2 CCC NG PORT OF NAIA PINASINAYAAN

Pormal na pinasinayaan ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawa (2) pang Customer Care Centers (CCC) sa Port of NAIA at NAIA Central Mail Exchange Center (CMEC). Ang Port of NAIA-CCC ay magsisilbi bilang isang One-Stop Shop o central hub para sa Customs-related transactions sa NAIA maging ang pagtanggap at pagre-release ng mga dokumento, pagbabayad, document tracking at general stakeholder information. Habang ang NAIA-CMEC CCC ay magiging tahanan ng parcel-related transactions maging ng parcel ­tracking, shipment information, follow ups, parcel inquiries at alalahanin na may kinalaman sa pagtulong sa NAIA…

Read More

BOC-NAIA PINARANGALANG “MOST DISTINGUISHED COVID-19 PANDEMIC GOVERNMENT RESPONSE”

Bagama’t naharap sa iba’t ibang pagsubok noong nakaraang taon (2020), ang Bureau of Customs NAIA ay napanatili ang kanilang pagsisikap na magampanan ang kanilang mandato sa border protection, trade facilitation at revenue collection ng bansa Sa kabila ng panganib na dulot ng ­Covid-19 pandemic, ang BOC-NAIA ay nagtrabaho ng 24/7 at tiniyak ang kaukulang pagtupad ng lahat ng mga pangangailangan ng PPEs, medical supplies, donations at mai-release sa tamang oras. Dahil dito, kinilala ang BOC-NAIA ni ­Philippine Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon, bilang isa sa mga ahensiya ng gobyerno…

Read More

28 BUHAY AT MAKAMANDAG NA SCORPIONS, TARANTULAS NASABAT NG BOC-NAIA

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs Port of NAIA (BOC-NAIA) ang isang package na naglalaman ng kabuuang 20 endangered tarantula spiders at 8 scorpions na illegally smuggled sa pamamagitan ng Central Mail Exchange Center (CMEC) noong ­Enero 6, 2021. Ang dalawamput walong (28) plastic containers na kinalalagyan ng tarantulas at scorpions ay nakita nang buksan ang nasabing package. Lumalabas sa records na ang bagahe ay nagmula sa Samut Parakain, Thailand na idineklara bilang ­”Teaching equipment”, at imported na walang kaukulang import permits. Ang tarantulas at scorpions ay agad…

Read More

TAKOT NG PUBLIKO SA COVID VACCINES TUGUNAN – SOLON

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na tugunan ang pangamba ng taumbayan sa bakuna, lalo na’t mahalaga ang magiging papel nito sa pagwawakas ng pandemya at sa ligtas na pagbabalik-eskwela ngayong taon. Reaksyon ito ng mambabatas base sa lumabas sa ilang survey na malaking bahagi ng publiko ang nangangambang magpabakuna laban sa COVID-19. Para sa senador, ang kawalan ng tiwala ng publiko sa bakuna ay maituturing na resulta ng “Dengvaxia damage,” kaya patuloy ang duda at takot ng publiko sa pagbabakuna. Nagbabala si Gatchalian na kung kalahati ng bansa…

Read More

Consistent sa latest OCTA Research survey MARCOS MATATAG SA NCR

(SAKSI NEWS TEAM) HINDI natinag sa pwesto si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. base sa survey ng Octa Research para sa susunod na presidential election sa 2022. Sa isinagawang survey ng nasabing grupo sa kalakhang Maynila mula Disyembre 9 hanggang 13 ng nagdaang taon, ikalawa sa pinakagusto ng mga respondent para maging susunod na pangulo si Marcos. Patunay ito na matatag si Marcos sa NCR base sa 14% botong nakuha niya kasunod ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno na nakakuha naman ng 19%. Nauna rito, si…

Read More

Solon sa pagbasura sa kaso ng mga ‘bata’ ni Noynoy TAUMBAYAN ISINANTABI NG OMB

(NOEL ABUEL) MALAKING sampal sa taumbayan ang pagbawi ng Office of the Ombudsman sa desisyon nitong papanagutin ang mga sangkot sa kontrobersyal na MRT maintenance deal na kinasasangkutan ng mga tauhan ng administrasyong Noynoy Aquino. Ito ang sinabi ni Senador Grace Poe, kung saan hindi umano katanggap-tanggap ang ginawang pagtalikod ng OMB sa nasabing usapin. “It is thus disheartening to hear the news that the Office of the Ombudsman has abandoned its earlier ruling and decided to let the chief architects of the highly anomalous MRT-3 maintenance contract get off…

Read More

Solon sa litanya ni Roque KARAPATAN NG PINOY NA MAGING CHOOSY

KARAPATAN ng mga Pilipino na maging “choosy” dahil buhay at kaligtasan nila ang nakataya sa bakuna na gustong iturok sa kanila ng gobyerno bukod sa pera nila ang ipambibili nito. Ito ang buwelta ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos nitong sabihin na hindi dapat mamili ng covid vaccien ang mga Pilipino dahil libre ito. “Mr. Roque, if it is a matter of safety and effectivity, if it involves public money, then the people have the right to be ‘choosy,” ani Gaite na hindi…

Read More

NAIA REHAB HIRIT NG 20M TIKTOKERS

KUMAKATOK sa pamahalaan ang mga “tiktokers” na may milyun-milyong followers na payagan na ang agarang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa gitna ng pandemya at kaunting biyahero sa mga paliparan. Sinabi ni Tiktok user Evan Tan na merong mahigit sa 2.2 million followers, naniniwala siyang karapatan lamang ng sambayanang Pilipino na magkaroon ng isang world-class airport. “I believe that we Filipinos deserve a world-class airport that can match with other countries,” pahayag ni Tan sa kanyang online message. Matatandaan na naudlot ang NAIA rehab na dapat sana isagawa…

Read More

SHOPEE NADAMAY SA PROTESTA LABAN SA LOGISTICS PROVIDER

INULAN ng batikos ang e-commerce platform na Shopee matapos madamay sa reklamo ng mga delivery rider nito ukol sa mabagal na pasahod ng logistics provider na Placer8. Sa isang video na inilabas sa Facebook ni Estrang Vench Alvarez, empleyado ng Placer8, makikita ang protesta ng mga delivery rider ng Shopee sa labas ng opisina ng Placer8 Logistics Express Inc. sa Taguig. Reklamo ng riders, hindi umano nilabas ng Placer8 ang kanilang sahod noong buwan ng Disyembre 2020 at maging ang kanilang 13th month pay, na mandato ng gobyerno, ay naantala…

Read More