(NELSON S. BADILLA) TASK Force Against Corruption (TFAC) na pinamumunuan ng Department of Justice (DOJ) na ang mag-iimbestiga laban sa siyam na kongresista at labing-apat na inhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot umano sa garapalang korapsyon. Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, mag-iimbestiga nang malaliman ang TFAC upang makakuha ng sapat, matibay at malakas na mga ebidensiya laban sa mga kongresista at DPWH district engineers na nabigong gawin ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC). Kailangang magsagawa ng “case build-up” ang TFAC na siyang isasampa sa Office…
Read MoreMonth: January 2021
CHA-CHA AYAW SAYAWIN SA SENADO
MALABONG umusad sa Senado ang isinusulong na amyendahan ang Saligang Batas sa mga probisyon nito sa ekonomiya dahil “malamig” ang tugon ng maraming mambabatas sa panukala, ayon kay Senate President Vicente Sotto III. Sa pahayag, sinabi ni Sotto na nakipag-usap na siya sa ilang kasamahan sa Senado hinggil sa resolusyon nina Sens. (Ronald) Dela Rosa at (Francis) Tolentino, ngunit wala siyang nakikitang matibay na tugon. “I made some calls even about two weeks ago, when the resolution was brought up… I talked to other members…I did discuss it with [Senate…
Read MoreSinovac ‘BFF’ price – Roque OPOSISYON IDINIIN SA PANINIRA SA CHINA BRAND VAX
PARA sa Malakanyang, produkto lamang ng paninira ng oposisyon ang lumalabas na mga impormasyong pinakamahal ang Sinovac sa anim na brand ng COVID-19 vaccine. Ito ang tinuran ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng sinisimulan nang pag-order ng bansa ng bakuna pangontra sa COVID-19 kung saan ay inaasahang unang darating ang China-made na Sinovac. Aniya, nasa gitna o mid-range lang ang presyo ng Sinovac na iba sa nais palabasin ng oposisyon na bukod sa mataas ang presyo ay mababa rin ang efficacy rate. Giit ni Sec. Roque na walang…
Read MoreGURO GAGAMITIN DIN SA VACCINATION PROGRAM
INIHAYAG ni Health Secretary Francisco Duque III na kasama sa bubuuing vaccination team ng gobyerno ang mga public school teacher. Gayunman, sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole hinggil sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno, nilinaw ni Duque na magiging boluntaryo ang pagsisilbi ng mga guro sa vaccination teams. Sa pagtatanong ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ipinaliwanag ni Duque na kasama sa magiging papel ng mga guro ang health education o pagpapaliwanag sa mga babakunahan sa magiging epekto ng bakuna, kasama na ang maaaring side effects nito at…
Read MorePAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES HINDI PA TIYAK
CLUELESS ang Malakanyang kung kailan puwedeng ibalik ang face-to-face classses sa bansa. Ito’y dahil hindi kasama sa mga babakunahan ang mga menor-de-edad o 18 pababa. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mawawala naman ang transmission o hawahan sa adult population dahil mababakunahan na sila, mababawasan din ang risk o panganib na makuha ng kabataan ang virus. Magkagayunman, nilinaw ni Roque na wala siya sa posisyon para magbigay ng tiyak na sagot sa usaping ito dahil nakadepende ang sitwasyon sa mga darating na datos. Aniya, magsisimula pa lamang kasi ang…
Read MoreTRAVEL RESTRICTIONS SA 30 BANSA, EXTENDED
EXTENDED ang travel restrictions sa mahigit 30 bansa hanggang Enero 31, 2021 Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na palawigin ng hanggang sa nabanggit na petsa ang entry travel restrictions at rules na naaangkop sa lahat ng byahero na mula o manggagaling mula sa mga bansang: The United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China, kabilang na ang Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, United States of…
Read More‘ASIAN FACTOR’ SA PAGBILI NG BAKUNA PINAKUKONSIDERA
HINIKAYAT ni Senador Imee Marcos ang pamahalaan na bigyan din ng timbang ang mga COVID-19 vaccine na ang pag-testing ay sinalihan ng mas maraming taga-Asya. Sa pahayag, tinukoy ni Marcos na mas mababa sa 5% ang lumahok na mga taga-Asya sa mga tinatawag na efficacy trials o pag-testing sa bisa ng tatlong nangungunang kandidatong bakuna na inaprubahan na sa Western countries. “Bukod sa presyo at kadalian ng pag-imbak at paggamit, hindi rin natin dapat balewalain ang Asian factor sa pagpili ng pinakaligtas na bakuna para sa mga Pilipino,” ayon kay…
Read MoreSolon sa planong covid vax distribution POLISIYA NG IATF ‘KABALIWAN’
(DANG SAMSON-GARCIA) “THIS is crazy”. Ito ang nabitiwang linya ni Senador Cynthia Villar sa polisiya ng Inter-Agency Task Force sa pagbili ng mga pribadong sektor ng bakuna laban sa COVID-19. Sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa COVID-19 vaccination program, naguluhan pa ang ilang senador sa polisiya ng IATF pagdating sa distribusyon ng pribadong sektor ng kanilang bakunang bibilhin. Lumalabas sa polisiya na kinakailangan pa ring sundin ng pribadong sektor ang guidelines ng IATF sa prayoridad sa mga bibigyan ng bakuna para sa nalalabi nilang 50 percent…
Read MoreHINDI HABOL ANG SPEAKERSHIP
HINDI issue ng speakership ang dahilan ng pagbuo ng panibagong grupo sa mababang kapulungan ng Kongreso. Ayon kay dating House Speaker at Taguig-Pateros Congressman Allan Peter Cayetano, walang maidudulot na maganda sa taumbayan ang ginagawa ngayon ng mga namumuno sa Kongreso na mas binibigyang-pansin ang pulitika sa halip na dagliang pagtulong sa mamamayan sa gitna ng nararanasang pandemya. Ayon kay Cayetano, mas maraming usapin sa Kongreso ang dapat bigyang prayoridad tulad ng COVID-19 vaccination, PhilHealth anomaly, pagbaba ng presyo ng palay, at iba pa gayung alam naman ng lahat na…
Read More