HATOL SA MAG-ASAWANG TIAMZON, GINAGALANG NG PALASYO

GINAGALANG  ng Malakanyang ang naging desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na hatulan ng Reclusion Perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon dahil sa krimeng nangyari noong 1988. “The long arm of the law has finally caught up with the Tiamzon couple.  We therefore consider this latest court decision as a triumph of the justice system,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Malinaw lamang na ipinakikita sa bansa na patuloy na umiiral ang katarungan. Nauna rito, kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public…

Read More

P347-M IBIBIGAY NG PCIC SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDANG ‘INSURED’

NAGLABAS ng P347 milyon ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) bilang “bayad-pinsala” sa mga magsasaka at mangingisdang nasalanta ng tatlong bagyong tumama sa bansa mula Oktubre hanggang Nobyembre. Ang naturang halaga ay inisyal na halaga mula sa kabuaang P1.5 bilyon na itinakdang ipamamahagi sa mga magsasaka at mangingisda. Batay sa direktiba ni Agriculture Secretary William Dar, binayaran ng PCIC ang pinsalang dinanas ng 121,000 mga magsasaka at mangingisda mula sa pitong rehiyon na “insured” sa ahensiya. Ang PCIC ay ahensiyang nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA). Ayon sa PCIC,…

Read More

VELASCO NANUMPA BILANG LT. COL. SA ARMY RESERVE CORPS

ISA nang ganap na lieutenant colonel sa Reserve Force ng Philippine Army (PA) si House Speaker Lord Allan Velasco. Ito ay matapos siyang manumpa at tanggapin ang kanyang ranggo mula kay PA Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana sa isang pormal na seremonya na idinaos sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio ngayong araw. “Ang seremonyang ito ay isang malinaw na pagkilala sa aking personal na nagawa at katapatan sa tungkulin. Inilalarawan ng kaganapang ito ang karangalan, at lubos ko pong tinatanggap nang may pagpapakumbaba ang pagpupugay na ito,” ani Velasco…

Read More

SOLON UMAASANG MAIPAPASA ANG DEPT. OF DISASTER RESILIENCE

UMAASA si Senator Christopher “Bong” Go na maipapasa sa lalong madaling panahon ang panukala nitong Senate Bill No. 205 upang lumikha ng Department of Disaster Resilience (DDR). Sa pahayag, sinabi ni Go na hahawakan ng bagong departamento ang lahat ng proyekto at programa sa disaster preparedness na pawang malaking hakbang upang maging ganap na handa ang bansa sa anomang kalamidad at maiwasan ang matinding epekto nito sa buhay at ari-arian. Ani Go, magbibigay ng malinaw na chain of command ang kanyang panukala, mas maayos na mekanismo at pamamalakad sa paghawak…

Read More

2 PATAY, 5 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 MOTORSIKLO

QUEZON – Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang lima pa sa karambola ng tatlong motorsiklo sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Isa sa mga nasawi ay isang menor de edad na si Mico Paulo Javier, 16, na siyang nagmamaneho sa isa sa mga motorsiklo, habang angkas ang isa pang menor de edad na si Joshua Villegas Victoria, 16, na nasugatan din sa insidente. Nasawi rin ang nagmamaneho sa nakabanggaang motorsiklo na si Joseph Peñana, 25, at sugatan din ang angkas nito na si Mark…

Read More

P100-M ‘di rehistradong computer sets, gadgets kumpiskado 2 CHINESE ARESTADO SA OMB RAID

BULACAN – Sinalakay ng mga tauhan ng intelligence agents ng Optical Media Board (OMB) ang isang establisiyemento dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9239 o mas kilala bilang Optical Media Act of 2003, at tinatayang P100 milyong halaga ng computer sets, gadgets at mga TV na mayroong storage devices, ang nakumpiska habang dalawang Chinese national at isang Filipina ang arestado noong Huwebes ng hapon sa bayan ng Guiguinto sa lalawigang ito. Ayon kay OMB chairman, Atty. Christian D. Natividad, ang mga inaresto ay kinilalang sina Quan Xi Gua at…

Read More

Chopper na sinakyan ng 4 sugatang sundalo, nag-crash MEDEVAC TRAGEDY

LANAO Del Sur – Binawian ng buhay ang isang sugatang sundalo nang bumagsak ang isang Huey helicopter ng Philippine Air Force sa bayan ng Madalum sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon, habang apat na iba pa ang sugatan sa insidente. Ngunit agad na nilinaw ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine na sadyang kritikal ang lagay ng nasabing nasawing sundalo dahil sa dami ng shrapnel na tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito kasunod ng pagpapasabog ng improvised explosive devise ng kalabang mga terorista. Ito ang dahilan…

Read More

Nakunsensya nang arestuhin ang ama SUSPEK SA RAPE-SLAY SA 12-ANYOS, SUMUKO

QUEZON – Sumuko sa National Bureau of Investigation sa Lucena City  noong Huwebes  ang umano’y totoong pumatay sa 12-anyos na dalagita na natagpuan ang walang saplot na bangkay at tadtad ng taga sa Barangay Punta, sa bayan ng San Narciso sa lalawigang ito, noong nakaraang linggo. Inamin ng sumukong suspek na si Allan Mendeja, 35, na siya ang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen na ikinamatay ng 12-anyos na biktimang si Vheanne Banico. Si Mendeja ay anak ng unang arestadong suspek si Artemio Mendeja, 66, na siyang itinuro ng mga residente na nakita malapit sa…

Read More

DRUG GROUP LEADER NABITAG NG PDEA

NUEVA ECIJA – Nadakip ng mga tauhan ni Philippine Drug Enforcement Agency chief, Director General Wilkins Villanueva, ang lider ng isang drug group sa isinagawang anti-narcotic operation ng PDEA R03 sa nasabing lalawigan. Ayon kay Director Derrick Carreon, PDEA-PIO chief, nadakip sa dragnet operation ang 49-anyos na si Elizalde Ramos Vicente alyas Zaldy (target listed), lider ng Zaldy drug group, residente ng Brgy. Marcos Village, Biglang Sibol, Palayan City, ng nasabing lalawigan. Si Vicente ay nasukol ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PDEA3–Nueva Ecija Provincial Office, at local police sa Brgy. Marcos…

Read More