NAGSIMULA na sa Britanya ang pagbabakuna sa kanilang mga mamamayan lalo na yung mga bulnerable sa nasabing virus tulad ng mga matatanda at may karamdaman laban sa COVID-19. Hudyat na ito na unti-unti nang babalik sa normal na pamumuhay ang mga tao sa buong mundo na 10 buwan ding pinahirapan ng COVID-19 dahil parang hinayaan ng China na kumalat ito. May mga alegasyon na sadyang itinago ng China sa buong mundo ang virus na ito na unang natuklasan noong Nobyembre 2019 (kaya COVID-19 ang pangalan), dahil walang press freedom sa…
Read MoreMonth: December 2020
GALIT NI GATCHALIAN IPINATIKIM SA NEGOSYO NI MVP
NAPIKON na si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa management ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa kawalan nila ng maayos na sistema sa pag-iisyu ng Radio Frequency Identification (RFID). Nagdulot ng matinding trapik sa may toll gate sa dulo ng Mindanao Avenue exit na sakop ng Valenzuela City ang nasabing pagiisyu ay ng RFID. Simula kasi nitong nakaraang Disyembre 1, 2020 ay naghigpit na ang management ng NLEX na hindi na tatanggapin ang cash payment mula sa mga motorista na dadaan sa kanilang mga toll gate. Kung hindi makakakuha…
Read MorePULPOL ANG AKUSASYON NI SENADOR PANGILINAN LABAN KAY MARCOS
ITINURING ng Inquirer.net na “elaborate conspiracy” ang pagbira ni Senador Francis Pangilinan sa inihaing impeachment charges ng Filipino League of Advocates for Good Governance-Maharlika (FLAG-Maharlika) laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Mario Victor Leonen. Ang demanda laban sa ”respondent” ng kaso ay paglabag sa ilang probisyon ng Saligang Batas. Pokaragat na ‘yan! Ganito ang bungad ng istorya ng Inquirer.net nitong Disyembre 9: “The impeachment case against… Leonen could be part of an elaborate conspiracy to boost former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s chances of winning his electoral protest against…
Read MoreWALANG PAPEL SI BBM
WALANG papel si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagsasampa ng impeachment kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen. Idiniin ito ng kampo ni Marcos sa pamamagitan ng abogado at tagapagsalita niyang si Atty. Vic Rodriguez. Sabi ni Rodriguez: “Senator Bongbong Marcos is not connected and has nothing to do with the impeachment complaint filed against Associate Justice Leonen”. “We refrain from commenting on an event or case where we are not a party as it is inappropriate for anyone to make wild accusation on something that they have…
Read MoreKulang ang supporters sa Kamara LEONEN TAGILID SA IMPEACHMENT
MALAKI ang pag-asang ma-impeach si Supreme Court Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen dahil wala umano itong sapat na supporters sa mababang kapulungan ng Kongreso. Ito ang paniniwala ng ilang mambabatas na nakausap ng Saksi Ngayon ngunit hiniling ng mga ito na huwag nang banggitin ang kanilang pangalan, kaugnay ng impeachment case na isinampa ni FLAG Secretary General Edwin Cordevilla laban kay Leonen. “Kung magbibilang tayo, 8 congressmen lang ang susuporta sa kanya,” ayon sa isang impormante, na malayong-malayo aniya sa 152 votes na kailangan para maibasura ang impeachment complaint…
Read MoreCHRISTMAS ECONOMICS INAASAHAN NA
KUMPIYANSA ang Malakanyang na mangyayari ang tinatawag na Christmas economics o pagpalo ng ekonomiya ngayong panahon ng kapaskuhan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, makikita naman ang sitwasyon sa mga nagdaang araw sa lugar ng Divisoria na sobra- sobra ang tao. Kahit aniya mga nasa tiangge ay pinupuntahan na rin ng mga tao habang maging sa Baguio ay dinagsa ang night market na binuksan nito. “So I think Christmas economics will happen,” ani Sec. Roque. Kamakailan ay pinaalalahanan ni Sec. Roque ang publiko na maging maingat pa rin upang mapangalagaan…
Read MoreDTI SEC LOPEZ COVID POSITIVE
SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na mahigit 2 linggo na ang nakararaan nang makasama ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa isang pulong. Inanunsyo ito ng kalihim matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Sec. Lopez. “Sec Lopez last attended a meeting with PRRD on November 20, 19 days ago. FYI,” ayon kay Sec. Roque. Nauna rito, sa inilabas na pahayag ni Sec. Lopez, sinabi nito na siya’y asymptomatic o walang nararanasang sintomas ng virus. Agad namang sumailalim si…
Read MoreHOSPITAL BEDS SA COVID PATIENTS, SAPAT
TINIYAK ng Malakanyang na marami pang hospital bed ang maaaring gamitin sa mga kinakapitan ng COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos sa kabuuan ang bed capacity na inihanda ng pamahalaan para sa covid patients. Aniya, nasa 59% pa ang bakante para sa mga nangangailangang dalhin sa ICU habang 62% ang available sa mga isolation bed. May 72% naman na available para sa ward beds habang pati ventilators aniya ay wala nang nakikitang kakapusan dahil nasa 81% ang availability nito. Subalit, sinabi ni Sec. Roque na hindi naman…
Read MoreSOLON NAGPASAKLOLO SA NBI
PINAIIMBESTIGAHAN ni Quezon 4th District Representative Angelina Tan sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapalipad ng drone sa kanyang bahay at pagkatapos ay ipinost sa social media. Sa complaint affidavit ni Tan sa NBI Lucena, sinabi nito na nakarating sa kanyang kaalaman na may taong nag-o-operate ng isang website na https://sovereignph.com/ at iba pang mga account sa ibang online platform tulad ng Instagram at Tiktok na nagpo-post ng malisyosong larawan at video ng kanilang bahay ng asawang si Engr. Ronnel Tan na Regional Director ng DPWH Region 1. Partikular na tinukoy…
Read More