PAMPANGA – Tinatayang P9 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa magkahiwalay na drug entrapment operation sa bayan ng Porac at lungsod ng Angeles sa lalawigang ito, noong Huwebes. Unang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit-Pampanga PPO, Provincial Intelligence Unit- Pampanga PPO at Porac Special Drug Enforcement Unit ang isang hinihinalang drug pusher at nakuha sa pag-iingat nito ang 1.25 kilo ng shabu na P7.1 milyon ang halaga sa buy bust opration sa Barangay Sta. Cruz, Porac, Pampanga noong Huwebes ng gabi. Sa…
Read MoreMonth: November 2020
FOREIGN PILOT PATAY SA BUMAGSAK NA SPORTS AIRCRAFT
CEBU – Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang posibleng naging sanhi nang pagbagsak ng isang gyrocopter na ikinasawi ng isang foreign pilot na nagpapalipad nito sa Barangay Jampang sa bayan ng Argao sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Ferris Kauley, isang foreign national, na idineklarang dead on arrival sa pagamutan. Unang iniulat na nasagip umano ng team mula sa Disaster Risk Reduction and Management Office, ang pilotong nagpapalipad ng sport aircraft at mabilis na itinakbo sa pagamutan ngunit namatay rin. Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Argao Municipal Police…
Read MoreHUWAG PURO REACTIONARY
KAILANGANG maging pro-active ang mga ahensya ng gobyerno para makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang pagkain ngayong bilyon-bilyong panananim at livestock ang sinira ng bagyong Quinta at Rolly sa Bicol, Mimaropa at Visayas region. Ang mga negosyante lalo na ang mga middlemen laging advance mag-isip. Laging pinagkakakitaan ang mga kalamidad at sakuna. Kaya dapat unahan sila ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA). Lalo pang tataas ang inflation rate ngayong Nobyembre kung hindi agad kikilos…
Read MoreKASUHAN, TANGGALIN ANG MGA KORAP AT MANDARAMBONG!
NITONG Huwebes (Nobyembre 5), nagpakawala na naman si Pangulong Rodrigo Duterte ng pahayag laban sa mga korap at mandarambong sa pamahalaan. Ang sabi ni Duterte: “Magbitiw kayo!” Napakahina ng panawagang ito dahil hindi magbibitiw ang mga korap at mandarambong. Ang mga opisyal nga ng mga ahensiyang nabisto, natumbok at napatunayang linabag ang mga batas sa mga paglulunsad ng kani-kanilang proyekto, sa pagpapasubasta at paggawad ng mga proyekto sa mga pribadong kumpanya, o kontratista, ay hindi nagbibitiw. Kahit milyun-milyon hanggang bilyun-bilyon ang pera ng pamahalaan ang isyu ang nabanggit ay hindi…
Read MoreMga kontrobersyal na proyekto ‘ipahuhukay’ ni Duterte KORAPSYON SA NOYNOY ADMIN KAKALKALIN
TINITINGNAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa mga corruption scandal sa nakalipas na administrasyon na tumutugis sa pamahalaan kabilang na ang “infamous toilet project”. Sa public address ng pangulo, Huwebes ng gabi ay sinabi nito na ang maanomalyang proyektong ito at iba pang kuwestiyonableng programa ay maaaring maging bahagi ng kanyang pinakabagong kampanya laban sa korapsyon. Tinukoy ng Punong Ehekutibo ang lumang isyu ng restrooms o banyo na itinayo sa Philippine National Railways (PNR) España station na inilagay nang walang dividers “for privacy.” Ang proyekto…
Read MoreCASHLESS TOLL SYSTEM PINAREREPASO NG SOLON
HINILING ni Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na muling pag-aralan ang buong proseso ng cashless payment system sa toll road upang maiwasan ang pagkakamali sa kalkulasyon na madadaya ang motorista. “Hindi dapat magdusa pa ang motorista sa kanilang pagtupad sa regulasyon ng pamahalaan na gumamit ng cashless toll system,” ayon kay Poe, chairperson ng Senate committee on public services. Ginawang mandatory ng Department Order No. 2020-012 ng DOTr ang contactless transactions sa mga expressway. “Kailangan masuri ng gobyerno ang buong sistema at tignan ang pagbabayad sa dulo…
Read More200 BARANGAY OFFICIALS SINUSPINDE, KINASUHAN SA SAP
MAHIGIT 200 barangay chairpersons na sinasabing sangkot sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) aid nuong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ang kinasuhan o nasuspinde, ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año. Ayon kay Año, umaabot sa 183 barangay chairman ang nahaharap ngayon sa kaso habang may 89 ang kanilang pinatawan ng suspension. Nabatid sa kalihim na Office of the Ombudsman ang maglalabas ng preventive suspension orders laban sa mga barangay chairman dahil sa nakitang probable cause sa umano’y malversation, corruption, estafa, at graft. Ang Department of Interior…
Read MoreRFID SITES PINADARAGDAGAN
HINIKAYAT ng Department of Transportation ang lahat ng toll operators na dagdagan ang RFID sites kung saan maaring makabili o magpakabit ng mga sticker ang mga sasakyan para hindi mahaba ang mga pila. Sa December 1 na kasi magsisimula ang tinatawag na cashless payments. “The solution is not to defer the cashless program, but for toll operators to increase the number of installation booths and manpower along strategic places,” sinabi ng ahensya. Iniurong ng DOTr ang cashless system sa mga expressway para mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga motorista…
Read MoreCAROLING BAN MUNGKAHI SA IATF
SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na pag-uusapan ng COVID-19 task force sa future meetings nito ang panukala na ipagbawal muna ang pangangaroling sa kalsada ngayong Pasko sa pangambang maaari itong magdulot ng pagkalat ng COVID-19. “Hindi pa po iyan napagpulungan at napag-usapan sa IATF. Pero I am sure po maa-agenda iyan sa mga susunod na meeting ng IATF,” ayon kay Sec. Roque. Nauna rito, iminungkahi ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ipagbawal muna ang pangangaroling ngayong Pasko…
Read More