TIBAY AT PAGTUTULUNGAN NG PILIPINO SA PANAHON NG KALAMIDAD

KASABAY ng patuloy na ­pagharap sa mga pagsubok na dala ng pandemyang COVID-19 sa bansa ay ang pagdating ng pagsubok dala ng sunud-sunod na bagyong pumasok sa Pilipinas. Tatlong bagyo agad ang pumasok sa bansa sa loob lamang ng dalawang linggo. Ang isa pa sa tatlo ay ang bagyong Rolly na siyang natukoy bilang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo para sa taong 2020. Umabot sa 20 ang bilang ng mga nasawi at 26 naman ang naitalang sugatan sa pananalanta ng bagyong Rolly. Nasa 100,000 na pamilya at 368,000 katao…

Read More

PAGTATAYO NG PERMANENT EVACUATION CENTERS NAPAPANAHON NA

HINIHIKAYAT natin ang ­gobyerno na maglaan ng pondo para sa pagpapatayo ng mga permanente at ­disaster-resilient na evacuation centers. Dahil sa panahon ngayon na nagtatalo para sa espasyo ang ­quarantine facilities at evacuation centers, ang ­pinakamalinaw na solusyon ay ang pagpapatayo ng permanenteng evacuation centers. Alam naman natin na ang bansa ay kadalasang nakakaranas ng malalakas na mga bagyo, kaya ang pagkakaroon ng permanenteng evacuation centers kaysa sa mga make-shift ang dapat na pangunahing prayoridad. Dapat nating harapin ang reyalidad na hindi bababa sa isang beses sa isang taon, nahaharap…

Read More

Annulment of elections hindi failure of elections ang hirit ni Marcos ROBREDO, LP NILILINLANG ANG TAUMBAYAN

NELSON S. BADILLA TAHASANG binatikos ng kampo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos II si Bise Presidente Maria Leonor Robredo dahil sa mali-maling pahayag nito hinggil sa ‘papel’ ng Office of the Solicitor General (OSG) sa protestang elektoral laban sa kanyang umano’y malawakang pandaraya noong halalang 2016. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abogado at tagapagsalita ni Marcos, “annulment of elections at hindi failure of elections ang hiniling ni Marcos” laban kay Robredo sa Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal (PET). “BBM never asked for a declaration of failure of elections…

Read More

DDR HINDI SAPAT LABAN SA KALAMIDAD

ANG kahinaan ng bansa sa mga sakuna ay mas nangangailangan ng agarang kasagutan gamit ang logical answers at hindi ang pagbuo ng bagong ahensya. Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto kung saan ang paglikha ng Department of Disaster Resiliency (DDR) ay hindi sapat para masolusyunan ang suliranin dala ng kalamidad. “There are many gaps in our calamity response and disaster resiliency. But the greatest gap is not the absence of some central agency, but in deployable logistics to respond to calamities,” ani Recto. Sinabi pa ni…

Read More

PONDO HIRIT NI REP. NOGRALES Para sa pagtatayo ng permanent evacuation centers

IGINIIT ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa national government na pondohan na ang pagtatayo ng mga permanenteng evacuation centers sa bansa na magagamit hindi lamang sa panahon ng kalamidad kundi sa oras ng pandemya. “Sa panahon ngayon na nagtatalo para sa espasyo ang quarantine facilities at evacuation centers, ang pinakamalinaw na solusyon ay ang pagpapatayo ng permanenteng evacuation centers,” ayon sa mambabatas. Ginawa ng mambabatas ang panawagan matapos makaranas muli ng malakas na bagyo ang bansa at muling napansin ang kahalagahan ng permanente at matatag na evacuation centers.…

Read More

Pagdepensa sa mga komunistang grupo, kinuwestyon HONTIVEROS PROTEKTOR NG CPP/NPA/NDFP?

NELSON S. BADILLA MISTULANG kinampihan ni Senadora Risa Hontiveros ang mga kongresista at makakaliwang organisasyong inuugnay sa Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front of the Philippines (CPP/NPA/NDFP) makaraang banatan niya ang ginawa umanong “red-tagging” ni Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. laban sa tatlong kababaihan. Sa kanyang panimulang pahayag sa pagdinig ng Senado tungkol sa red-tagging, idiniin ni Hontiveros na “Nagpapakita ng kamulatan, critical thinking at pakikipag-kapwa tao sina Liza Soberano, Catriona Gray at Angel Locsin, ano ang sinusukli sa kanila? Red-tagging at mayroon pang kasamang death threat.…

Read More

Banta sa pagkamit ng katarungan – Marcos LEONEN IGNORANTE SA BATAS

NAKATAKDANG maghain si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng mosyon na humihiling ng pag-inhibit ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen bunsod ng ipinakikita nitong matinding pagkaignorante sa batas, na maaaring maglagay sa alanganin sa kanyang protesta at nakaambang maging banta sa pagkamit ng katarungan. Ayon sa unimpeachable source, ang desisyon ni Marcos ay bunsod ng pagsang-ayon ng Solicitor General at Commission on Elections (Comelec) sa Presidential Electoral Tribunal (PET) “that it is crystal clear the Tribunal is empowered to declare annulment of elections without special elections”. Ito ay…

Read More

LONG-DISTANCE MOUNTAIN TUNNEL ITATAYO SA DAVAO CITY

DAVAO CITY – Uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggawa ng pinakaunang long-distance mountain tunnel sa buong bansa. Ang proyekto ay may layong 2.3 kilometers na unang gagawin sa unang bahagi ng 10.7-kilometer segment sa Davao City Bypass Road Project. Sa impormasyong ipinalabas ng Japan International Cooperation Agency (JICA), napag-alaman na nilagdaan na ang kontrata sa pagitan ng DPWH at joint venture ng Shimizu Corporation, Ulticon Builders, Inc., at Takenaka Civil Engineering & Construction Co. Ltd. Inilarawan na ang proyekto ay kumokonekta sa Sirawan, Davao…

Read More

CONVICTED RAPIST NA KFR MEMBER, NAPATAY RIN NG PNP-AKG

NAGWAKAS sa kamatayan ang siyam na taong pagtatago ng isang convicted rapist na miyembro ng kidnap for ransom group, nang mauwi sa enkuwentro ang isinagawang law enforcement operation ng mga tauhan ni PNP-Anti kidnapping Group Director P/BGen. Jonnel C. Estomo noong Sabado ng gabi sa Calamba, Laguna. Ayon kay P/Maj. Ronaldo Lumactod, PNP-AKG spokesman, bandang alas-6:55 ng hapon noong Sabado, armado ng warrant of arrest, sinalakay ng AKG-IRAD, sa pamumuno ni P/Col. Cutiyog, ang pinangtataguan ng suspek na kinilalang si Arminio Elpidama Flores, sa Morning Field Subd., Goodwill Drive, Brgy.…

Read More