MARIIN nating kinokondena ang sunod-sunod na patayan kamakailan na kinasasangkutan ng mga abugado, hukom, at iba pang mga kawani ng propesyon ng batas na nangyari sa magkakaibang lugar ng ating bansa. Ang abogadong si Joey Luis Wee ay binaril sa kasikatan ng araw habang naglalakad papunta sa kanyang tanggapan sa Cebu noong Lunes, Nobyembre 23. Siya ang ika-53 miyembro ng law profession na pinatay mula pa noong 2016. Kinokondena ko hanggang sa pinakasukdulang antas itong pinakabago sa kawing-kawing na serye ng pagpatay sa mga miyembro ng law profession. Tama na…
Read MoreMonth: November 2020
PAGSAPI NG ANAK SA NPA INAMIN NI CULLAMAT
INAMIN ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemina Cullamat na anak niya si Jevilyn, isa sa mga napatay ng militar sa isang engkuwentro sa Marihatag, Surigao del Sur. “Walang kapantay ang aking dalamhati sa pagpatay ng militar sa aking anak na si Jevilyn. Dumagdag ang dugo ng aking anak sa libong kalumaran na nagpatak ng dugo sa lupa para sa kalayaan at laban sa historikong pang-aapi sa aming hanay,” ani Cullamat. Gayunpaman, sariling desisyon umano ni Jevilyn ang pagsapi sa New People’s Army (NPA) kung saan nagsisilbi itong medic ng armadong…
Read MoreCOVID VACCINE TINIYAK NA HINDI MAHAHALUAN NG PULITIKA
TINIYAK ni vaccine czar at NTF chief implementer Sec. Carlito GaLvez na hindi magagamit sa darating na 2022 elections ang gagawing pagbabakuna ng pamahalaan kontra COVID-19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Sec. Galvez, na ito ang dahilan kung bakit nagtalaga si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga opisyal na walang halong pamumulitika ang pagbibigay serbisyo sa bayan lalo na ngayong panahon ng pandemiya. Aniya, walang ibang gusto ang Chief Executive kundi ang makatulong sa kapwa at tuluyang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 infection sa bansa.…
Read MoreFull disclosure hirit ng QC CESU PAGLOBO NG COVID CASES SA KONGRESO BINABANTAYAN
KINALAMPAG ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit ng Quezon City (QC-CESU) ang pamunuan ng House of Representatives na isumite sa kanila ang kumpletong listahan ng covid cases nito. Kaugnay ito ng isinasagawang pagsisiyasat ng QC-CESU kasunod ng pagtatala ng mahigit 40 kaso ng COVID-19 sa Kamara. Ayon sa QC-CESU, hindi dapat naaantala ang pagsusumite ng ulat ng Kamara dahil malinaw sa batas na walang exempted at dapat agaran ang pagsusumite ng mga kaso ng covid. Ayon kay Quezon City-CESU Director Dr. Rolly Cruz, ang mahigit 40 cases na kanilang…
Read MoreBIYAHE NG FOREIGN SPOUSES PABALIK NG PILIPINAS PAPAYAGAN NA
INANUNSYO ng Malakanyang na simula Disyembre 7 ay papayagan na ng pamahalaan ang foreign spouses ng mga Pilipino at kanilang mga anak na kasama nilang bibiyahe papasok ng bansa. Gayundin, ang mga dating Filipino citizens, kabilang na ang kanilang asawa at mga anak ay papayagan na rin makapasok sa bansa. Tinukoy ni presidential spokesperson Harry Roque, ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). “In both cases, the children will be allowed to enter the Philippines regardless of age,” ayon kay Sec. Roque. Iyon…
Read MoreMETRO MAYORS MAG-IISYU NG EO SA CAROLING BAN
NAGKASUNDO na ang Metro mayors na pansamantalang ipagbawal ang nakaugaliang pagsasagawa ng caroling upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez, ang lahat ng alkalde sa Metro Manila ay nagkaisa na maglabas ng isang executive order na tumutugma rin sa naunang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) tungkol sa pag-ban ng pangangaroling na kalimitang sinisimulan ng Disyembre 16 ng gabi hanggang Disyembre 23. “Naglabas na kami ng executive order na walang physical caroling na…
Read MorePaalala ng DOH matapos makasalamuha si Lapeña SOLONS DAPAT PA RING MAG-SELF QUARANTINE
KAILANGAN pa ring sumailalim sa self quarantine ang sinomang may nakasalamuhang positibo sa COVID-19 kahit pa nagnegatibo sila sa covid test. Nakasaad ito sa ilalim ng Department of Health Guidelines. Ayon kay Dr. Beverly Ho, director ng Health Promotion and Communication Service, sa oras na makumpleto ang quarantine kahit pa man asymptomatic at negatibo sa covid test ay saka pa lamang dapat bumalik sa normal activities ang indibidwal na may exposure sa isang COVID-19 positive. Malinaw rin sa direktiba ng World Health Organization (WHO) ang kahalagahan ng quarantine sa mga…
Read MoreKapag nasangkot sa game fixing P5-M MULTA O KULONG SA ATLETA
UMUSAD na ang panukalang batas na magpapataw ng mas malaking multa o kulong na hanggang anim na taon laban sa mga atleta na masasangkot sa game fixing o sadyang ipinatatalo ang laban dahil sa pustahan. Ito ay matapos simulang talakayin sa House Committee on Youth and Sports, na pinamumunuan ni Manila Rep. Yul Servo Nieto, ang dalawang panukalang batas para amyendahan ang Presidential Decree No. 483 laban sa mga game fixer. Ayon kay Servo, hindi na naaayon sa panahong ito ang nasabing batas na inakda pa noong 1974, na nagpapataw…
Read More3 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA NAVOTAS AT VALENZUELA
BINAWIAN ng buhay ang dalawa sa anim na bagong kaso ng COVID-19 sa Navotas City noong Nobyembre 28, habang lima naman ang gumaling. Dahil dito, umakyat na sa 159 ang COVID casualties ng lungsod. Sumipa na sa 5,290 ang tinamaan ng COVID sa Navotas at sa bilang na ito ay 5,066 na ang gumaling at umalagwa muli sa 65 ang active cases. Sa Valenzuela City naman ay nadagdagan ng isa ang COVID casualties na 249 na ang bilang nitong Nobyembre 28 mula sa 248, dalawang araw ang nakalilipas. Sumampa na…
Read More