CONTRACTORS DAPAT MANAGOT SA AKSIDENTE SA SKYWAY

MALINAW sa mga nakita nating video na may kapabayaan ang mga contractors sa aksidenteng naganap sa Skyway Project sa Muntinlupa City. Ikinamatay ito ng isang motorcycle rider at ikinasugat ng 8 na iba pa matapos na bumagsak ang isang biga na bakal sa siyam na sasakyan habang binabagtas ang kalye na kinaroroonan ng nasabing proyekto. Ang nangyari ay natabig ng crane ng sub-contractor ng EEI Corporation ang malaking bakal na nakabitin sa mismong ­construction site kung kaya ng masapol ito ay mabilis na bumagsak sa mga ­sasakyang dumadaan sa lugar.…

Read More

PALPAK NA KALIHIM NG DSWD SI HENERAL BAUTISTA

MARAMING reklamo laban sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong uumpisan pa lamang ang implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan dahil hindi patas ang pagkuha ng mga empleyado nito sa mga pangalan ng mga pinakamahihirap na pamilya sa lahat ng panig ng bansa. Nagpatuloy ang kapalpakan ng DSWD hanggang sa mismong pamamahagi ng ayudang pinansiyal sa mga benepisyaryo ng SAP dahil ang dapat na naipamigay noong Abril at Mayo ay umabot pa hanggang Agosto. Pero, nadiskubre ng ilang Senador na mayroong natirang P10 milyon sa pondo…

Read More

PROTEKSYON SA ONLINE SHOPPERS AT DELIVERY BOYS, APRUB NA

INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga online shopper at maging sa delivery boys. Sa botong 232 pabor at 6 ang kumontra, lumusot ang House Bill (HB) 7805 o Internet Transaction Act na inakda ni Valenzuela Rep. Wes Gatchalian, chairman ng House committee on trade and industry. Sa ilalim ng nasabing panukala, bubuo ng Electronic Commerce Bureau (Ecommerce) na siyang magpapatupad ng batas para proteksyunan ang mga online shopper. Maging ang mga ride hailing provider o ang…

Read More

DATING SUNDALO ARESTADO SA PAGPATAY SA ABOGADO

CAMP VICENTE LIM, Calamba City – Naaresto ng pulisya nitong Martes ng umaga ang isa sa mga suspek sa pananambang at pagpatay sa abogado sa lalawigan ng Palawan. Kinilala ni Palawan Provincial Director Col. Nolasco Torre III ang suspek na si Jazer Rey Del Rosario, 38-anyos, dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at siya umanong driver ng motorsiklo na umambush sa biktimang si Atty. Eric Magcamit. Ayon sa report, natunton si Del Rosario ng binuong Special Investigation Task Force “Magcamit” nitong Linggo ng gabi sa Brgy. Alfonso…

Read More

BENEPISYO NG PGH FRONTLINERS IBIGAY – SOLON

“BARYA na nga lang ang hinihingi, hindi pa masuklian ang sakripisyo ng PGH”. Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto kasabay ng panawagan sa Department of Budget and Management (DBM) na ibigay ang nararapat na benepisyo sa mga doktor at empleyado ng Philippine General Hospital (PGH) na takbuhan ng maraming mahihirap. “PGH is a showcase of excellence. But if its personnel will be forced to beg for what is theirs, it will be seen as an example of the national government’s neglect of our pandemic frontliners,” ani…

Read More

2021 BUDGET, PINATITIYAK NA PARA SA PAGBANGON NG EKONOMIYA

PINATITIYAK ni Senador Panfilo Lacson na nakatutok ang 2021 budget sa pagbangon ng mga sektor ng kalusugan at ekonomiya bunga ng pagkalugmok na inabot ng mga ito sa mahabang panahon ng pananalasa sa bansa ng nabanggit na pandemya. “First things first. We should first address the pandemic and its effects: Health issues, development, recovery of the economy. Those are what we need to address in the 2021 budget,” saad ni Lacson. “I want the budget to be responsive to the sign of the times. I want it to be responsive…

Read More

Higit P217-B napunta sa DSWD P486-B PONDO SA COVID INILABAS NG DBM

UMABOT sa P486.07 bilyon na ang inilabas na pera ng administrasyong Duterte para sa coronavirus disease (COVID-19). Batay ito sa rekord ng Department of Budget and Management (DBM) hanggang nitong Nobyembre 20. Binigyan ng DBM ng P217.41 bilyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang pinamalaki sa lahat ng kagawaran. Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DSWD na siyang mamahagi ng bilyon-bilyong pondong inilaan ng Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) sa Social Amelioration Program (SAP). DSWD din ang inatasang mamahagi ng ayuda na…

Read More

Sinisi sa malawakang pagbaha WATER MANAGEMENT PALPAK – SOLONS

SINISISI ng mga senador ang kawalan nang maayos na water management and administration sa bansa, bilang dahilan ng patuloy na nangyayaring mga kalamidad na ang taumbayan ang higit na naaapektuhan. Nagkakaisa sina Senador Imee Marcos, Senador Grace Poe at Senador Ramon Bong Revilla na panahon nang magkaroon ng solusyon ang pagbaha na matagal nang suliranin ng bansa. Ayon kay Marcos, naghain siya ng Senate Resolution No. 573 na nag-aatas sa Senate Committee on Public Works na magsagawa ng pagsisiyasat sa man-made disaster nang nanalasa ang Typhoon Ulysses na nagpabaha sa…

Read More

NAVOTAS INMATES ISINALANG SA X-RAY, COVID TEST

TINATAYANG 200 bilanggo sa Navotas City ang isinailalim sa x-ray at swab testing para sa COVID-19 noong Martes. Ani Mayor Toby Tiangco, hiniling ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Navotas ang tulong ng pamahalaang lungsod para maisailalim sa chest x-ray ang mga preso bago sila ilipat sa BJMP quarantine facility sa Bicutan, Taguig. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas City Police ang mga preso. “BJMP required that detainees be x-rayed and sent to the Bicutan facility for a 28-day quarantine. Afterwards, they will be brought to the Navotas City Jail.…

Read More