AYUDA INIHATID SA BICOL REGION

PATULOY ang pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhang pamilya ng magkakasunod na bagyo sa Catanduanes at Albay. Nitong Miyerkoles, nagtungo si Senador Francis “Tol” N. Tolentino sa mga nasabing lalawigan matapos ang pananalanta ng Super Bagyong Rolly sa Bicol region kamakailan. Namahagi ang mambabatas ng relief goods sa bayan ng San Miguel, San Andres, at Virac sa Catanduanes na kabilang sa mga lugar na pinakamatinding napinsala ng Bagyong rolly. Pinuntahan din ni Tolentino ang probinsya ng Albay, kabilang ang kanyang hometown sa Guinobatan at kadikit nitong bayan kagaya ng Linao,…

Read More

Kamara hinimok ni Rep. Nograles ANTI-VAPC BILL IPASA NA

UMAPELA si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa liderato ng Kamara na ipasa na ang House Bill 4888 o Anti-Violence Against Partners and their Children (Anti-VAPC) na magpapalawak sa parusa na itinakda sa Republic Act (RA)_ 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children (Act of 2004. Ginawa ni Nograles ang nasabing panawagan kasabay sa paggunita ng International day for the Elimination of Violence Against Women, kahapon, Nobyembre 25, lalo’t na’t tumaas aniya ang kaso ng VAWC o Violence Against Women and Their Children. “I urge my colleagues to…

Read More

Hihintaying may magreklamo laban sa corrupt solons KAMARA ‘DI KUSANG MAG-IIMBESTIGA

MALABONG magkaroon ng motu propio investigation ang mababang kapulungan ng Kongreso laban sa mga kongresista na nakikipagsabwatan sa mga kontraktor upang pagkakitaan ang proyekto ng gobyerno sa kanilang distrito. “Somebody has to file a case,” ani House minority leader Joseph Estephen Paduano sa press conference ng minority bloc kahapon kaugnay ng mga alegasyong may ilang kongresista na nasa listahan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa katiwalian sa mga proyekto. Ipinaliwanag ni Paduano na kung aasa sa House ethics committee na kusang maglunsad ng imbestigasyon ay kailangan muna aniya…

Read More

ROBREDO ‘UMATRAS’ KAY DIGONG

MISTULANG pagsuko kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na handa siyang isantabi ang kanilang mga pagkakaiba at makipagtulungan para sa bayan. Gayunman, para kay Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan manggaling ang inisyatibo kay Robredo kung nais talaga nitong isantabi ang kanilang pagkakaiba ng Pangulo. Reaksyon ito ni Sec. Roque sa gitna ng naunang pahayag ni Robredo na para sa kapakanan ng taumbayan ay mas maiging maisantabi muna ang kani-kanilang pagkakaiba ng pangulo. Ani Sec. Roque, na kay Robredo naman ang susi para sa ginugusto…

Read More

PRICE RANGE SA COVID-19 TESTING ITINAKDA

NILAGDAAN na ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH) ang “joint order” para sa price range ng COVID-19 testing. Sa online press briefing, inihayag ng DTI at DOH na ang presyo ng COVID-19 testing sa public laboratories ay hindi dapat tataas ng P3,800 kada test habang nasa P4,500 hanggang P5,000 naman para sa pribadong laboratoryo. Ang price cap ay itinakda ng DOH at DTI kasama ang  iba pang ahensya ng pamahalaan batay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kasunod ito ng mga reklamo na may…

Read More

Banat ni Lacson NPA KINUKUNSINTE NG MAKABAYAN BLOC

KINUWESTYON ni Senador Panfilo Lacson ang kabalintunaan ng Makabayan Bloc kung bakit patuloy umanong kinukunsinte nito ang New People’s Army (NPA) na gustong pabagsakin ang gobyerno nagpapasuweldo sa kanila. “Senate red-tagging inquiry: Will somebody help explain the logic of some members of Congress publicly condoning the New People’s Army that has been waging a protracted armed guerrilla warfare against the same government that employs them?” ayon kay Lacson sa kanyang post sa Twitter. “I would have expected a ‘sympathy for their cause but not their methods’ response from the Makabayan…

Read More

Peasant group ‘di kuntento HOUSE PROBE SA MASSIVE FLOODING, MALAMYA

WALANG tapang para sa peasant group na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang ginagawang imbestigasyon ng House of Representatives kaugnay sa naging pinsala ng Bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabela. Duda rin silang sa tinatakbo ng imbestigasyon ay walang mapananagot ang Kamara dahil nakatuon lamang ito sa ginawang pagpapakawala ng tubig ng mga dam at walang pag-iimbestiga sa illegal mining at illegal logging. Ang pahayag ay reaksyon ng grupo sa naging pahayag umano ni House Speaker Lord Allan Velasco na climate change at ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam…

Read More

COVID VACCINE TARGET SA 1ST QUARTER NG 2021

SINIGURO ng Malakanyang na kalkukado nila ang sitwasyon kasunod ng pagpapahintulot sa mga Pinoy health professional na makalabas na ng bansa para makapagtrabaho. Sinabi ni  Presidential spokesperson Harry Roque, tinimbang ng pamahalaan ang sitwasyon at tiningnan din ang development sa COVID-19. Maliban aniya sa bumabagal ang pagdami ng kaso ng corona virus sa bansa ay umaasa ang gobyernong mayruon nang anti-covid vaccine sa first o second quarter ng susunod na taon. Samantala, inalam din naman aniya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque kung mananatiling sapat ang…

Read More

Covid cases lulobo ngayong Kapaskuhan DOH NAGHAHANDA NG CONTINGENCY PLAN

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko ukol sa inihahandang contingency plan ng Department of Health ngayong holiday season dahil na rin sa posibilidad ng paglobo pa ng kaso ng COVID-19. Sinabi ni  Presidential spokesperson Harry Roque, mas mabuti nang maging maagap lalo’t ang panahon ng Kapaskuhan ay isang masayang okasyon sa Pilipinas kung saan marami ang pagtitipon, pagkikita-kita at reunions ng mga miyembro ng pamilya at mahal sa buhay. Ani Sec. Roque, ang mga aktibidad na nasa kategoryang high- risk ay ang pisikal na pagdalo sa indoor religious activities na maraming…

Read More