ISANG babaeng kasapi ng komunistang New People’s Army (NPA) na umano’y anak ng isang Makabayan Bloc congresswoman, ang napatay sa nangyaring 45-minutong sagupaan na nagresulta sa pagkakasamsam sa limang high-powered firearms ng mga elemento ng Philippine Army 3rd Special Forces “Arrowhead” Battalion (3SFBn), sa Barangay San Isidro, bayan ng Marihatag, sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Sa isinagawang clearing operation, na-recover ang tatlong AK-47 rifles, isang M14 rifle, at isang M653 5.56 caliber rifle, at limang backpacks na naglalaman ng war materials at subversive documents.
Kinilala ni Lieutenant Colonel Joey B. Baybayan, INF GSC PA, 3SFBn Commanding Officer, ang napaslang na miyembro umano ng NPA terrorist group, na si Jevilyn Campos Cullamat alyas “Ka Reb,” 22-anyos, pinakabatang anak na babae ni Bayan Muna Representative Eufemia Campos Cullamat.
Si Jevilyn, na positibong kinilala ng siyam na dating NPA rebels, ay nagsisilbing medical officer ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) Platoon ng Guerilla Front 19, Northeastern Regional Committee (NEMRC).
Agad dinala ang bangkay ni Jevilyn para makuha ng kanyang mga kapamilya at mabigyan ng marangal na libing.
Nakahanda ang Philippine Army na magkaloob ng security and transportation assistance sa pamilya Cullamat kasabay ng pakikipag-ugnayan sa pinakamalapit na punerarya para sa maayos na pangangalaga sa bangkay.
Ayon kay Col. Baybayan, ang pagpaslang ng CPP-NPA kay yumaong Lianga Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR), Datu Jumar S. Bucales nitong nakalipas na buwan, ay nagpagalit sa tribal communities sa buong Surigao Del Sur at sumumpang tutulong sila sa military sa pagtunton sa communist NPA terrorists (CNTs).
“We will never stop the fight against these NPA terrorists until none of them roams in our ancestral lands. They have destroyed our culture and tradition and caused divisiveness and corrupted our tribe,” pahayag ni Alexander Bucales, kapatid ng pinaslang na si Datu Jumar Bucales, at newly-installed and clan-elected IPMR of Lianga.
“Two months earlier, the CNTs conducted tactical offensives to instill fear among civilians. The series of attacks to civilian soft targets and destruction of civilian properties only indicate that they are desperate and on the losing end while the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) is gaining ground deep within the heart of conflict-affected IP communities in Andap Valley.” dagdag pa ng opisyal. (JESSE KABEL)
336 