NAGDEKLARA ang pamahalaang lungsod ng liquor ban sa pagdiriwang ng pista ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan sa Maynila upang matiyak na hindi malalabag ang COVID-19 protocols. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kailangang hindi mauwi sa wala ang sakripisyong ginagawa ng mga residente ng lungsod at ng lokal na pamahalaan sa loob ng nakalipas na 10 buwan laban sa coronavirus. Sa inihaing direktiba ng alkalde sa lahat ng barangay official at mga pulis, iniutos ang istriktong pagpapatupad ng liquor ban at implementasyon ng curfew. Ang direktiba…
Read MoreMonth: January 2021
ASF PATULOY PA RING NANANALASA
PATULOY pa ring nananalasa ang African swine flu (ASF) sa industriya ng baboy sa bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA). Nabatid ito batay sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI). Ngunit hindi na ito kasing bagsik tulad noong 2019, wika ng DA. Noong 2019, maraming baboy ang pinatay sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa biglang pagkakaroon ng ASF sa bansa. Milyon-milyon ang nawalang kita ng mga negosyante ng baboy dahil sa ASF. Ipinangako ng DA na patuloy nitong nilulutas ang ASF upang tuluyang mawakasan ang nasabing…
Read MoreSENATORS SA KAMARA: ANONG CON-ASS? NAKA-BREAK ANG SESSION
UMALMA ang mga senador sa deklarasyon ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na nag-convene na sila bilang Constituent Assembly para sa pagdinig ng panukala para baguhin ang economic provision sa konstitusyon. Ipinaalala nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senate Majority Leader Migz Zubiri na sa kasalukuyan ay naka-break ang Kongreso. “Congress is on a break, the only way a ConAss can be initiated and considered to sit as one, is if its done in plenary and session assembled. Eh Monday pa resumption. That’s a simple committee hearing…
Read MoreBAGONG GRUPO NG MAYORYA BINUBUO SA KONGRESO
MAGTATAYO ng bagong grupo ang mga dating lider ng mababang kapulungan ng Kongreso na inalisan ng poder ni House Speaker Lord Allan Velasco na tatawaging “BTS sa Kongreso”. Sa advisory ng tanggapan ni dating Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, pormal na ilulunsad ngayong araw, Huwebes ang kanilang grupong “BTS” sa Kongreso”. “Ang ibig lang naman naming sabihin doon, Back To Service Congress kaya BTS sa Congress,” ani Cayetano. Puwede rin umanong tawaging “Bayanihan Tapang at Serbisyo at wala umanong pulitika dito dahil wala itong ipinagkaiba sa Spice Boys…
Read MoreCHOP-CHOP NA BANGKAY ITINAPON SA MT. MAKILING
LAGUNA – Limang plastic na naglalaman ng pinagpira-pirasong bangkay ng isang lalaki ang natagpuan sa bahagi ng Mt. Makiling noong Martes ng umaga. Ayon kay Lt. Col. Chitadel Gaoiran, nadiskubre ng dalawang residente na nangunguha ng mga halaman, ang mga plastic na ibinalot sa tape sa Jamboree Site sakop ng Barangay Batong Malake, Los Baños, mag-alas-9:00 ng umaga. Unang inakalang mga basura ang laman ng mga plastic ngunit laking gulat nila nang tumambad sa kanila ang putol-putol na katawan ng isang lalaki. Ayon kay P/SSgt. Alvin Jade Apolinario, posibleng madaling…
Read MoreLOLA, 2 APO PATAY SA SUNOG SA BULACAN
BULACAN – Isang 75-anyos na lola at kanyang dalawang apo ang namatay makaraang masunog ang kanilang bahay at nadiskubre ang bangkay ng mga ito na magkakayakap sa loob ng palikuran sa Barangay Lapnit, sa bayan ng San Ildefonso sa lalawigang ito, noong Martes. Kinilala ng San Ildefonso Fire Station ang mga biktimang si Zenaida Ferena at kanyang dalawang apong sina Donalyn,12-anyos at Zapea, 6-anyos, pawang residente sa Barangay Lapnit sa nabanggit na bayan. Ayon sa imbestigasyon, pasado alas-12:00 ng madaling araw noong Martes nang makatanggap ng impormasyon ang fire station…
Read MorePRIORITY LIST PARA SA BAKUNA, BALANGKASIN NANG MAS MAAGA
HINIMOK ni Senador Joel Villanueva ang Inter-Agency Task Force na simulan na ang pagbalangkas ng listahan ng benepisyaryo para sa COVID-19 vaccination program upang makasigurong hindi magkakaroon ng overlap sa pagbabahagi ng bakuna. Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate labor committee, kailangan ng malinaw na targeting ng mga benepisyaryo dahil maaaring maging bahagi ang isang tao sa higit sa dalawang kategorya na itinakda ng IATF sa kanilang priority list. “Dapat po sinisimulan na ang pagbabalangkas ng mga panuntunan ng IATF habang nakikipagpulong pa sila sa mga pharmaceutical firms na nais…
Read MoreISTRIKTONG QUARANTINE DEPENDE SA COVID CASES
NAKASALALAY sa available na data ang desisyon kung magpapatupad ang pamahalaan ng “stricter community quarantine” sa National Capital Region (NCR). Ito’y matapos na magbabala ang grupo ng mga researcher hinggil sa posibilidad na pagsirit ng COVID-19 cases sa NCR sa susunod na ilang linggo. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na susuriin ng pamahalaan ang data sa two-week attack rate at critical care capacity. Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Sec. Roque na ang healthcare system ay matutugunan ang sitwasyon. Sa huling report ng OCTA Research Team, nakasaad na ang bagong…
Read MorePERSONS WITH COMORBIDITIES ‘DI PA TIYAK SA BAKUNA
SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na may pag-uusap pang ginagawa ang Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa kung isasama sa priority list na mabakunahan laban sa covid ang mga tinaguriang may comorbidities gaya ng mga diabetic at may heart condition. Ayon kay Sec. Roque, may kani-kanyang tindig ang mga nasa IATF patungkol sa usapin na hanggang ngayo’y hindi pa napagdedesisyunan at patuloy pa ring pinag- uusapan. Kung siya lamang aniya ang tatanungin ay pabor siyang maisama na sa priority list ang mga may comorbidities ngunit kailangan pa rin pag-usapan…
Read More