ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District – Malate Police Station 9 ang isang 35-anyos na suspek sa kasong murder, sa pinagtataguan nito sa Cavite City nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Jefferson Limabaga y Arroyo, jobless, nadakip sa Block 13, Lot 7, Villa Apolonia, Naic, Cavite. Base sa ulat nina P/Lt. Edwin Mapula ng Station Intelligence Branch, at P/Lt. Roberto Medrano Jr. ng Warrant Section, na isinumite kay P/Lt. Col. Robert Bautista Sales, commander ng MPD-Station 9, bandang alas-3:15 ng madaling araw nang pasukin…
Read MoreMonth: November 2020
MAGPINSAN HULI SA P.5-M BATO
SWAK sa karsel ang magpinsang umano’y tulak makaraang makumpiskahan ng P.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Michael Mendoza, 38, at Roberto Mendoza, 58, kapwa ng Waling-Waling St., Brgy. 187, Tala sa nabanggit na lungsod. Ayon sa pulisya, may nag-tip sa mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng magpinsan kaya agad naglatag ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito at nakumpiskahan ng 60 gramo ng shabu…
Read More3 DRUG SUSPECTS HULI SA P.3-M SHABU SA QC
ARESTADO sa mga tauhan ng Kamuning Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong umano’y tulak sa magkahiwalay na buy-bust operations ng mga awtoridad sa dalawang barangay ng nasabing siyudad noong Miyerkoles. Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Ronnie S. Montejo ang mga suspek na sina Arjay Padua, 34-anyos, Alfred Abella, 50-anyos, pawang mula sa Brgy. Botocan, naaresto ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS-10 sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Bernouli Abalos, at Nono Cabagan, 31-anyos, ng Guadalupe, Makati City. Base sa report,…
Read MoreP20-M SHABU NASABAT SA TAGUIG
ARESTADO ang 12 katao, kabilang ang dalawang menor de edad, makaraang makumpiskahan ng P20.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa Taguig City noong Miyerkoles. Kinilala nina Taguig City Police Station chief, P/Col. Celso M. Rodriguez at Southern Police District Director, P/BGen. Emmanuel B. Peralta, ang mga suspek na sina Patrick Ace Tiñga, high school undergraduate; Tom Jovy Cruz, negosyante; alyas Charles, menor de edad at Grade 9 student; Juan, menor de edad at Grade 8 student sa R. PAPA National High School; Elmer Bautista, seaman; Winston Ray Lopez, student aircraft…
Read MoreINMATE SA MPD-STATION 3, PATAY SA COVID?
HINIHINALANG sanhi ng coronavirus disease ang ikinamatay ng isang inmate sa selda ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3 makaraang mahirapang huminga noong Miyerkoles ng gabi. Tinatayang nasa 45-anyos ang hindi pinangalanang biktima na ayon kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng MPD- Homicide Section, bandang alas-7:00 ng gabi nang dumaing ito ng hirap sa paghinga. Agad naman itong isinugod sa pinakamalapit na pagamutan subalit hindi na umabot nang buhay. Batay sa rekord ng pulisya, ang detainee ay may kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearm and Ammunition, New Anti-Carnapping…
Read MoreCALOOCAN COVID CASES, UMAKYAT SA 11,564
MAKARAAN ang mahigit isang buwan, naglabas nang muli ng COVID-19 update ang Information Office ng pamahalaang lungsod ng Caloocan, at nakasaad sa ulat na 11,564 na ang positive cases at 309 na ang namatay. Nakasaad sa ulat na may petsang Nobyembre 4, na 10,990 ang bilang ng mga nakarekober sa pandemya sa lungsod. Bago ito, Oktubre 1 pa huling naglabas ng update sa pandemya ang Caloocan. Sa nasabing petsa ay 8,998 pa lamang ang positive cases sa lungsod, 8,146 ang nakarekober at 250 pa lamang ang namatay. Samantala, sa lungsod…
Read MoreMALABON KASAMA SA COVID-19 HIGH RISK AREAS
KABILANG ang lungsod ng Malabon sa siyam na lugar na COVID-19 high-risk areas dahil sa mataas na kaso kada araw at attack rates, ayon sa lumabas na resulta ng pag-aaral kaugnay sa nasabing sakit. Ayon sa ulat ng Octa Research Team na may petsang Nobyembre 2, kada araw ay 29 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Malabon mula Oktubre 25 hanggang 31 at may 6.6 % attack rate o bagong kaso kada 1,000 populasyon. Ayon naman sa Malabon City Health Department, siyam ang nadagdag na confirmed cases noong Nobyembre 4…
Read MoreDUTERTE HANDANG BATIIN SINOMAN KINA BIDEN AT TRUMP ANG ITANGHAL NA PANALO SA US PRESIDENTIAL RACE
KAAGAD tatawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sinoman ang tanghaling panalo sa 2020 US Presidential race. Ito’y upang maipaabot ng pangulo ang kanyang pagbati kaninuman kina dating Vice President Joe Biden o kay US President Donald Trump kahit man lang sa pamamagitan ng telepono. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sinoman ang manalo kina Trump at Biden ay mananatiling kapakanan at interes ng bansa ang isusulong ng gobyerno. “Siyempre po ano dahil tayo lang naman ang bansa sa mundong ito na kapareho halos ang Saligang Batas dahil iyan ang…
Read MoreRELIEF EFFORTS SA MGA APEKTADO NG ST ROLLY, PATULOY
PATULOY ang disaster relief efforts ng Executive department sa mga labis na naapektuhan ng supertyphoon Rolly. “As per the November 4, 2020 6AM report” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit sa P18.2-M assistance ang naibigay sa mga apektadong lugar sa NCR, Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, Region V, Region VIII, at CAR ng DSWD, local government units at iba pang non-government organizations (NGOs). Tinatayang, may 188,417 indibidwal ang nasa loob ng evacuation centers. Ang Department of Health, sa kabilang dako ay nagbigay ng P540,440.00 halaga ng hygiene…
Read More