IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-audit sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa umano’y ‘ghost projects’ na ginagamit bilang main avenue ng departamento sa corruption activities. “Ang DPWH, ang pinaka-raket diyan is ‘yung ghost project. So walang delivery, ghost project. Marami ‘yan. Karamihan ‘yan it’s the regional director. Ipapalabas nila na may project ito but wala,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Huwebes ng gabi. “The best way is to conduct an audit of those projects to determine if they…
Read MoreMonth: November 2020
DUTERTE TUTOL SA SAME-SEX CHURCH O CIVIL MARRIAGE
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang gender equality subalit nilinaw na hindi siya pabor sa church o civil marriage ng same-sex couples. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa tanong kung ano ang posisyon ng Palasyo sa pinagtatalunang sexual orientation and gender identity expression (SOGIE) bill, sa Kongreso. Sinabi ni Sec. Roque na habang sinusuportahan ni Pangulong Duterte ang gender equality maging anoman ang sexual orientation, ay hinahayaan nito ang mga mambabatas na plantsahin ang impormasyon ukol sa panukalang batas na naglalayong protektahan ang…
Read MoreDuterte kay Sec. Galvez: MAHIHIRAP PRAYORIDAD SA COVID-19 VACCINE
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na iprayoridad ang mahihirap na Pilipino sa ipamamahaging bakuna laban sa COVID-19 sa oras na maging available na ito. Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address, Huwebes ng gabi na ang mahihirap na benepisaryo ng cash subsidy program ay kailangan na “first in line” sa immunization drive. Ang katuwiran ng Pangulo ay kaya namang gumastos ng mayayaman para makabili ng sarili nilang bakuna. Sinabi ng Pangulo kay Galvez na ang COVID-19 immunization program ay kailangan na maging…
Read MoreWHITE SAND PROJECT SA MANILA BAY, PINABUBUSISI SA SENADO
ISINUSULONG sa Senado ang pagsasagawa ng investigation in aid of legislation sa tinawag na pag-aaksaya at hindi nararapat na Manila Bay Nourishment Project o ang paglalagay ng dolomite sa bahagi ng Manila Bay. Sa kanyang Senate Resolution No. 565, tinukoy ni Senador Francis Pangilinan ang posibilidad ng environmental at public health hazards ng kontrobersiyal na Manila Bay project. Sa tala, ang Manila Bay White Sand Beach ay ginugulan umano ng P389 milyon. Nakasaad sa resolusyon ang pagsiyasat sa posibilidad na nilabag sa proyekto ang Local Government Code; Philippine Fisheries Code;…
Read MoreMarcial may tsansa sa unang Olympic gold ng bansa
IPINAGDIWANG ng middleweight Olympic qualifier na si Eumir Marcial ang kanyang ika-25 taong kaarawan noong Huwebes (Biyernes sa Maynila) habang nag-eensayo sa Wild Card Gym ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa Los Angeles, California. Nasa “lungsod ng mga makasalanan” si Marcial dalawang linggo na ang nakararaan para sa wakas ay paghandaan ang kanyang kampanya na handugan ang Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya sa Olimpiyada, sa loob ng napakahabang 96 taon mula nang ang bansa ay unang lumahok sa tuwing ika-apat na taong palaro noong 1924. “So it was…
Read MoreTABANG BICOL, INILUNSAD NG AKOOFW
NAPAKARAMING pamilya ang lubhang naapektuhan ng napakalakas na bagyong Rolly (Goni) na humambalos ng husto sa Bicol region nitong nakaraang Nobyembre 1, 2020. Marami sa mga tahanan ay natabunan ng lahar at malalaking bato mula sa sa kapaligiran ng bulkang Mayon at marami rin ang hanggang ngayon ay nakalubog sa malalim na baha. Ang mga local government officials sa ilang munisipalidad at barangay ay nagmamakaawa ng tulong dahil ang kanilang Calamity Fund ay nasaid na dahil sa pagbibigay ng ayuda nitong panahon ng pandemya. Marami rin akong natanggap na mensahe…
Read MoreHAWAHAN NG COVID-19 SA EVACUATION CENTERS POSIBLE
DAPAT makagawa agad ng paraan ang gobyerno kung paanong hindi magkakahawahan ang mga taong nasa evacuation centers na naapektuhan ng Bagyong “Rolly”. Kung hindi makakagawa ng paraan ang mga kinauukulan ay posibleng sumipa na naman ang bilang ng may COVID-19 sa bansa. Na-PUNA kasi natin sa mga naglalabasang videos mula sa mga lugar na naapektuhan ng nagdaang bagyo na hindi nasusunod ang mga umiiral na health protocol tulad ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield. Sana kumilos ang national government para makatulong sa mga lugar na naapektuhan…
Read MoreBATAS NILABAG MAKALUSOT LANG ANG P20-B KONTRATA
WALA namang binabanggit ang Commission on Audit (COA) na kinulimbat, o kumita, ang mga opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) sa halos P20 bilyong halaga ng mga kontrata nito sa mga pribadong kumpanya. Ang sabi lang ng COA sa ulat nito para sa 2019 ay nalabag ang mga batas sa pagbibigay ng 339 kontrata sa mga kumpanya, o kontratista. Ang kabuuang halaga ng kontrata ay P19.986 bilyon na naigawad sa 339 na pawang ”ineligible contractors”. Pokaragat na ‘yan! Hindi bago sa NIA ang ganitong paglabag sa mga ipinaiiral, sinusunod at…
Read MoreAnnulment of votes sa Mindanao, tuloy na – OSG, Comelec PROTESTA NI MARCOS BIBILIS NA
NELSON S. BADILLA KUMBINSIDO si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos II na bibilis at matatapos na ang kanyang protestang elektoral laban sa kuwestyonableng panalo ni Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo noong halalang 2016 nang walang pagdududang matukoy na ang solo at eksklusibong papel at kapangyarihan ng Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) sa kanyang kaso. Ito ay matapos sabihan ng Commission on Elections (Comelec) at ng Office of the Solicitor General (OSG) si Associate Justice Marvic Leonen na ipawalang bisa ang mga boto sa Lanao del Sur, Basilan…
Read More