TSERMAN ITINUMBA SA SARILING BAKURAN

PINAGBABARIL at napatay ang tserman ng Barangay Hulong Duhat sa Malabon City sa loob ng kanyang bakuran noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, alas-4:00 ng hapon nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek ang biktimang si Anthony “Tune” Velasquez, 40, na hindi umabot nang buhay sa ospital. Ayon sa impormasyon, nakatanggap ng mga banta ang kapitan mula sa mga ilegalista sa kanyang nasasakupan. Mariin namang kinondena ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang pagpatay kay Velasquez. (ALAIN AJERO) 158

Read More

3 MINORS NASAGIP SA ONLINE SEXUAL ABUSE

SINAGIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong menor de edad na sinasabing biktima ng online sexual exploitation, sa Dasmariñas, Cavite. Ayon kay Atty. Ferdinand Lavin, tagapagsalita ng NBI, ang tatlong menor de edad ay nasagip ng NBI Anti-Human Trafficking Division. Nabatid sa ulat, isinagawa ang operasyon makaraang magbigay ng impormasyon ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Philippine Internet Crimes Against Children Center at pinaimbestigahan ito sa NBI. Kasunod nito, nadiskubre ng NBI na may isang Filipina na nakikipag-ugnayan sa isang US based na lalaki…

Read More

TOP 1 MOST WANTED ARESTADO SA QC

HULI sa pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Quezon City Police District (QCPD)-District Intelligence Division (DID) at Police Regional Office 2 (PPO2), ang district level top 1 most wanted person sa 4th quarter ng 2020, sa Tauo, Cagayan noong Enero 9. Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Danilo Macerin ang wanted person na si Jhunie Bartolome, nasa hustong gulang at residente sa Brgy. West Fairview. Nadakip si Bartolome dakong alas-8:30 ng umaga sa Lakambini, Tuao, Cagayan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marilou…

Read More

MAGKAPATID NA LOLA TIMBOG SA DROGA

LUCENA City – Arestado ang magkapatid na lola sa anti-illegal drugs operation sa lungsod na ito, nitong Martes ng umaga. Kinilala ang Lucena City Police ang mga suspek na sina Gloria De Chavez alyas Mommy, 61, at Zenaida De Chavez, 60, parehong residente ng Barangay Mayao Crossing. Ang dalawa ay kapwa nasa street level individual (SLI) list ng Lucena PNP at may mga dati na ring kaso ng ilegal na droga. Natiklo ang dalawa sa buy-bust operation ang mga operatiba ng Quezon Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Branch at mga…

Read More

SALIVA TESTING SA COVID SINIMULAN NG RED CROSS

ISANG libong samples para sa Saliva RT-PCR pilot testing ang isasagawa ngayong araw ng Philippine Red Cross sa Mandaluyong City. Sisimulan ng alas-1:30 ng hapon ng pamunuan ng Philippine Red Cross ang Saliva RT-PCR pilot testing para sa 1 libong samples sa Philippine Red Cross Logistics and Multi-Purpose Center sa Apo St., Brgy. Barangka Ilaya, Mandaluyong City. Ito ay bilang pagtalima sa kahilingan ng Department of Health na magsagawa sa Saliva RT-PCR pilot testing, na mas mura sa swab test at mas mabilis ang paglabas ng resulta kaya agad malalaman…

Read More

CRIME GROUP MEMBER PATAY SA BUY-BUST

CAVITE – Patay ang isang hinihinalang miyembro ng Bautista criminal group na sangkot sa panghoholdap at pagnanakaw ng motorsiklo sa lalawigang ito at karatig na mga lugar, makaraang manlaban umano sa buy-bust operation ng mga awtoridad. Kinilala ang napatay na si Arcie Surin, may live-in partner, ng Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ellezer Tagalog ng Rosario, Municipal Police Station, dakong alas-7:00 noong Lunes ng gabi, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Brgy. Sapa 3, Rosario, Cavite kung…

Read More

Utos ng Valenzuela LGU DUMALO SA TRASLACION ISASALANG SA SWAB TEST

INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian na isasalang sa COVID-19 test ng lokal na pamahalaan ang mga Valenzuelano na lumahok sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila noong Sabado. Ayon sa alkalde, tinutukoy na ang mga pinuno ng mga grupo ng mga deboto ng Nazareno na ang mga kasapi ay dumalo sa pista ng Nazareno sa Quiapo. Dagdag pa ni Gatchalian, ginagawa ng pamahalaang lungsod ang lahat ng kailangang hakbang para hindi lumobo ang kaso ng COVID-19. Nauna rito, nakiusap ang alkalde sa mga deboto na sa…

Read More

Hamon sa iba pang kaibigan ni Dacera LUMANTAD KUNG INOSENTE

“KUNG wala silang kasalanan, lumutang sila at makipagtulungan sila sa amin para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Christine.” Ito ang hamon ni Atty. Roger “Bricks” Reyes, tagapagsalita ng pamilyang Dacera, sa panayam ng Peryodiko Filipino Inc. (SAKSINGAYON) noong Lunes. Ayon kay Atty. Reyes, kung totoo ngang mga kaibigan sila ni Christine, tutulong sila at ituturo ang may kagagawan sa pagkamatay ng dalaga noong Enero 1, Nauna nang itinanggi ng umano’y mga bakla na sina Valentine Rosales at iba pang kasama nito na hindi nila magagawang pagsamantalahan at patayin si…

Read More

OFW SINAKTAN AT TINUTUKAN NG BARIL?

IPINARATING sa akin ng aking kaibigan at kasalukuyang Vice Chairman for Media Affairs ng AKOOFW na si Florante Rosales ang sumbong ng isang OFW mula sa Jeddah, Saudi Arabia na si Rezalyn Barotas. Halos limang taon na itong namamasukan bilang kasambahay sa kanyang amo na si Abdul Aziz Al Jatawi. Diumano ay sinaktan siya at tinutukan ng baril ng 20 anyos na anak ng kanyang employer at pinagbibintangan pa ng pagnanakaw. Kalakip sa ipinadalang liham ay ang mga larawan na nagpapakita ng napakalaking galos sa kanang bahagi ng kanyang katawan…

Read More