NAKAPANLULUMO ang sinapit ng maliliit na magsasaka at mangingisda kasunod ng pananalanta sa bansa ng Super Typhoon Rolly kaya umapela ang isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na bilisan ang paghahatid ng ayuda sa mga ito. Base sa report na natanggap ni Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat mula sa field officers at farmers organization, hindi pa man nakababangon sa mga nagdaang kalamidad ang mga magsasaka ay problema na naman ang kasunod kung kaya’t panahon na upang kumilos ang mga ahensiyang nangangalaga sa kapakanan ng agrikultura. Ayon kay Rep. Cabatbat,…
Read MoreMonth: November 2020
MEGA
HINDI lang sa mga proyekto may mega. Kahit sa imbestigasyon ay may mega rin. Sana lang hindi magaya sa mga mega project ang mega investigation sa mga katiwalian sa gobyerno. Tuwing nagkakaroon ng kalamidad sa ating bansa, nasisira ang mga mega project tulad ng mga mega dike na nagsisilbing proteksyon ng mga komunidad na nakatira sa paligid ng mga waterways. Isa mga pinaggagastusan ng malaki ng ating gobyerno ay ang mga mega dike na mula sa buwis ng mamamayang Filipino taon-taon at hindi biro ang halaga na inilalaan dito. Noong…
Read MoreBAGYONG “ROLLY” DOBLENG DAGOK SA MGA PINOY
KAAWA-AWA ang mga residente ng Albay at Catanduanes dahil hindi pa man natatapos ang kanilang problema sa COVID-19 ay isa na namang dagok sa kanilang buhay ang pananalasa ng bagyong Rolly sa kanilang probinsiya. Batay sa nakuhang impormasyon ng PUNA mahigit kumulang sa 60% kabahayan sa Albay at Catanduanes ang sinira ng nasabing bagyo. Pinadapa rin ng bagyo ang mga pananim, 90% ng poste ng kuryente at linya ng komunikasyon ay pinagbagsak din sa lugar na ito. Kaya ngayon hindi sila makontak ng kanilang mga kamag-anak na nasa ibang lugar.…
Read MoreSALN NI SPEAKER VELASCO ILABAS
TOTOONG napakarahirap imbestigahan ang katiwalan, korapsyon at pandarambong ng buong pamahalaan dahil maliban sa masyadong malaki at napakaraming sanga nito, napakalala na nito. Ngunit, hindi dapat ito maging balakid upang huwag absolutong pagdudahan ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na paimbestigahan ang katiwalian, korapsyon at pandarambong sa pamahalaan. Uusad ang imbestigasyon na ipinaako at ipinagkatiwala ni Duterte sa Department of Justice (DOJ), sa pangunguna ni Secretary Menardo Guevarra, kung maraming opisyal ng pamahalaan ang tutulong laban sa nasabing napakalalang problema ng pamahalaan tulad ng Kongreso. Malaki ang magagawa ng isa…
Read MoreBI sa airline companies FOREIGNERS DAPAT ‘NO VISA, NO ENTRY’
UMAPELA ang Bureau of Immigration (BI) sa iba’t ibang airline companies na huwag pasakayin ang mga dayuhan na papuntang Pilipinas kung walang visa. Ang pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente ay kaugnay ng mga ulat na may mga dayuhan na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na walang visas. Idinagdag pa niya na may ulat na may foreign passengers na natatanggap sa international airports sa Mactan, Cebu at Clark, Pampanga. Ayon pa kay Morente, responsibilidad ng airlines na alamin kung ang mga dayuhang bumibiyahe patungong Pilipinas ay may kaukulang…
Read MoreDuterte sa DOH, DTI COVID TEST, KITS TIYAKING AFFORDABLE
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Health at Department of Trade and Industry na tiyakin ang “affordability at accessibility” ng COVID-19 tests at test kits. Sa ilalim ng Executive Order 118, ang Department of Health (DOH), sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI), ay kailangan na tiyakin at ipatupad ang price range para sa COVID-19 tests at test kits “subject to existing laws, rules and regulations.” “The DOH and the DTI shall ensure that the price range for COVID-19 testing and test kits is just,…
Read MoreP13-B TINIYAK NI DUTERTE NA MAIBIBIGAY SA MGA MANGGAGAWA
DIRETSAHANG sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III na tiyaking maibigay ang P13 bilyong ayuda sa mga manggagawa sa Disyembre. Ang P13 bilyon ay ang alokasyon sa Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa Republic Act 11494 , o Bayanihan to Recover as One Act, na ayuda ng pamahalaan sa mga manggagawa. Sa pulong ng Gabinete nitong Lunes, idiniin ni Duterte kay Bello na maibigay ang P13 bilyon sa mga manggagawang nasira ang trabaho ngayong umiiral ang coronavirus disease-2019 (COVD-19). “Yes, Mr. President. Our payout…
Read MorePACC sa mga kongresista TOTOONG SALN ISAPUBLIKO
SUPORTADO ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Comissioner Greco Belgica ang naging hamon sa liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco na isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) sa katwirang una ang transparency at accountability sa ipinangako nito sa mga botante nang sila ay nangangampanya. Ayon kay Belgica, obligasyon ng mga mambabatas na ipakita ang kanilang tunay na SALN upang malaman kung walang tinatago. “Naniniwala ako hindi lang bilang commissioner ng PACC kundi bilang isang Pilipino na isa ‘yan sa ipinangako nila…
Read MoreTULONG NG ‘JUSTICE LEAGUE’ KAILANGAN NG VACCINE CZAR
SA pelikulang tulad ng Superman lang kakayanin mag-isa ng bida ang mga kalaban at hindi sa tunay na buhay. Ito ang pahayag ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Carlito Galvez Jr. bilang vaccine czar. “I wish General Galvez good luck on his additional assignment as vaccine czar. No mission is tougher and no stake is higher than providing vaccines for all,” sabi ni Recto. “But that burden is too heavy for one…
Read More