AFP nakaalerto na sa pagpasok ng bagyong Siony RESPONSE TEAMS DINEPLOY NG NOLCOM

UMAABOT sa 249 response teams ang ipinadala ng Northern Luzon Command (NOLCOM) sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda sa Bagyong Siony. Napanatili ng Tropical Storm Siony ang lakas nito habang nasa bahagi pa rin ng Philippine Sea at halos stationary o hindi gumagalaw na posibleng manalasa sa Northern Luzon. Inaasahang lalakas pa ito at magiging severe tropical storm sa susunod na 24-oras bago ang inaasahang landfall sa hilagang bahagi ng Pilipinas kaya’t hindi nagbaba ng alerto ang AFP-Northern Luzon Command. Nabatid na hindi inalis ang mga sundalo na…

Read More

40 PAMILYA NASUNUGAN SA BINONDO

HALOS isang buwan mahigit bago sumapit ang Pasko, minalas na nawalan ng tirahan ang 40 pamilya makaraang tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Binondo, Manila. Umaga nitong Miyerkoles, Nobyembre 4, nang sumiklab ang sunog sa tatlong palapag na bahay na pag-aari ng isang Richard Matuginas at sa bahay na inuupahan ni April Matuginas Rafael sa Valderama St., Binondo. Ayon sa ulat Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alas-8:29 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire-out dakong alas-9:09 ng umaga. Ayon…

Read More

3 NABITAG SA P1-M SHABU

UMABOT sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela, noong Martes ng gabi. Ayon kay NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, dakong alas-7:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr., sa harap ng BPI Bank, Monumento Circle, EDSA, Brgy. 86, Caloocan City, na nagresulta sa pagkakaaresto kina Richie Nevado alyas “Uteng”,…

Read More

NO QR CODE, NO TRAVEL SA DAVAO CITY

DAVAO CITY – Ipatutupad ng mga awtoridad ang “No QR code, no travel” policy sa buong lungsod simula sa Nobyembre 7, 2020. Lahat ng mga establisiyemento, pampubliko at pribadong tanggapan ay kailangang sumunod sa nasabing polisiya. Ayon sa seksyon 1 ng ipinalabas na Executive Order Number 60 ng lokal na pamahalaan, hindi pahihintulutang makapasok sa lungsod ang isang indbidwal o byahero na walang maipakitang QR code na magsisilbing pass. Kailangan din ang QR code para maka-access ng essential service, para sa trabaho o negosyo. Ito ang magsisilbing pass sa lahat…

Read More

DRUG SUSPECT, NAPATAY SA ANTI-DRUG OPS

NORTH COTABATO – Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban umano sa buy-bust operation sa Purok Mabuhay, Barangay Marbel, sa bayan ng Matalam sa nasabing lalawigan, noong Martes. Kinilala ang suspek na si Celso Tauro, 32, nakatira sa nabanggit na lugar. Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nang matunugan ng suspek na pulis ang katransaksyon, agad itong bumunot ng baril at nakipagbarilan sa operating team. Isinugod ang sugatang suspek sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. (BONG PAULO) 219

Read More

NURSE NA NAKA-QUARANTINE, HULI SA SHABU

NORTH COTABATO – Arestado ang isang lalaking nurse makaraang mabisto sa pag-iingat ng umano’y shabu habang nakasailalim sa quarantine sa bayan ng Midsayap. Kinilala ang suspek na si Julius Ceasar Duque, residente ng Poblacion 4, Missayap. Nadakip ang suspek sa operasyon ng mga awtoridad sa Twin Cubs Haven Inn sa Poblacion 6 sa Midsayap pasado alas-2:00 ng hapon noong Martes. Nakumpiska mula sa suspek na si Julius Ceasar Duque, residente ng Poblacion 4, Missayap, ang P5000 halaga ng umano’y shabu. Napag-alaman, naka-quantine ang suspek dahil sa coronavirus disease t nakatakda…

Read More

9 BIR EMPLOYEES POSITIBO SA COVID

COTABATO CITY – Siyam na mga kawani ng Bureau of Internal Revenue-District Office 107 sa Cotabato City, ang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19, iniulat nitong Miyerkoles. Bunsod nito, pansamantalang isinara ang Bureau of Internal Revenue-District Office 107 sa Cotabato City na matatagpuan sa SK Pendatun Avenue, hanggang sa Biyernes, Nobyembre 7. Ayon kay Revenue District Officer Nora Macarambon, lahat ng siyam na kawani ay naka-isolate na at isinailalim naman sa mandatory swabbing ang 45 iba pang kawani ng tanggapan sa pakikipagtulungan ng Cotabato City Health Office. Babalik ang physical…

Read More

SENADO NAGHAHANAP NG PONDO PARA SA DAGDAG NA CALAMITY FUND

PINAG-AARALAN ng Senate Committe on Finance ang posibilidad na dagdagan ang calamity fund ng pamahalaan para sa susunod na taon kasunod na rin ng pinsalang idinulot ng pananalasa ng mga bagyo. Ayon kay Finance Committee chairman Senador Sonny Angara, naghahanap na sila ng mga posibleng source na pagkukunan ng dagdag na pondo. “We are currently studying the possibility of supplementing the calamity funds for 2021. We are looking for fund sources for realignment at the moment,” saad ni Angara. Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa 2021, P20…

Read More

#NASAANANGPANGULO MALISYOSO – MALAKANYANG

PARA sa Malakanyang ay malisyoso ang banat ng mga kritiko laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang palutangin ng mga ito ang hashtag na ‘Nasaan Ang Pangulo.’ Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kahit kailan naman basta’t galing sa mga kritiko ay asahan nang walang mabuting makikita ang mga ito sa nagawa ng Punong Ehekutibo. Ipinagkibit-balikat na lamang ito tutal, sabi ni Roque ay nasa 5% lang naman ng populasyon ang mga taga-puna na aniya’y hindi dapat na ipag-alala. Para kay Sec. Roque, “pointless” ang argumento ng mga kritiko dahil…

Read More