WALA pa ring napapanagot sa batas makalipas ang isang taon mula nang madiskubre ang mahigit P1 bilyong droga sa isang warehouse sa lungsod ng Malabon. “Kailangan na linisin ang mga ahensyang pugad ng korapsyon at panloloko. Walang makakaligtas sa ating bantay.” Ito ang deklarasyon ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap matapos ihain ang House Resolution (HR) 1330 na nag-aatas sa House committee on dangerous drugs na imbestigahan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil wala pa ring napapanagot ang mga ito sa kabila na na-detech nila ang shabu shipment na…
Read MoreMonth: November 2020
Solon pinasalamatan si Velasco RED-TAGGING PINALAGAN SA KAMARA
LUBOS ang pasasalamat ni Act Teachers Party-list Rep. France Castro kay House Speaker Lord Allan Velasco sa ginawa nitong pagtatanggol at pagbibigay proteksyon sa Makabayan Bloc laban sa akusasyon ni Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command Chief Lt. General Antonio Parlade na ang mga progressive lawmaker ay miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP). Sa panayam kay Castro ng isang lokal na himpilan ng radyo, inamin nito na hindi nila inasahan ang pagtatanggol ng House Leadership sa red-tagging issue laban sa kanila, aniya, ngayon lang siya nakarinig ng…
Read MoreCOVID-19 VACCINATION POSIBLE SA MAY, 2021
POSIBLENG mapasimulan na umano ang paglulunsad ng COVID-19 vaccination sa susunod na taon, ayon sa National Task Force Against COVID-19. Ayon kay NTF COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ng OPAP, kung masusunod ang timeline at walang magiging sagabal sa programa, ang pinakamaagang petsa na mapasisimulan ang inoculation ng COVID-19 vaccines sa publiko ay sa buwan ng Mayo sa susunod na taon. Subalit dahil maraming proseso pa ang kailangang plantsahin bukod sa maaring maging sagabal sa procurement, delivery at storage ay posibleng maisakatuparan ang pagbabakuna bago magtapos ang susunod…
Read MoreCORRUPT OFFICIALS PAPANGALANAN NI DUTERTE
HINDI magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang lahat ng opisyal ng pamahalaan na sangkot sa kurapsyon at anomalya. Ito ang tiniyak ni Senador Christopher Bong Go kasabay ng pagsasabing kilala naman ng lahat na hindi nagpapaawat ang pangulo na tukuyin ang laban nito sa illegal drugs, kriminalidad at kurapsyon. “Alam ninyo, tuluy-tuloy po ‘yan, papangalanan ni pangulo sa buwan na ito at sa susunod na buwan, tuwing may makakasuhan at masususpinde ang Ombudsman. Papangalanan niya po ito sa publiko para malaman po ng mga Pilipino kung sino ‘yung…
Read MoreINFLATION RATE TUMAAS NG 2.5% NITONG OKTUBRE
BAHAGYANG sumipa ang inflation sa bansa o ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo nitong nakalipas na buwan ng Oktubre, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, bumilis o umakyat sa 2.5 percent ang naitalang inflation sa nakalipas na buwan, mas mabilis kumpara sa 2.3 percent noong Setyembre. Sa ginanap na virtual press briefing, ipinaliwanag ni PSA Undersecretary and national statistician Dennis Mapa na malaking ambag sa pagbilis ng inflation ang patuloy na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages. Paliwanag ng PSA, contributory…
Read MoreDuterte nagpasalamat sa mga Pinoy PINAS PINAKALIGTAS NA BANSA SA MUNDO
PINASALAMATAN ng Malakanyang ang mga Pilipino para sa pagkilala sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na panatilihin ang kapayaan at kaayusan sa bansa. Welcome kay Presidential spokesperson Harry Roque Jr. ang naging resulta ng lumabas na Gallup 2020 global law and order report ng analytics at advisory firm sa Amerika na nagpapakita na ang Pilipinas ang pinakaligtas na bansa sa buong mundo. Sa report, nakakuha ang Pilipinas ng score na 84 out of 100 gaya ng New Zealand, Serbia, Poland, at Australia. Inalam sa survey ang pakiramdam ng mga…
Read MoreMASSAGE PARLORS PWEDE NA RING MAGBUKAS
PINAYAGAN na ng pamahalaan ang massage parlors na muling magbukas habang nasa general community quarantine. Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 20-57, sinabi ng Department of Trade and Industry, na maaari nang magbukas ang mga massage parlor sa GCQ areas. Pero lilimatahan ito sa 30 porsiyento lang ng total capacity. Kasabay nito, sinabi rin ng DTI na dapat sumunod sa minimum health standards ang mga massage parlor. Ibig sabihin, dapat ay naka-gloves at bawal pa ang pagpapamasahe sa ulo para mapigilan ang pagkalat ng virus. Dadalasan din ang disinfection, at…
Read MoreSolon sa electric coops EMERGENCY FUNDS GAMITIN SA BINAGYONG LUGAR
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga electric cooperative na nasalanta ng bagyong Rolly na pakinabangan ang P250 million na nakalaan sa ilalim ng kasalukuyang national budget para sa pagpapakumpuni ng mga nasirang linya ng kuryente sa kanilang mga lugar. Ang paghikayat ni Gatchalian, chairman ng Senate Energy Committee, sa paggamit ng nasabing pondong inilaan ng Republic Act 11039 o ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF), ay para sa agarang pagpapanumbalik ng kuryente sa mga nasalantang lugar. Bagsak ang mga linya ng kuryente at komunikasyon sa maraming bahagi…
Read MoreNETWORK SA SAN ANDRES AT VIRAC SA CATANDUANES; BOMBON, BULA, CABUSAO, CALABANGA, DEL GALLEGO AT LUPI SA CAMARINES SUR NAIBALIK NA NG GLOBE
NAIBALIK na ng Globe ang call at text services nito sa San Andres at ang LTE services at internet browsing sa Virac, Catanduanes. Sa Camarines Sur, naibalik na rin ang call at text services sa mga bayan ng Bombon, Bula, Cabusao, Calabanga, Del Gallego at Lupi na labis na naapektuhan ng pananalasa ni Super Typhoon Rolly. Buong araw na nagtrabaho ang network operations team ng kompanya upang mapagana ang Globe cell sites sa naturang mga lugar na naapektuhan ng power transmission failures para mabigyan ang mga residente ng kinakailangang telecommunications…
Read More