang madakip sa buy-bust operation sa Taytay Diversion Road, Brgy. Dolores. Ayon kay PIU/PDEU P/Capt. Juan Carlo Porciuncula, nakumpiska sa suspek ang walong sachet ng umano’y shabu na tinatayang P244,000 ang halaga, drug paraphernalia at isang sedan na may plakang ZCV-512. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs…
Read MoreCLEARING OPERATIONS SA RIZAL, PATULOY
PATULOY sa pagtulong sa clearing operation sa mga bayan sa Rizal na lumubog at nasalanta ng Bagyong Ulysses ang pamunuan ng Rizal 2nd District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Nabatid na nalinis na ang mga national road at maginhawa nang nakabibiyahe ang anomang uri ng sasakyan partikular sa bayan ng San Mateo at Rodriguez, Rizal patungong NCR. Aminado ang tanggapan ni DPWH Rizal 2nd DEO District Engineer Juliana Vergara na matinding hirap ang kanilang dinanas simula sa Day 1 ng clearing operation nang manalasa ang…
Read MoreHirit ni Gadon sa pag-impluwensya sa PET LEONEN PARUSAHAN
NELSON S. BADILLA NANINIWALA si Atty. Larry Gadon na dapat parusahan si Associate Justice Marvic Leonen dahil sa pag-impluwensiya umano nito sa ibang mahistrado laban sa protestang elektoral ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Bise Presidente Maria Leonor Robredo. “Leonen, in fact, should be questioned and sanctioned for pre-empting the ponente and for influencing bias against BBM among the minds of other justices,” paliwanag ni Gadon. Ang pahayag ng abogado ay reaksyon niya sa pagbabago ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa utos ni Leonen kay Solicitor General Jose…
Read MoreISA PA SA ‘POWER RANGERS’ SA KAMARA SIBAK
ISA pang miyembro ng tinaguriang ‘power rangerd’ sa Kamara ang tinanggalan ni House Speaker Lord Allan Velasco ng committee chairmanship sa pagpapatuloy ng reorganisasyon sa Kapulungan. Kahapon, sinibak bilang chairman ng House committee on good government and public accountability si Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado at ibinigay kay DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay ang pamumuno sa nasabing komite. Si Alvarado ang isa sa tinaguriang ‘power rangers’ sa Kamara na siyang laging inaatasan ng administrasyon ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na mag-imbestiga sa iba’t ibang isyu. Kabilang na sa…
Read More