90’s JUKEBOX KING PUMANAW NA

MAGKASUNOD na inanunsyo ng kapatid at anak ng ’90s Jukebox King na si April Boy Regino ang kanyang pagpanaw, araw ng Linggo.

Sa kani-kanilang social media account, inihayag nina Vingo at JC Regino na sumakabilang buhay na ang 51-anyos na itinuturing na alamat ng Original Pilipino Music (OPM).

Pinasikat ni April Boy o Dennis Regino Magdaraog sa totoong buhay, ang mga kantang “‘Di ko kayang tanggapin,” “Umiiyak ang Puso,” “Paano ang puso ko,” at marami pang iba na tumatak sa publiko noong dekada 90.

Noong 2009 ay na-diagnose si April Boy na mayroong prostate cancer at nagkaroon din ng diabetes na nakaapekto sa kanyang paningin.

Nagawa pa ring makabalik sa larangan ng musika si April Boy matapos sumailalim sa serye ng gamutan ngunit kalaunan ay nawalang muli kasabay ng mga balitang patuloy nitong pakikibaka sa mga nasabing sakit.

Kaugnay nito, bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ng singer mula sa mga kasamahan nito sa showbiz at larangan ng musika gaya ni Gary Valenciano. (JULIET PACOT)

324

Related posts

Leave a Comment