BULACAN – Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa mga kabahayan kung saan 188 pamilya ang nawalan ng tirahan, sa Sitio Bukid, Barangay Tabing Ilog, sa bayan ng Marilao sa lalawigang ito, noong Huwebes ng tanghali. Base sa panimulang imbestigasyon, nagsimula ang sunog bandang alas-12:15 ng tanghali at idineklarang fire-out bandang alas-3:00 ng hapon at 23 firetrucks ang nagresponde sa insidente. Ang mga kabahayang nasunog ay pawang yari sa light materials kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy. Ayon kay Mayor Ricky Silvestre, inilikas ang mga nasunugan sa…
Read MoreMonth: January 2021
‘SIPSIP’ NA KATRABAHO TINODAS NG SEKYU
LAGUNA – Bunsod umano’y pagiging “sipsip” kaya napatay ang 47-anyos na security guard ng kanyang kabaro sa San Pablo City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Fernado Empoy Maloles ng Barangay Prinza, Calauan, Laguna. Idineklarang dead on arrival sa San Pablo City District Hospital ang biktima makaraang barilin ng suspek na si Ramil Aranda Ramos, 37, ng Brgy. Sta. Elena, San Pablo City. Ayon sa nakasaksi sa insidente na si Ronnie Tayaktak Lecciones, 44, isa ring gwardiya, nag-ugat ang alitan ng dalawa dahil sa pagsisipsip umano sa…
Read MorePARAK PATAY SA TANDEM
LAGUNA – Napatay ng riding in tandem ang nakamotorsiklong pulis sa Cabuyao City sa lalawigang ito, habang papasok sa kanyang trabaho nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ni Cabuyao City Police chief, Lt. Col. Gilmore Wasin ang biktimang si P/SSgt. Christian Ramos ng Sitio Laguarta, Poblacion 1, Calaca, Batangas. Ayon sa ulat, pinagbabaril ng suspek na lulan din ng motorsiklo, ang biktima bandang alas-8:40 ng umaga habang binabagtas ang Yulo Road, Brgy. Pittland. Napag-alamanan, nakatalaga si Ramos sa Regional Police Holding and Accounting Unit sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Calamba…
Read More1 LALAKI, 2 BABAE SINALVAGE SA BULACAN
BULACAN – Tatlong bangkay, kabilang ang dalawang babae at isang lalaki, ang natagpuang nakaposas at tadtad ng tama ng bala sa ulo sa Plaridel Bypass Road sakop ng Brgy. Malamig, sa bayan ng Bustos sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga Base sa inisyal na report ng pulisya, ang mga biktima ay natagpuan dakong alas-5:00 ng umaga habang duguang nakahandusay sa nabanggit na lugar. Ang mga ito ay hinihinalang mga biktima ng summary execution dahil sa mga tama ng bala sa ulo at nakaposas ang mga ito. Sinasabing pinagbabaril habang…
Read More3 SUNDALO, 1 PA UTAS SA AMBUSH
LANAO DEL NORTE – Patay ang tatlong sundalo at isang sibilyan makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa lalawigang ito, noong Huwebes, ayon sa ulat ng Western Mindanao Command. Sa inilabas na pahayag ni Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., WESTMINCOM commander, nangyari ang insidente dakong alas-8:45 ng umaga sa hangganan ng Poona Piagapo at Pantao Ragat sa Lanao del Norte. “Troops immediately responded and proceeded to the area to validate the information. Upon arrival, the responding team discovered 4 dead bodies with gunshot wounds,” ani Lt. Gen. Vinluan. Kinilala…
Read More4 PULIS, 1 PA HULI SA SHABU LAB SA SMBA
NADAKIP ang isang sibilyan at apat na mga pulis na mga protector at escort umano ng drug laboratory, sa isinagawang drug bust operation ng mga awtoridad sa #366-B Finback St., West Kalayaan, SBMA Freeport Zone, Olongapo City nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa ulat ng CIDG sa CPNP/Command Group, kinilala ang mga arestado na sina Jericho Dabu, sibilyan, at apat na mga pulis na sina P/Lt. Reynaldo Basa, Jr., P/Cpl. Gino Dela Cruz, P/Cpl. Edesyr Victor Alipio at P/Cpl. Godofrey Duclayon Parantela, pawang nakatalaga sa SDEU-PS2 ng Olongapo City…
Read More27 NADAGDAG SA COVID CASES SA VALENZUELA
NADAGDAGAN ng 27 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City noong Enero 14, habang walo ang nadagdag sa Navotas at apat naman sa Malabon. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, sa loob ng 24 oras ay tumalon mula sa 128 bandang alas-5:00 ng hapon noong Enero 13 patungo sa bilang na 155 kinabukasan. Umabot na sa 8,812 ang tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela. Sa bilang na ito ay 8,397 na ang gumaling at 260 ang namatay. Sa Navotas naman ay 5,515 na ang nagpositibo sa COVID, sa bilang…
Read MorePAGPAPASARA NG DUMPSITES DAPAT TULOY-TULOY
UMAASA ang EcoWaste Coalition na patuloy na ipatutupad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang batas hinggil sa maayos na pagtatapon at pangangalaga ng basura. Mahigit 21 taon na nang mabuo ang Republic Act 9003, o Ecological Solid Waste Management Act ng bansa ngunit nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng mga pribadong tambakan ng mga basura sa maraming panig ng bansa. Lumabas ang isyu tungkol sa RA 9003 makaraang ipasara ng DENR at ng pamahalaang bayan ng Tanza, Cavite ang isang pribadong tambakan ng basura…
Read MoreROAD CLEARING OPS, 1 WEEK EXTENDED – DILG
ISANG linggo pa ang itatagal ng “road clearing operation” ng mga pamahalaang lokal, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ayon sa tagapagsalita ng DILG na si Undersecretary Jonathan Malaya, pinagbigyan ng kagawaran ang kahilingan ng lokalidad na bigyan pa sila ng isang linggo upang tuluyang malinis ang mga kalsada mula sa mga sagabal sa daloy ng mga sasakyan. Nitong Biyernes, Disyembre 15, ang huling araw ng operasyon na itinakda ng DILG. Pumayag ang DILG sa kahilingan dahil nahihirapang makakilos nang maluwag ang mga pamahalaang lokal bunga…
Read More