LA UNION MAYOR SUSPENDED ULIT SA KORAPSYON

SA ikalawang pagkakataon, nasuspindeng muli ang alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng La Union. Ang ikalawang pagpapatigil kay San Fernando Mayor Hermenegildo Gualberto na manatili sa puwesto ay ang ipinatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 90-araw na suspensiyong ipinag-utos ng Sandiganbayan. Nakaugnay sa kasong katiwalian at korapsyon na isinampa ng Office of Ombudsman (OMB) sa Sandiganbayan, ang utos ng huli kay Gualberto. Pumalit kay Gualberto si Bise-Alkalde Alfredo Pablo Ortega. Inihabla ng OMB si Gualberto matapos mapatunayan na ginamit ng alkalde ang “development fund”…

Read More

INSURANCE LUMUTANG SA PINATAY NA KOREAN

MISTULANG Koreanovela ang naging takbo ng imbestigasyon hinggil sa pagpatay sa isang Koreano sa Valenzuela City noong Pebrero makaraang ikumpisal ng dalawang suspek na ang mismong biktima ang “mastermind” sa krimen. Para makakubra umano ng insurance kaya pinapatay ng biktimang si Nam Sunuk ang kanyang sarili, ayon sa ulat ng pulisya. Dagdag ng pulisya, naging interesante ang imbestigasyong isinasagawa ng isang piling grupo sa pagpatay sa Koreano, nang isiwalat ng mga suspek na sina Kimberly Radores at Rica Estrella sa harap ng abogado, na ang biktima mismo ang nagplano ng…

Read More

KOREAN SWINDLER HULI SA PAMPANGA

ARESTADO sa mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean na puganteng wanted sa mga awtoridad sa Seoul dahil sa swindling at pandaraya sa kanyang dalawang kababayan, ng malaking halaga ng pera. Ayon sa report mula kay BI FSU Chief Bobby Raquepo kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang suspek na si Lee Beomseok, 42, ay naaresto noong Huwebes sa isang restaurant sa Angeles City, Pampanga, ng mga elemento mula sa BI’s Fugitive Search Unit (FSU). Sinabi ni Morente, inisyu niya ang mission order para sa pag-aresto kay…

Read More

2 TIKLO SA P200K SHABU

KAPWA nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, Section 5 at 11 ng Dangerous Drugs Act of 2002, ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa inilatag na buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District sa Tondo, Manila nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Emmanuel Fortuno y Gapayao, 31, ng #753 Int. 62, Raxabago St., Tondo, at Arvi Bautista y Valerio, 23, ng #2069 Dagupan Ext., Tondo. Base sa ulat ni P/Lt. Joan Dorado,…

Read More

SEC. DIZON ‘NAMANHID’ SA CORONAVAC

HINDI pa batid kung may kinalaman ang napaulat na pagtaas ng presyon ng dugo o namanhid na sa dami ng suliraning dala ng COVID-19, si National Task Force Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon kaya’t wala umano siyang anumang naramdaman nang tarakan ng Coronavac, ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech, noong Lunes sa pagsisimula ng rollout ng vaccination program ng pamahalaan. Ayon kay Dizon, na binakunahan sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Hospital (dating Tala Hospital) sa Caloocan City, mas masakit ang bakuna laban sa trangkaso kaysa…

Read More

HOUSE HEALTH PANEL CHAIR SUMALANG SA PAGPAPABAKUNA

UPANG maipakita ang suporta sa vaccination program ng pamahalaan, sumalang si Quezon Representative Angelina “Helen” Tan, chairperson ng Committee on Health sa mababang kapulungan ng Kongreso, sa pagpapabakuna ng Sinovac mula sa China-based Sinovac Biotech Limited. Dalawang araw matapos dumating sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac na donasyon ng China, nagpaturok ang mambabatas sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) gamit ang alokasyon sa kanilang pamilya ng anak na surgeon sa nasabing ospital. “Huwag tayong matakot magpabakuna, protektahan natin ang isa’t isa upang sabay-sabay nating malagpasan ang pandemya,” pahayag ni…

Read More

AGARANG PAGSISIMULA NG PILOT F2F CLASSES, PANAWAGAN SA SENADO

INIHAYAG ni Senador Win Gatchalian na pitong senador ang lumagda sa isang resolusyon na nanawagan para sa agarang pagsisimula ng pilot test ng localized at limitadong face-to-face classes sa low risk areas upang mapigilan ang pinsalang sanhi ng pagsasara ng paaralan sa kalusugan, pagkatuto at  kapakanan ng mag-aaral. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na nakatakda sa Senate Resolution No. 668, inirerekomenda na dapat simulan ang pilot testing sa 1,065 na pampublikong paaralan na mapipili ng Department of Education (DepEd) sa risk assessment nito. Ayon din sa naturang resolusyon, ang mga…

Read More

‘VIRAL’ AMBASSADOR SIBAK SA PWESTO

TULUYAN nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro. Si Mauro ay nahaharap ngayon sa maraming kaso dahil sa pananakit sa kasambahay na makikita sa ilang CCTV footages na isinapubliko ng Brazilian media at nag-viral sa social media. Sa public address ng pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na kanselado na ang eligibility ni Mauro at wala na itong matatanggap na retirement benefits. Bawal na rin siyang humawak ng anomang public office at hindi na rin pwedeng kumuha ng civil service examination. Napag-alaman…

Read More

SENATE PROBE IKINASA VS PMVICs

INIHAYAG ni Senador Grace Poe na opisyal nang ipinatigil ng Senado ang operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Center (MPVICs) sa buong bansa kabilang ang pag-iimbestiga dito alinsunod sa inaprubahang committee report ng Senate committee on public services. Sa pahayag, sinabi ni Poe na inaprubahan ng Senado ang naturang report na nagrerekomenda na bawiin ang Department of Transportation’s (DOTr) Department Order 2018-019 at iba pang katulad na ipinalabas na kautusan. “While the fees have been lowered for now and testing seems to have been made optional, the implementation of this…

Read More