30 BAHAY SA CAVITE, NILAMON NG APOY

Cavite – Tinatayang 30 kabahayan ang nilamon ng apoy sa halos dalawang oras na sunog sa Bacoor City sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-7:55 ng gabi noong Biyernes nang nagsimula ang sunog sa isang barong-barong sa squatters area sa Barracks Phase 4, Soldiers Hills 4, Molino 6, Bacoor City. Dahil sa karamihan sa bahay ay yari sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang tinatayang 30 kabahayan. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire under control dakong…

Read More

TAX PAYMENT NG COMPUTER SHOPS SA NAVOTAS IPINAGPALIBAN

PINALAWIG ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang deadline para sa business permit renewal at pinayagan ang mga rehistradong computer shops na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng kanilang business tax para sa 2021. Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na lahat ng business taxpayers ay maaaring magbayad ng ng kanilang buwis nang walang karagdagang bayarin hanggang Pebrero 28, 2021. Samantala, batay naman sa City Ordinance No. 2020-52, pinalawig ang renewal ng business permit at pagbabayad ng business tax ng computer shops, internet cafes, pisonet at iba pang katulad na establisiyemento hanggang…

Read More

SEKYU, GRINIPUHAN NG 2 KAINUMAN

AGAW-BUHAY ang isang security guard makaraang pagsasaksakin ng dalawang factory worker nang magtalo ang mga ito habang nag-iinuman noong Biyernes ng gabi sa Navotas City. Nananatiling kritikal ang kalagayan sa Navotas City Hospital ang biktimang si Kevin Navarro, 28, ng #290 Magat Salamat St., Brgy. Daanghari. Sa agarang follow-up operation ng mga awtoridad ay nadakip naman ang mga suspek na sina Wilmar Casipit, 22, ng #497 Gov. A. Pascual St., Brgy. Daanghari, at Ricardo Eballar, 18, ng Estrella St., Brgy. East Navotas. Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang tatlo ngunit dakong…

Read More

77-ANYOS NA LOLA, BINARIL SA LOOB NG BAHAY

PALAISIPAN pa sa mga pulis ang dahilan kung bakit tinadtad ng bala ang 77-anyos na lola habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kanyang bahay sa Liliw, Laguna noong Huwebes ng gabi. Batay sa report ng Liliw police, kasama ng biktimang si Barbara Cynthia Buzon ang kanyang apo, sa panonood ng TV sa kanyang bahay sa Barangay Sungi, nang pasukin ito ng suspek at sunod-sunod na pagbabarilin dakong alas-7:30 ng gabi. Samantala, patay ang manager ng isang multinational company matapos tambangan ng mga hindi nakilalang gunman sa Cabuyao City, Laguna…

Read More

NEGOSYANTE TINADTAD NG BALA

AGAD binawian ng buhay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa kanyang rest house sa San Pablo City, Laguna, Huwebes ng umaga. Limang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng biktimang si Jaime Cabarloc, 54, residente ng Barangay San Isidro. Batay sa report ng San Pablo City police, nag-aayos ng solar light sa kanyang kubo ang biktima nang dumating ang salarin at pinaputukan ito ng sunod-sunod. Mabilis ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Blangko pa ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan sa suspek pero tinitingnan…

Read More

TAYTAY PASOK SA MGA PINAKAMATATAG NA LGUs

SA kabila ng mga matinding pagsubok bunsod ng patuloy na banta ng pandemya, nananatiling matatag ang estado ng bayan ng Taytay, batay na rin sa talaang inilabas ng Commission on Audit. Sa pinakahuling Annual Financial Report (AFR) for Local Government, lumalabas na ikaapat na pinakamatatag ang Taytay sa talaan ng 1,489 munisipalidad para sa taong 2019. Lumalabas na nakapagtala ang pamahalaang bayan ng tumataginting na P1.16 bilyong total revenue. Bunsod nito, kinilala ng COA ang Taytay sa aspeto ng husay nito sa larangan ng paghimok at pagpapayabong ng negosyo kunsaan…

Read More

NAKAKAIYAK ANG PRESYO NG GULAY

HINDI lang mataas kundi napakataas ng presyo ng mga gulay ngayon sa mga palengke kaya nakakaiyak mamalengke ngayon at yung sinasabi ng gobyerno na kumain ng masustansya para hindi magkasakit mukhang malabo na. Hindi ko lang alam kung ramdam ng mga opisyales ng gobyerno dahil marami naman silang budget sa pagkain pero sigurado hindi na kaya ng mga ordinaryong mamamayan ang presyo ng mga gulay. Mantakin nyo naman, higit doble ang itinaas ng presyo at kung tatanungin mo ang mga nagtitinda sa mga palengke kung bakit, masyadong mataas ang paghango…

Read More

LIBU-LIBONG SUBSCRIBERS GALIT NA GALIT SA PATAY SINDING SIGNAL NG CONVERGE ICT SOLUTIONS INC.!

PATULOY na dumarami ang galit na galit sa CONVERGE ICT SOLUTIONS INCOPORATED dahil sa madalas na pagkawala ng signal o patay sinding internet connection nito. Batay sa nakita ng PUNA sa Facebook Page ng ­kumpanya ‘as of today ­Enero 15, 2021 lamang nasa 1.6 likes, 2.3k comments at 1.1 shares na at patuloy pa itong dumarami. Kabilang sa mga PUNA ng netizens: 1. “Ngenye ilang araw nang mawawala tas babalik, ano ka crush namin? HAHAHAHAHAHA!”, 2. “Bakit parang araw-araw na?”; 3. “Follow up ticket 004511679! Still no connection, RED LOS…

Read More

Pinasusuko ng AFP ARREST WARRANT INILABAS VS 9 JOLO COPS

NAGLABAS na ang Jolo, Sulu Regional Trial Court (RTC) ng arrest warrant at Hold Departure Order (HDO) laban sa siyam na nadismis na miyembro ng Philippine National Police na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo. Kaugnay nito, nakahanda ang Armed Forces of the Philippines na tumulong sa pag-aresto kasabay ng panawagan na sumuko na lamang ang mga pugante at huwag nang hintaying maaresto. Sinasabing kahit na medyo atrasado ay ikinatuwa na rin ng pamunuan ng AFP ang desisyon ng Jolo RTC Branch 3 na maglabas ng warrant laban sa…

Read More