ANIM na buwan matapos ibasura ang aplikasyon ng ABS-CBN sa panibagong prangkisa, binuhay ito ni Deputy Speaker at kilalang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto. Base sa dalawang pahinang House Bill (HB) 8298 na inakda ni Santos-Recto na binasa sa plenaryo ng Kamara ngayong Lunes at inendorso sa Committee on legislative franchise, nais ng mambabatas na bigyan ng panibagong 25 taong prangkisa ang nasabing network. Magugunita na ibinasura ng nasabing komite na pinamumunuan ni Franz Alvarez ng Palawan ang prangkisa ng giant TV network noong Hulyo 10, 2020…
Read MoreMonth: January 2021
LIFELINE RATE SUBSIDY SA MAHIHIRAP APRUBADO NA SA SENADO
APRUBADO na sa Senado ang lifeline rate subsidy para sa mahihirap na pamilya na gumagamit ng buwanang supply ng kuryente. Sa third at final reading, ipinasa na sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang Senate Bill No. 1877 o ang panukalang nagpapalawig sa tinatawag na Lifeline Rate, isang ayuda para sa mga pamilyang kumukonsumo ng 100 kilowatt hour (kWh) o mas mababa pa. Sa pamamagitan ng nasabing panukala, maaari pang madugtungan ng sampung taon ang pagtanggap ng mahihirap na pamilya ng subsidiya kaugnay ng buwanang konsumo ng kuryente. “Malaking kaluwagan…
Read MorePAG-AMYENDA SA ANTI-MONEY LAUNDERING ACT, LUSOT NA SA SENADO
LUSOT na sa Senado ang panukala para sa pagpapalakas ng Anti-Money Laundering Act (AMLA). Sa botong 21-0, inaprubahan na sa 3rd and final reading ang Senate Bill 1945 o ang pag-amyenda sa AMLA na inakda at inisponsoran ni Senadora Grace Poe. Ang panukala ay bilang tugon sa resulta ng mutual evaluation report (MER) para sa pagtugon ng bansa sa 40 recommendations ng Financial Action Task Force on Money Laundering. Kabilang sa target ng panukala ang pagpapalakas ng investigative powers ng Anti-Money Laundering Council sa pamamagitan ng paggagawad ng powers of…
Read MoreISOLATION AT QUARANTINE FACILITIES DARAGDAGAN
BATID ng gobyerno ang pangangailangang magkaroon pa ng dagdag na mga isolation at quarantine facilities sa bansa sa gitna ng banta ng bagong UK variant ng corona virus. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan itong mapaghandaan lalo’t nakapasok na rin sa bansa ang nasabing virus na napakabilis umanong makapanghawa. Posible aniyang muling magpasaklolo ang pamahalaan sa Department of Education (DepEd) sa harap ng posibilidad na gawing isolation at quarantine facilities ang ilang eskwelahan, lalo na at wala pa namang face-to-face classes. Maliban dito, isa rin sa maaaring maging hakbang…
Read MoreNapraning sa missing ‘undies’ ni misis MISTER NAMARIL NG KAPITBAHAY
BATANGAS CITY – Bunsod ng pagkawala ng mga panloob ng kanyang asawa, binaril ng isang mister ang lalaking pinagbintangan niyang kumuha ng mga ito sa Brgy. Simlong sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi. Batay sa report ng Batangas City Police, nakaupo sa vulcanizing shop ang biktimang si Jeric Furto nang dumating ang galit na galit na suspek na si Jefferson Adora. Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa matapos ibintang ng suspek sa biktima ang pagkawala ng nakasampay na mga panloob ng misis ni Adora. Hanggang sa bumunot umano ng…
Read MoreSa Cavite at Rizal 54 NASAKOTE SA TUPADA
UMABOT sa 54 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon laban sa mga ilegal na pasabong o tupada sa lalawigan ng Cavite at Rizal. Sa Cavite, 48 ang naaresto ng mga pulis habang marami ang nakatakas sa isinagawang serye ng operasyon. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), apat na sabungero ang dinampot habang nasa aktong nagsasagawa ng tupada dakong alas-8:00 ng umaga noong Linggo sa Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City at nakumpiska ang dalawang panabong na manok, tari at P690 halaga ng pusta. Nadakip…
Read MoreDPWH ENGINEER, 1 PA INAMBUSH
ILOILO – Nakaligtas sa sunod-sunod na putok ng baril ang isang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang driver nito nang tambangan nitong Lunes ng umaga sa bayan ng Sta. Barbara sa lalawigang ito. Ayon sa pagsisiyasat ng Sta. Barbara Municipal Police Station, dalawang hindi kilalang riding in tandem gunmen ang nasa likod ng pag-ambush sa dalawang kawani ng DPWH. Base sa imbestigasyon, sakay ng isang pick-up truck si Engineer Eva Bedonia, chief ng quality assurance ng DPWH-Iloilo 4th District Engineering Office, at driver nitong si…
Read More2 DINUKOT SA LAGUNA NATAGPUANG PATAY
LAGUNA – Natagpuang nakagapos at wala nang buhay malapit sa isang tulay sa bayan ng Kalayaan, Laguna noong Lunes ng madaling araw ang dalawang lalaking dinukot ng armadong kalalakihan sa San Pedro City noong Linggo ng gabi. Positibong kinilala ng kanilang mga kaanak ang natagpuang mga bangkay na sina Jonathan David, 29, at Vins Flores, 20, mga taga bayan ng Lumban ngunit pansamantalang umuupa sa isang apartment sa San Pedro City kung saan sila dinukot noong alas-8:30 ng Linggo ng gabi. Ang dalawa ay unang napaulat na nawawala sa San…
Read MoreForensic exam sa labi ni Dacera tapos na CELLPHONES NG RESPONDENTS ISUSUNOD NG NBI
SUSURIIN din ng National Bureau of Investigation (NBI) ang cellphones ng mga respondent sa Dacera case. Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ito ang susunod na aksyon ngayong tapos na ang forensic examination ng NBI sa katawan ng flight attendant na si Christine Dacera. Plano ng digital forensic team na busisiin at analisahin ang mga datos ng mobile phones ng mga itinuturing na “persons of interest” sa pagkamatay ni Dacera. Ani Guevarra, NBI na ang magpapasya kung isasapubliko o hindi ang resulta ng eksaminasyon. “The NBI has completed its forensic…
Read More