CAVITE – Tinatayang mahigit P2 milyon ang pinsala nang sumiklab ang sunog sa isang pabrika ng alcohol sa Dasmariñas City sa lalawigang ito. Sa ulat ni P/MSgt. Elmo Caboboy ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-2:30 ng hapon noong Biyernes nang mangyari ang sunog sa isang pabrika ng alcohol sa Block 9, Lot 35, Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite. Sa isinagawang imbesigasyon, isang electrical spark ang pinagmulan ng sunog dahilan ng pagsabog bunsod ng mga kemikal na nakapaligid dito at tuluyang natupok ang pabrika. Wala namang iniulat na nasugatan…
Read MoreMonth: November 2020
MAG-INA, 1 PA TIMBOG SA P680-K SHABU
NASAMSAM ng Pasay City Police operatives mula sa tatlong drug suspect ang P680,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa #2639B6 Gamban Ext. St., Brgy. 117, Zone 14, Pasay City bandang alas-1:45 ng madaling araw nitong Sabado. Kinilala ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police Station, sa pamumuno ni P/Cpt. Cecilio G. Tomas Jr., ang mga suspek na ang mag-inang sina Rachelle Gavino, at Jonathan Gavino alyas “Jomar,” at kasamahan nilang si Fabian Panilio alyas “Bing”. Nakuha sa tatlong suspek ang 100 gramo ng…
Read MoreRIDER NAGULUNGAN NG TRUCK, PATAY
PATAY ang isang 24-anyos na rider nang pumailalim sa delivery truck makaraan nitong tangkaing unahan at mag-overtake sa nasabing sasakyan sa Juan Luna St., Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Sabado. Dead on the spot sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Mark Jefferson Manalo, binata, ng Coral St., Tondo. Kusang loob namang sumuko sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang 52-anyos na driver ng delivery truck na hindi na pinangalanan. Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-11:50 ng hatinggabi sa Juan Luna St. sa Tondo.…
Read MoreMGA ASO, COVID CONTACT TRACERS SA ANTIPOLO
HINDI na lang bantay sa bahay, kungdi bantay na rin laban sa sakit na COVID-19 ang mga aso. Ginagamit ng Lokal na Pamahalaan ng Antipolo City ang mga aso na dumaan sa buwan-buwang pagsasanay, para maka-amoy ng mga taong may COVID-19. Makatutulong ng mga nurse at doktor ang mga aso o K9 units dahil trained silang malaman kung positibo ang isang tao sa COVID-19 sa pamamagitan ng kanilang pang-amoy. Target ng LGU na bago pa man sumalang sa mismong antibody o RT-PCR swab test ang nagtutungo sa mega testing facility,…
Read More2 TAMBAY NAAKTUHANG BUMABATAK
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tambay matapos mahuli sa akto ng mga tauhan ng Maritime Police na sumisinghot ng shabu sa Navotas Fish Port Complex, Navotas City. Kinilala ni Maritime Police Station (MARPSTA) head Major Rommel Sobrido ang arestadong mga suspek na sina Ronald Viliganio, 32, at Alex Sapo, 49, kapwa ng Market 3, Squatters Area, NFPC, NBBN. Sa report ni Maj. Sobrido kay Northern NCR MARPSTA Chief P/Col. Ricardo Villanueva, alas-2:30 ng hapon, nagsasagawa ang mga operatiba ng Intelligence MARPSTA, sa pangunguna ni P/Lt. Erwin Garcia, ng…
Read More12 VALENZUELA CENTENARIANS TUMANGGAP NG P50-K
BUNSOD ng buong suporta sa mga senior citizen, nakatanggap ng P50,000 cash incentive bawat isa mula sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang 12 centenarians na mga residente ng syudad. Personal na ipinamahagi ni Mayor Rex Gatchalian ang cash incentive sa bawat centenarian kasabay ng pagdiriwng ng Elderly Filipino Week. Ang pamahalaang lokal ay nagbibigay ng cash incentives sa Valenzuelano centenarians mula pa noong pumasa ang Ordinance No. 300, Series of 2016, o ang Centenarian Ordinance ng Valenzuela City. Binago ito ng Ordinance No. 652, Series of 2020, na nagpapataas ng…
Read MoreDRUG COURIER ARESTADO SA P3.4-M SHABU
ISANG lalaki na hinihinalang bigtime drug courier ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Quezon City Police sa isinagawang joint anti-illegal drug operation sa lungsod ng Quezon. Nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, ang suspek na kinilalang si William Glenn Gonzales Dela Cruz, 35, nakatira sa M-6, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City. Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nakuha sa pag-iingat ni Dela Cruz ang walong pirasong medium size, transparent plastic sachet at dalawang small…
Read MoreBIKER PATAY SA HIT AND RUN
CAVITE – Tinutugis ng Cavite Police ang isang gray na kotseng Sedan makaraang bundulin at takasan ang 51-anyos na biker sa Bacoor City sa lalawigang ito. Idineklarang dead on arrival sa Crisostomo Hospital ang biktimang si Reynaldo Calata Jose, may asawa, construction worker, ng Pulvorista St., Binakayan, Kawit, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Alih Rimbang ng Bacoor City Police Station, binabagtas ng biktima ang Tirona Highway sakop ng Brgy. Dulong Bayan ng naturang lungsod sakay ng kanyang bisekleta dakong alas-11:20 noong Huwebes ng gabi nang banggain siya ng isang…
Read MoreBIYUDA TINADTAD NG BALA SA BAHAY
QUEZON – Patay ang isang biyuda matapos na tadtarin ng bala ng hindi kilalang armadong kalalakihan sa loob mismo ng kanyang bahay sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng Candelaria Police ang biktimang si Lorena Genove Estolano, 41, residente ng Barangay Mangilag Norte. Batay sa report ng Candelaria police, nagtitiklop ng damit sa loob ng kanyang bahay ang biktima nang pasukin ng mga suspek na armado ng .45 kalibreng baril, alas-otso ng gabi. Pagkaraan ay pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na agad nitong…
Read More