‘KILLER’ NG NBI LAWYER ARESTADO

ARESTADO na ang suspek sa pagpatay sa abogado ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Atty. Luis Wee. Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Lavin, Deputy Director at tagapagsalita ng NBI, nadakip ang suspek dakong alas-11:00 ng gabi noong Martes. Hindi nagbigay ng iba pang mga detalye o pangalan ng nahuling suspek ang opisyal, ngunit sinabi ni Atty. Lavin na nagsasagawa na ng follow-up operations hinggil dito. Magugunitang si Atty. Wee, 51-anyos, ay tinambangan noong Nobyembre 23, 2020 sa Cebu City. Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa trabaho ang…

Read More

Suicide o murder? NBI OFFICIAL NATAGPUANG PATAY

NATAGPUANG patay ang hepe ng Counter-Terrorism Division ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Raoul Manguerra makaraang umalingawngaw ang isang putok ng baril sa mismong opisina nito sa NBI-Main sa Taft Avenue, Ermita, Manila noong Lunes ng gabi. Hindi na naisalba ng mga manggamot ng Manila Doctor’s Hospital ang biktima, 49-anyos, may live-in partner, residente sa #23 Wales Victoria Place, C. Raymundo Avenue, Brgy. Caniogan, Pasig City, dahil sa tama ng bala sa tiyan. Ayon sa naantalang ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-11:39 ng gabi nang mangyari ang insidente.…

Read More

DAHAS VS COVID-19 LAW VIOLATORS BINATIKOS

IGINIIT ni Senadora Leila de Lima na hindi karahasan ang solusyon upang umiwas ang mamamayan sa COVID -19. “Violent measures to implement health protocols have failed to curb the pandemic, and instead resulted in human rights violations, and even death. It also highlighted the extent of the oppression the government can inflict against the struggling poor,” paliwanag ng senadora sa kanyang press statement. Ang tinutukoy ng mambabatas ay ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP). Ikinatwiran ni Duterte na yantok ang gagamitin ng mga pulis upang…

Read More

Kapag ipinilit ang cashless payment sa tollways – solon BUDGET NG TRB IPABI-VETO KAY PDU30

MULING iginiit ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na huwag ipilit ang pagpapatupad ng cashless payment sa mga expressway na nagdudulot ng aberya partikular na sa North Luzon Expressway (NLEX). Sa lingguhang Ugnayan sa Batasan, sinabi ni House Committee on Transportation chairman, Rep. Edgar Mary Sarmiento. kailangang iatras muna ng Department of Transportation (DOTr), partikular na ang Toll Regulatory Board (TRB), ang cashless payment dahil kung hindi ay ipapa-veto umano nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang budget sa susunod na taon. Ayon kay Sarmiento, nagpasa na sila ng…

Read More

Maninira, magnanakaw ng road at traffic signs 15 TAONG MAKUKULONG

INAPRUBAHAN na sa ikalawang pagbasa ang panukalang magpapataw ng hanggang 15 taong pagkabilanggo sa mga taong magnanakaw at maninira ng road at traffic signages. Sa pamamagitan ng viva voce voting, inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang House Bill (HB) 7886 na inakda nina Quezon City Rep. Alfred Vargas at Manila Rep. Manuel Luis Lopez. Umaasa ang mga nabanggit na mambabatas na tuluyang matitigil ang pagnanakaw at paninira ng road at traffic signs sa buong bansa na isa sa mga dahilan ng mga aksidente. Ginawa ang nasabing panukala dahil noong 2013…

Read More

MAKABAYAN BLOC KABADO NA

NANGANGAMBA na ang Makabayan bloc sa kanilang kaligtasan partikular si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos direktang akusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasapi ng New People’s Army (NPA). Sa virtual press briefing ng nasabing grupo, sinabi ni ACT party-list Rep. France Castro na nalalagay na umano sa panganib ang kaligtasan ni Zarate kasama ang kanyang pamilya sa panibagong alegasyon ni Duterte. “It’s a flawed and dangerous legal theory that Pres. Duterte is foisting on the public to justify intensified attacks on his critics,” ani Castro. Ginawa ng nasabing…

Read More

PINAS AANGKAT NA RIN NG LOCAL PRODUCTS

BUKAS ang pamahalaan sa posibilidad na umangkat ng mga lokal na produkto upang masolusyunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. SINABI ng Malakanyang na ang 3.3% inflation rate para sa buwan ng Nobyembre ay pasok sa naging pagtaya ng gobyerno na  “2 to 4 % inflation rate.” Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nakalulungkot man,  subalit ito aniya’y resulta ng sakuna o mga pangyayari na wala na sa kontrol ng sinoman. Kagaya aniya ng sunud-sunod na mga bagyo na sumalanta sa mga pananim, na siyang dahilan ng…

Read More

SUBPORT SA DUMAGUETE NAKAPASA SA FINAL AUDIT PARA SA ISO 9001:2015 CERTIFICATION

Matagumpay na nakapasa ang Bureau of Customs Subport of Dumaguete noong nakaraang Martes sa Final External Audit, ang huling stage na kailangan para maipagkaloob ang ISO 9001:2015 Certification sa kanila. Ang naturang subport ng BOC ang kauna-unahan at pangatlo sa mga Customs office na mapagkakalooban ng nasabing ISO certification. Ang TüvSüd Management Service, ay isang German auditing and certification service provider na nagsagawa ng audit para ma-determina ang pagsunod ng Dumaguete sa ISO standards para tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga kustomer at mga kinakailangang regulasyon.…

Read More

BOC TUMANGGAP NG NARCOTICS IDENTIFICATION DEVICES MULA US DEA

Opisyal na ipinagkaloob ng US Drug Enforcement Agency (DEA) at ang Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs sa Bureau of Customs (BOC) ang tatlong units ng handheld narcotics identification devices. Kasama sa dumalo sa turn-over ng RIGAKU Raman Spectrometer ay sina US Drug Enforcement Agency Attache Christopher Adduci, Philippine Director for Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs Kelia Cummins at iba pang US DEA officials. Tinanggap naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, kasama ang BOC Deputy Commissioners, ang illegal drug detection devices. Ang nasabing…

Read More