ONLINE SELLER, 1 PA TIKLO SA DROGA

KALABOSO ang mag-amigang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang online seller, nang matiklo sa buy-bust operation sa Valenzuela City. Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na sina Princess Armie Sciano, 35, online seller, ng #29-A Panghulo Tatawid, Malabon City, at Wilma Alvarez, 38, ng #25 M. Irrutia St., Arkong Bato, Valenzuela City. Ayon sa ulat, alas-10:00 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa mag-amiga sa F. Valenzuela St., Arkong Bato kung saan isang…

Read More

BEBOT TIMBOG SA P.3-M SHABU

ARESTADO sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Galas Police Station (PS 11) ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babae habang nasagip ang isang menor de edad sa buy-bust operation sa Pasay City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Ronnie S. Montejo ang suspek na si Charmian Untalan, 42-anyos, Ayon sa ulat, itinimbre ng isang confidential informant sa PS-11 ang illegal drug peddling activities ng suspek kaya’t naglatag ng buy-bust operation ang mga awtoridad dakong alas-8:15 ng gabi noong Nobyembre…

Read More

NIGERIAN NALAMBAT SA P6.5-M SHABU

NALAGLAG sa buy-bust operation ng mga awtoridad ang isang Nigerian national matapos mahulihan ng tinatayang P6.5 milyong halaga ng shabu sa Las Piñas City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang 46-anyos na Nigerian suspect na si Kingsley Iwumune, nakatira sa Las Piñas City. Ayon sa ulat ng pulisya, wala pang isang linggo nilang binantayan ang suspek sa mga aktibidad at transaksyon nito makaraang mabatid na miyembro ito ng isang Nigerian drug syndicate. Nakipagkasundo ang Nigerian na makipagkita sa Gatchalian Avenue sa Las Piñas…

Read More

TRIKE DRIVER PINUNTIRYA SA ULO, DEDO

PATAY ang isang 43-anyos na trike driver makaraang barilin sa ulo sa Tondo, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Roland Abelido y Lapid habang natimbog naman sa follow-up operation ang umano’y nagsilbing look-out sa insidente na si Jericho Cerdena y Baguinan, 24-anyos. Samantala, patuloy naman ang isinasagawang pagtugis sa gunman na si alyas “Kiko Monyo”. Batay sa ulat ni Det. Charles John Duran ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-12:31 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Dandan at San Sebastian streets…

Read More

5 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN

LIMA pa ang nadagdag sa COVID casualties sa Caloocan City noong Nobyembre 5 kaya umabot na sa 314 ang bilang ng mga namatay sa pandemya sa lungsod. Lumobo rin mula 11,564 noong nakalipas na araw patungong 11,619 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID sa siyudad, habang 11,075 na ang gumaling mula sa dating 10,990. Samantala, isa naman ang namatay sa Navotas City dahil sa pandemya sa nasabi ring petsa at 149 na ang pandemic fatalities ng lungsod. Tatlo naman ang gumaling at dalawa ang nadagdag sa active cases na…

Read More

PNP pinuri ng Taguig LGU sa pag-aresto sa miyembro ng ‘Tinga Drug syndicate’ P20-M ILEGAL NA DROGA NASABAT

PINAPURIHAN ng Taguig City government ngayong Biyernes ang Taguig PNP matapos ang matagumpay na pag-aresto sa miyembro ng tinaguriang Tinga Drug syndicate sa isang buy-bust operation kung saan nasamsam ang mahigit P20 milyong halaga ng shabu. Bukod sa kilalang miyembro ng sindikato, nahuli rin ang ibang kasabwat sa pagtutulak ng droga sa isinagawang police operation nitong Miyerkoles sa Mariano St., Barangay Ususan, bandang alas-5:30 ng hapon. Sa isang police report, naaresto sa naturang operasyon si Patrick Ace Tinga, 24; at siyam na mga kasahaman nitong sina Jovy Cruz, 30; Elmer…

Read More

Cashless toll system pinarerepaso ng solon PANDARAYA SA MOTORISTA, IWASAN

HINILING ni Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na muling pag-aralan ang buong proseso ng cashless payment system sa toll road upang maiwasan ang pagkakamali sa kalkulasyon na madadaya ang motorista. “Hindi dapat magdusa pa ang motorista sa kanilang pagtupad sa regulasyon ng pamahalaan na gumamit ng cashless toll system,” ayon kay Poe, chairperson ng Senate committee on public services. Ginawang mandatory ng Department Order No. 2020-012 ng DOTr ang contactless transactions sa mga expressway. “Kailangan masuri ng gobyerno ang buong sistema at tignan ang pagbabayad sa dulo…

Read More

DA, DTI PINAKIKILOS SA MAHAL NA BILIHIN

“DA at DTI, nagbabantay ba kayo ng presyo ng mga bilihin?” Ganito ang tanong ni Senador Imee Marcos sa kabila ng report ng Philipine Statistics Authority (PSA) kahapon na nasa 2.5% lang ang inflation rate nitong Oktubre dahil ang totoong presyo sa mga palengke ngayong araw ay higit pang mas mataas dahil sa epekto ng bagyong Quinta at Rolly. Kaya nanawagan si Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na kontrolin ang panlalamang ng profiteers na dahilan…

Read More

Dawit sa pastillas scheme 86 BI EMPLOYEES KINASUHAN

PINASAMPAHAN ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) sa Ombudsman ng kasong criminal at administratibo ang 86 empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na idinawit sa tinaguriang “pastillas” scheme. Sa 27 pahinang reklamo, pinangalanan ng NBI-SAU ang walong matataas na opisyal ng BI na parte umano ng pastillas group at iniugnay din si dating Division Chief of Port Operations Division Marc Red Mariñas bilang mastermind. Nakasaad din sa naturang reklamo na bukod sa bribe money ay may ilang miyembro ng grupo ang nakatanggap ng regalo at iba pang benepisyo,…

Read More