2021 BUDGET, MAIPAPASA ‘ONTIME’

PINAWI ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara ang pangamba na maging reenacted ang budget sa unang bahagi ng 2021 bunsod ng mga naging kaganapan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ay makaraang mangako ang bagong liderato ng Kamara na sina Speaker Lord Allan Velasco at maging si House Committee on Appropriations Chairman Eric Go Yap na maibibigay sa Senado sa October 28 ang kopya ng General Appropriations Bill.

“Nakikita natin na medyo may pag-asa tayo na ipasa on time ang budget. Itong panahon ng COVID-19, maraming nangangailangan ng tulong sa pamahalaan. Hindi regular ang takbo ng ekonomiya at umaasa sila sa paggastos ng pamahalaan na yun ang sasalo,” paliwanag ni Angara.

Sa panig naman ng Senado, sinabi ni Angara na halos patapos na rin ang kanilang mga committee hearings sa pahukalang budget ng mga ahensya.

“Mga 90-91% ang natalakay na sa kumite at ang naiiwan na lang sa malalaking ahensya is Department of Environment and Natural Resources, Department of Tourism, Comelec, Department of Housing, yun na lang ang naiiwan and I think naka-schedule na sila ngayong linggo,” paliwanag ni Angara.

Target ng Senado na maisponsoran na sa plenaryo sa kanilang pagbabalik sesyon sa November 9 ang panukalang budget upang agad itong maipasa hanggang 3rd reading. (DANG SAMSON-GARCIA)

190

Related posts

Leave a Comment