Political analyst sa sandamakmak na deputy speakers SCANDAL SA KAMARA

ITINUTURING na ng isang political analyst sa scandal ang nangyayari ngayon sa House of Representatives matapos umabot sa 29 ang naitatalagang House Deputy Speakers. Ayon sa batikang political analyst na si Mon Casiple, hindi kailangan ng ganoon karaming deputy speakers (DS) sa mababang kapulungan dahil wala naman itong naipakitang nagagawa, habang dumarami ang itinatalagang deputy speaker ay dumarami lamang ang gastos. Malinaw umano na ang nangyayari ay political accommodation, na bigyan ng pwesto ang mga kongresista na naging instrumental sa pag-upo bilang House Speaker ni Velasco. “It’s a very partisan…

Read More

13% SSS PREMIUM HIKE PINASASAGOT SA GOBYERNO, KAPITALISTA

PAMAHALAAN at mga kapitalista ang dapat sumagot sa hulog ng mga manggagawa sa Social Security System (SSS). Ganito ang posisyon ng Partido Manggagawa (PM) sa kagustuhan ng SSS na ituloy ang 13 porsiyentong umento sa buwanang hulog ng mga manggagawa sa pondo ng kanilang pensiyon. “No increase sa time na ito. Wala ngang trabaho ang mga tao ngayon. Kung gusto [ng SSS] ng increase, sagutin ng kapitalista at estado,” banggit ng tagapagsalita ng PM na si Wilson Fortaleza. Reaksiyon ito ni Fortaleza nang tanungin ng SAKSI Ngayon hinggil sa plano…

Read More

1ST NATIONAL COCONUT PLANTING DAY INILUNSAD NG PCA

TULUYAN nang lumahok si Senador Cynthia Villar sa paglulunsad ng kauna-unahang National Coconut Planting Day upang pasiglahin ang industriya ng pagniniyog at mapalitan ang matatanda at nawasak na puno. Sa pahayag, sinabi ni Villar na inilunsad ang naturang programa ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa pakikipatulungan ng Senate committee on agriculture and food at pakikipag-partner sa DOST PCAARRD. Aniya, Modern Technologies: Key to Coconut Productivity (Makabagong Teknolohiya Tungo sa Masaganang Niyugan) ang paksa ng programa sa taong ito. “Ipinakita sa aktibidad ang DOST-PCAARRD at PCA technologies para sa produksyon ng…

Read More

CONCESSIONAIRES SINISI SA WATER SHORTAGE

SINISISI ni Senador Grace Poe sa kawalan ng masusing pagpaplano at epektibong pamumuno ang kakapusan sa supply ng tubig sa bansa. Giit ng senador, mahalaga ang water at sanitation services bilang basic human rights kung kaya’t malaking hamon sa mga water concessionaire na magbigay ng malinis na tubig. Binanggit ni Poe ang lumalaking populasyon at ang pangangailangan ng maraming mapagkukunan ng tubig bilang pinakamahalagang hamon sa pagbibigay ng malinis na inuming tubig. Binigyang-diin din ng senador ang pangangailangan na gawing abot-kaya ang pag-access sa tubig. “If the population continues to…

Read More

P4.506 TRILLION 2021 NATIONAL BUDGET APRUB NA

INAPRUBAHAN na kahapon sa Bicameral Conference Committee ang 2021 General Appropriation Act (GAA) o national budget na nagkakahalaga ng P4.506 Trillion kaya nawala na ang pangambang madedelay ito tulad ng nangyari noong 2018 budget. Agad niratipikahan ngayong araw ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pambansang pondo at inaasahan na irerehistro agad sa Office of the President para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa huling pulong nina House appropriation committee chairman Rep. Eric Yap at Senate Finance committee chairman Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, nilagdaan na ang bicameral conference committee report…

Read More

2 KARNAPER TODAS SA SHOOTOUT

CAVITE – Patay ang dalawang hinihinalang karnaper makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa ikinasang dragnet operation sa Bacoor City sa lalawigang ito. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na dead on the spot sa pinangyariahn ng insidente. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Edison Fetalcurin, dakong ala-1:30 nitong Miyerkoles ng madaling araw nang humingi ng tulong ang biktimang si Rodolfo Manuel Sarte, 27, makaraang puwersahang tangayin ang kanyang motorsiklo ng dalawang armadong suspek sa Molino Boulevard, Brgy. Niog 3 ng naturang lungsod. Agad nagkasa ng dragnet operation ang…

Read More

KFRG SUB-LEADER UTAS SA PNP-AKG

NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group, na pinamumunuan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo at mga elemento ng Western Mindanao Command, ang sub-leader ng Abdussalam kidnap for ransom group, nitong Miyerkoles sa Sitio Sahaya, Brgy. Mampang, Zamboanga City. Ayon impormasyong ibinahagi nina Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng Western Mindanao Command, at Gen. Estomo, target ng kanilang law enforcement operation si Samad Awang alyas Ahmad Jamal y Mara, pasado alas-12:30 ng madaling araw nang biglang bumunot ito ng baril. “With their lives in danger, the…

Read More

Kabilang ang 2 lolo at 3 totoy 17 TULAK TIMBOG SA CAVITE

CAVITE – Dalawang lolo at tatlong totoy ang kabilang sa 17 hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nadakip ng Cavite Police sa ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang lima sa mga arestado na sina Romeo Bladerobal, 63; Rolando Umali, 60, at tatlong menor de edad na sina alyas Jape, 14; Jonjon at Rossel, kapwa 17-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 nitong Miyerkoles ng umaga, nagsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Pasong Camachille 2, Gen. Trias City na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang senior…

Read More

5 NALAMBAT SA METRO BUY-BUST

LIMANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila. Sa Valenzuela City, arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang ginang, sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief, Col. Fernando Ortega ang mga suspek na sina Maribel Gamayon, 45, at Roy Lachica, 45, kapwa ng Molina St., Brgy. Veinte Reales. Ayon sa imbestigasyon ni P/Cpl. Christopher Quiao, dakong alas-12:01 ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation…

Read More